Chapter Twenty Six

972 19 4
                                    

ANGELICA'S POV

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" Halos mabingi ako sa pag-tili ng mama ko nang sabihin namin sa kanya ni Nathan na magpapakasal na kami.

Nasa living room kami ngayon. Kakahatid lang sakin ni Nathan dito sa bahay. Hapon na rin nang makabalik kami dito sa Manila from our Tagaytay trip.

"Ma hinaan mo naman ang boses mo baka magising si Gary." Saway ko.

"Pasensya na anak, masaya lang ako kasi di ko akalain na darating pa ang moment na 'to sa buhay mo." Parang na-sense ko na iiyak siya.

"Ma, wag ka iiyak." Natatawang sabi ko.

"Panong di ako maiiyak eh mag-aasawa ka na." Sabi niya na humihikbi. "Maiiwan na ako dito mag-isa."

Nagkatinginan kami ni Nathan at ngumiti siya sakin.

"Tita, pwede naman po kayo sumama para may kasama din si Angel ko at si Gary." Sabi ni Nathan.

Nangiti ng todo si mommy. "Talaga?"

Tumango lang kami pareho.

"Yes!" Bigla naiba ang aura ni mommy. Bumalik sa excitement. "Nathan Alagaan mo anak at apo ko ah, oras na lokohin mo siya lagot ka sakin."

"Don't worry tita." Assurance ni Nathan. "I'll take good care of them. They are my life now."

"Para tuloy akong teenager na kinikilig sa inyong dalawa." Ngiting sabi ni mommy. "Anak patingin nga ng singsing."

Hinawakan niya ng left hand ko at tinitigan mabuti ang singsing. "Anak ang ganda ng engagement ring mo."

I Blush. "Thanks ma."

"Nathan, ang galing mo talaga pumili." Baling niya kay Nathan. "Mukhang mamahalin ah."

"Siyempre tita, magaling ako pumili." Sabi ni Nathan saka kinindatan ako. I smiled at him.

To Love Again ( On Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon