CHAPTER 13 KALMAHIN MO LANG MIKA BAKA WEDDING JITTERS LANG 'YAN

5 1 0
                                    

Sa halip na sumagot, iniunan ni Cedric ang braso sa kanya atsaka siya nito niyakap. "Tulog na tayo," anito sabay subsob ng mukha sa likod niya. Tinangka niyang kalasin ang kamay ni Cedric mula sa pagkakayakap sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito. "Ilang araw na akong walang maayos na tulog. Hayaan mo na akong matulog sa tabi mo," bulong ng binata.

Napabuga ng hangin ang dalaga. Pansin niya rin kasi ang lumalaking eyebag sa mga mata nito kaya pinagbigyan na niya ito.

Nang magising si Mika nakayakap pa rin sa kanya si Cedric. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay nito pero mas lalo pa itong yumakap sa kanya. "Magluluto lang ako ng almusal," aniya sabay pisil sa ilong nito.

Nakangiting dumilat si Cedric. "Talagang paninindigan mo ang pagiging asawa ko, ha?" naniningkit ang mga matang sabi nito.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

Bahagyang inilapit ni Cedric ang mukha sa kanya atsaka siya nito tinitigan. "Sinabi ko ba'ng ayaw ko? I want coffee for breakfast," nangingiting sabi nito.

Tinangkang bumangon ni Mika pero agad siyang nahila pabalik ni Cedric. "Hindi pa ako tapos. Gusto ko rin ng kiss," anito sabay dampi ng halik sa labi niya.

"Pa-fall ka talaga," ani Mika na noo'y patayo na sana pero muli siyang binatak pabalik ni Cedric kaya napadaganan siya rito. Kapwa nila naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ng bawat isa habang nakatitig sila sa isa't isa.

"Effective naman, 'di ba?" nakangiting sabi ni Cedric sabay tuldok sa ilong niya.

Napatulis ang nguso ni Mika. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Cedric atsaka niya ito

pinisil.

Natawa na lang ang binata."Get up! I'll teach you how to cook," ani Cedric sabay halik sa noo niya.

****music****

Naglalaro noon sa dalampasigan sina Mika at Migui nang lumapit si Cedric sa kanila.

"Sorry, Babe, kailangan na nating umuwi ."

"Ha? Bakit? May nangyari ba?" napatayong tanong ni Mika.

"Tumawag si Mama, hinihintay na raw tayo ni Lolo."

"Dadaan tayo sa inyo?"

"Okay lang ba sa'yo na sa Bulacan na lang natin i-spend 'yung ilang araw na leave natin?"

"Okay," ani Mika sabay baling kay Migui. "Baby, let's go na, uuwi na tayo!"

Inamba ng bata ang mga kamay kaya agad niya itong binuhat.

Nangingiting umakbay si Cedric sa kanya at magkaagapay silang naglakad pabalik sa resthouse.

Matapos mag-empake, agad silang bumiyahe pa-Bulacan at doon masaya silang sinalubong ng pamilya ni Cedric. "Finally, nagpakita rin kayong dalawa. Alam niyo ba'ng matagal na kayong inaabangan ng lolo niyo?" salubong ng mama ni Cedric. Agad na humalik si Mika sa pisngi nito atsaka nagmano sa matanda.

"Mabuti naman at nagka-ayos na kayong dalawa," anang matanda.

Nilakihan ni Cedric ng mga mata si Mika at napangiti naman ito.

"Naku! Akin na nga 'yang apo ko!" anang mama ni Cedric na noo'y kinuha na ang bata kay Mika.

"Dumiretso na muna kayo sa kusina at kumain, mamaya na tayo mag-usap. Sigurado akong gutom na kayo."

"Tara, Babe, kain muna tayo," ani Cedric sabay abot ng isang kamay ni Mika atsaka niya hinila papunta sa kusina. "Ma, 'yung gatas ni Migui, pakikuha na lang ho sa bag," sigaw ni Cedric.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon