CHAPTER 3- NANG TUMAMBAD KAY CEDRIC ANG HALOS HUBAD NA KATAWAN NI MIKA

7 1 0
                                    


Agad na napaiwas ng tingin si Cedric kay Mika.

Dali-dali namang hinablot ni Mika ang kumot atsaka ibinalot sa sarili.

"Sinabihan na kita na 'wag kang magla-lock dahil any time sumisilip ako sa bata. Hindi ba't malinaw na sign na 'yon na hindi ka dapat basta na lang naghuhubad sa loob ng kwarto? Ang luwang luwang ng banyo bakit hindi ka ro'n magbihis?!"

"Eh, sana po kasi, kumatok muna kayo," katwiran ni Mika.

"Para ano? Para hindi ko maaktuhan kung may ginagawa kang hindi maganda sa bata?"

"Ano naman ang gagawin ko sa bata?" hindi makatingin sagot ni Mika.

"Aware ka na anytime papasok ako and yet nagawa mong maghubad dito? What are you trying to do?" naniningkit ang mga matang tanong ni Cedric. "Inaakit mo ba ako?"

Napangisi si Mika sabay napailing. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ba't tinakbuhan nga kita? Napaka-conceited mo naman!"! Ano'ng tingin mo sa ginawa ko? Nagpapahabol lang?"

"Malay ko ba kung may binabalak kang hindi maganda sa akin," ani Cedric na noo'y dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya.

Napalunok si Mika nang mapasandal sa dingding. "A-Ano namang gagawin ko sa'yo?"

"Siguraduhin mo lang na wala kang binabalak na masama sa akin. Dahil kahit ano'ng galing mong magtago, malalaman at malalaman ko rin. Sige na, magdamit ka na roon sa banyo, baka kung ano pang maisipan kong gawin," kunwa'y sabi ni Cedric.

"Manyak!" bulong ni Mika sabay hablot ng damit sa kama.

"Ano'ng sabi mo?" habol ni Cedric.

"Wala!" aniya sabay takbo papasok sa banyo.

Habol ang hininga ni Mika habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Iyon kasi ang unang beses na may lalaking nakakita nang halos hubad niyang katawan. "Grabe, nakakahiya!" mangiyak-ngiyak na sabi niya. Pulang-pula ang pisngi niya noon sa kahihiyang inabot niya. Hindi naman niya kasi akalain na darating nang maaga si Cedric. Napabuga na lang ng hangin ang dalaga habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Tapos ng magbihis si Mika pero nagdadalawang isip pa siyang lumabas. Nakailang beses na niyang tinangkang pihitin ang door knob pero agad niya rin iyong binibitiwan. Hindi niya kasi alam kung paano niya haharapin si Cedric pagkatapos ng nangyare. Idinikit niya ang tainga sa likuran ng pinto atsaka siya nakinig sa labas. Pero wala kahit ano'ng tunog siyang naririnig. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan atsaka siya bahagyang sumilip sa labas pero wala nang tao roon. Napahawak sa dibdib si Mika at nakahinga nang maluwag. Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin atsaka niya kinausap ang sarili.

"Erase!Erase! Erase!" nakataas pa ang mga kamay na sabi niya. Muli pa siyang bumuga ng hangin bago siya tuluyang lumabas.

Dumiretso siya sa baba para kunin si Migui pero wala sa sala ang mag-ama. Sumilip siya sa gawing kusina maging sa may garden pero wala rin doon ang dalawa kaya muli siyang umakyat at dumiretso sa silid ni Cedric. Nakabukas ang pinto kaya agad niyang natanaw ang mga ito. Humahagalpak pa sa tawa ang bata habang kinikiliti sa leeg ni Cedric. Bahagyang napangiti si Mika, ang sarap kasing pagmasdan ng mag-ama habang nagkukulitan. Hindi niya maiwasang mapahanga kay Cedric sa pagiging mabuting ama nito. Kahit na kasi pagod ito sa maghapong pagtatrabaho, naglalaan pa rin ito ng oras para makipag-bonding sa anak.

Napatigil sa ginagawa si Cedric at napalingon sa kanya nang mapansin siyang nakatayo sa labas ng pinto.

"Come in," anito.

Alanganing inihakbang ni Mika ang mga paa papasok atsaka siya naglakad papalapit sa mag-ama.

"Sorry, sa nangyari kanina," ani Cedric nang bumaba sa kama habang karga-karga ang bata.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon