Chapter 1- PAANO KUNG ANG TAONG TINAKBUHAN MO ANG SIYA PALANG MAGIGING BOSS MO

46 2 0
                                    


Kumakabog ang dibdib ni Mika habang nakaupo sa hanay ng mga aplikante na naghihintay sa holding area. Kung saka-sakali, iyon ang unang trabahong papasukan niya matapos niyang maka-graduate ng engineering. Kung hindi lang mahigpit ang pangangailangan niya hindi niya papatulan ang rekomendasyon na iyon ng kaibigan niyang si Louie, sobrang layo kasi ng pagiging secretary sa kursong tinapos niya. Mahalagang makuha niya ang posisyong iyon para makahanap na siya ng bagong matutuluyan. Pinalalayas na kasi siya sa apartment na tinutuluyan niya, ilang buwan na rin kasi siyang hindi nakakabayad ng upa.

Malamig sa lugar kung saan sila naghihintay kaya mas lalo pang nangatog ang mga tuhod ng dalaga. Agad na umayos nang pagkakaupo si Mika nang matanaw niyang palabas ang isang babae na may hawak ng papel. "Mikaela Sebastian," anito.

Biglang napatayo si Mika. "Ma'am," aniya sabay taas ng kamay.

"Miss, pasok ka na dun sa pangalawang pinto sa kanan," nakangiting sabi ng babae.

Agad na inayos ni Mika ang sarili atsaka siya naglakad sa direksiyong sinabi ng babae. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kabang nararamdaman habang binabaybay niya ang pasilyo. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya nang dahan-dahan niyang pihitin ang door knob. Unti-unti niyang natanaw mula sa siwang ng pinto ang lalaki na nakaupo patalikod sa kanya.

"Come in," buo ang tinig na sabi ng lalaki nang marinig ang pag-ingit ng pinto.

Nanlaki ang mga mata ni Mika at bahagyang napaurong nang umikot paharap ang inuupuan ng lalaki.

"Cedric?!" mariing sambit niya. Si Cedric ang lalaking dapat sanay pakakasalan niya, ang lalaking ipinagkasundo sa kanya ng lolo niya at siya ring dahilan ng pagtakas niya sa kanila.

"Look who's here? Mukhang tadhana na ang nagdala sa'yo sa akin!" anang binata na noo'y tumayo at naglakad papalapit sa kanya.

Dali-daling tumalikod si Mika para lumabas pero agad na naiharang ni Cedric ang sarili sa pintuan atsaka nito isinara.

"Palabasin mo ako. Uuwi na ako!" medyo mataas na ang boses ni Mika. Tinangka niyang baklasin si Cedric sa pagkakatakip sa pinto pero hindi niya ito matinag sa pagkakatayo.

"You need my help, hindi ba?" ani Cedric.

"Kailangan ko ng tulong pero hindi sa'yo!" mariing sabi ni Mika.

Nangingiting umiling si Cedric. "Miss Sebastian, 'wag kang umasta na para bang gustong gusto kong makasal sa'yo. Kung ayaw mo sa akin, ganun din ako!" ganting sagot ni Cedric.

"Ganun naman pala, eh. Ba't hindi mo na lang pigilan ang kasal?"

Bahagyang napangiti at napailing ang binata. "Sa tingin mo ganun lang kadali 'yun? Kahit saan ka pa magtago makikita at makikita ka nila. Buo na ang desisyon ng mga lolo natin kaya wala na tayong magagawa kundi magkasundo na lang."

Napakunot ang noo ni Mika. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Pwede naman tayong magpakasal para pagbigyan sila," kaswal na sagot ni Cedric.

Tila nakuha naman niya ang interest ng dalaga. "Pagkatapos, ano?"

Bahagyang napangiti si Cedric. "Why don't we sit down and talk about it?" ani Cedric sabay hila ng silya para sa dalaga atsaka ito naupo sa katabing silya.

"So, ano'ng plano mo?" tanong ni Mika.

"Magpakasal tayo para lang pagbigyan sila pero maghihiwalay din tayo sa takdang panahon."

"Sige payag ako pero in my rules," seryosong sabi ni Mika.

"Sure, ano ba'ng gusto mo?"

"Magpapakasal lang tayo pero hindi ako magiging asawa sa'yo."

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon