Chapter Twelve

1K 8 0
                                    

ANGELICA'S POV

"Ano bang emergency yan tinawag ni Tita na kinailangan natin umalis agad?" Tanong ni Lorraine sakin. Nasa loob kami ng kotse at nagmamameho ako. "May nangyari ba?" Dagdag niya.

"Si Gary kasi------"

"Ano nangyari sa inaanak ko?" Bulaslas niya.

"Nilalagnat daw sabi ni mama ." Sabi ko na puno ng pagaalala ang aking tinig.

"Nilalagnat? Eh kanina bago tayo umalis mukhang okay naman siya ah." Takang sabi niya.

"Yun nga din pinagtataka ni mama eh kaya kailangan ko na makauwi agad pero ihahatid muna ki---------"

"Huwag na, sasamahan na kita. Inaanak ko din naman si Gary nagaalala din ako."

"Salamat ha." Tanging nasabi ko nalang.

"No problem bess." Sagot niya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami bahay. Agad akong lumabas at pumasok sa loob sumunod naman si Lorraine, deretso namin tinungo kwarto ng anak ko.

"Gary." Sambit ko pagbukas ko sa pinto agad na lumapit ako sa anak ko na nakahiga. Dinampi ko ang aking palad sa kanyang leeg at napakainit niyang talaga. Si mama na nakaupo sa gilid ng kama ay agad na kinuha ang thermometer na nakalagay sa kanang armpit niya.

"Mommy, i'm so cold." Nanghihinang sambit ng anak ko. Gusto ko nang maiyak sa pagaalala. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay ang nagkakasakit ito. Para akong mamamatay.

"Naku anak tumaas sa 39!" Gulat na sabi ni mama.

"Diyos ko po! Bakit siya nilagnat?!" Medyo paranoid na ako.

"Kanina kasi napansin ko wala siyang ganang kumain nung pinapakain ko." Paliwanag ni mommy. "Nang hawakan ko siya ang init niya kaya agad ko na inihiga dito at tiningnan temperatura niya. Kanina 37 degrees kaya pinainom ko agad ng gamot ngayon nagtataka ako kung bakit umakyat pa sa 39."

"Ganito nalang gawin mo muna bess, bantayan muna natin lagnat niya at pag hindi pa bumaba yan bukas dalhin natin sa clinic." Suhestyon ni Lorraine.

"Pwede ba ngayon na natin siya patingnan?" Sabi ko hyterically.

"Anak kumalma ka." -Si mommy

"Oo nga bess huwag kang paranoid at isa pa wala nang open pa na clinic sa mga oras na ito." -Si Lorraine

"Eh kasi naman baka kung ano na itong nangyayari sa kanya." Naluluha ko nang sabi. " kahit ubo o sipon kahit sugat pa ayaw ko siya nagkakaroon non."

"Bess normal lang sa bata nagkakaroon ng mga ganyan." Sabi niya sakin.

"Anak pasensya na na-spoil ko pa ang gabi niyo etong si Gary hinahanap ka kaya tumawag na ako sayo." Baling ni mommy sakin. "Baka nakakahiya sa nagimbita sa inyo na umalis kayo agad,"

Naupo na rin ako sa gilid ng kama at hinahaplos ko ang ulo ng anak ko at ramdam ko ang init niya. "Okay lang ma, naintindihan naman nila na emergency at isa pa mabuti na rin na tumawag ka, at least alam ko kung ano nangyayari dito sa anak ko."

"If gusto mo bess dito muna magpalipas ng gabi." Alok niya sakin. "Tatawag muna ako sa samin. Sasamahan muna kita."

"Naku bess nakakahiya at isa pa ihahatid naman kita total sandal----------"

"Bess magpapagod ka pa at isa pa hahanapin ka ulit ng inaanak ko sige ka."

"Pero ayoko naman makaabala pa-------------

"Bess hindi ito abala okay, inaanak ko si Gary at bestfriend kita and besides hindi ito ang first time na nagsleep over ako dito." Pangungulit niya. Swerte ko talaga dahil may bestfriend akong tulad ni Lorraine.

To Love Again ( On Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon