Chapter Fourteen

1K 10 4
                                    

NATHANIEL'S POV

Hindi ko pa rin matanggal ang ngiti sa aking labi when she agree to go out on a date with me.

Nagmamaneho na ako ngayon papunta na ng opisina.

Bakit ba tila lagi yata kami pinagtatagpo ni Angel?

Di ko maiwasan maisip.

Una siya pala ang kinukwento sakin ni mama na fashion designer at nagkataon pa na siya ang tinulungan ko non magpalit ng gulong ng sasakyan niya.

Pangalawa naman yong kanina sa coffee shop.

Di ko akalain na makikita ko siya kanina sa don. Nakatalikod siya sa pila pero alam ko na siya iyon kaya inapproach ko siya.

Nagulat pa siya ng makita niya ako. Pero ako natuwa ng sobra.

Kaya agad agad dumiskarte na ako. Naisip ko na ito ang perfect time para makausap ko siya, to get to know her more.

Nung party ko kasi last night hindi man lang kami gaano naguusap kasi naman nagkakahiyaan pa kaming dalawa.

Then she left my party agad dahil may emergency daw sa bahay nila. At na-curious naman ako kung ano yon, kasi yong itsura niya parang nagaalala.

Kaya inaya ko siya na maupo muna kami, para makapagusap ba.

Ilang segundo pa bago siya nakasagot ng 'oo'. Iniisip ko kung tatanggi ba siya.

Pero laking tuwa ko nung pumayag siya. So this is my chance para makilala ko siya ng husto kasi interesado talaga ako sa kanya.

Gusto ko malaman lahat tungkol sa kanya kahit ano pa iyon.

She ask me how was my party last night so i answered her. I'm still curious at her reason for leaving so soon, so i asked her.

I was surprised when she told me she had a son at may sakit daw ito kaya niya kinailangan umuwi.

Hindi ko man lang naisip yon ah. Wala naman kasi sa itsura niya na may anak na pala siya at five years old na daw ito.

Nakikita ko sa kanya ang tuwa habang kinukwento niya sakin tungkol sa anak niya.

I had to admit natuwa din ako kasi honest siya. Hindi niya kinakahiya na may anak na siya bagkus proud pa siya.

Pero nararamdaman ko sa boses niya, yong pagkwento niya sakin na parang ang dami na niyang nasakripisyo para lang sa anak niya.

Her son is so lucky na magkaroon siya ng ina na tulad ni Angel. Nararamdaman ko kasi na napakabuti niyang tao.

Para ngang gusto ko na nga makilala ko anak niya eh. Palagay ko he looks like his mom.

I want to ask her kanina tungkol sa father ng anak niya on why they got seperated, kaso naisip ko masyadong personal iyon. Saka nalang pag nagkaroon ulit ng chance.

Nung sinabi niya sakin na baka iniisip ko na disgrasyada siya, honestly wala naman akong iniisip na ganon. Hindi ako ang klase ng tao na nanghuhusga ng kapwa.

Kung huhusgahan ko siya ay parang hinusgahan ko na rin ang aking mama.

I knew my mother's story. Before she met my dad she got pregnant very young but too bad my Kuya died bago pa ako mabuo.

Sa totoo lang, lalo pa akong humanga sa kanya kasi hindi madali maging single parent. You have to be a mother and at the same time a father.

Mas lalo pang lumalim ang pagka interes ko kanya.

And you know what? Walang kaso sakin kung may anak siya o wala.

Basta gusto ko siya but i have this feeling na parang may pagaalinlangan pa siya.

To Love Again ( On Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon