CHAPTER 4- NAGULAT SI CEDRIC NANG BIGLA NA LANG SIYANG HALIKAN NI MIKA

10 1 0
                                    


Chapter 4

Malalim na ang gabi nang umakyat sa silid si Cedric. At gaya nang nakagawian na niya, sumilip muna siya sa silid ng bata bago dumiretso sa sariling silid. Napangiti siya at napasandal sa gilid ng pinto nang makitang nakayakap ang bata kay Mika habang natutulog. Sa sandaling panahon kasi ay nakuha agad ni Mika ang loob ng bata. Dahan-dahan siyang lumapit atsaka niya inayos ang pagkakakumot ng dalawa. Aktong hahalik siya sa pisngi ni Migui nang gumalaw si Mika at inilapit ang mukha sa bata kaya imbes na si Migui si Mika ang nadampian niya ng halik sa labi. Mabuti na lamang at hindi ito nagising. Agad na napalayo si Cedric at napahawak sa kumakabog niyang dibdib. Tila nawala ang kalasingan niya sa nangyari. Nakaawang ang mga labi na napatitig siya sa dalaga sabay napabuga ng hangin.

At bago pa magising si Mika, maingat siyang lumabas ng silid.

Hindi mapakali si Cedric nang makarating sa silid niya. Parang sira na naglakad siya nang pabalik-balik sa harapan ng salamin. May kung ano'ng tukso kasi na nagtutulak sa kanyang bumalik at muling halikan ang dalaga. "No! Hindi pwede!" parang sirang saway niya sa sarili.

Nagto-toothbrush na siya nang muling nag-flashback sa isipan niya ang nangyari. Biglang napatigil ang binata. Dalidali siyang nagmugmog at lumabas ng banyo. Pagkatapos ay nagtalakbong siya ng kumot na animo'y nagtatago sa kung sino.

Tanghali na ng gising si Cedric kinabukasan. Pababa na siya nang mapadaan siya sa silid ng bata. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya habang nakatayo siya sa tapat ng pintuan. Urong-sulong siya noon kung sisilip ba siya o hindi hanggang sa marinig niya ang pag-iyak ng bata. Agad siyang napatakbo sa loob at naabutan niya ang bata na nakatayo habang nakahawak sa gilid ng crib. Biglang nag-init ang ulo ni Cedric, minsan na kasing nahulog sa kama ang bata nang dahil sa kapabayaan ng yaya. Madilim ang mukhang kinuha niya ang bata atsaka niya hinanap si Mika sa ibaba.

"Mika, bakit naman iniwan mong mag-isa ang bata sa kwarto?" bungad ni Cedric nang sumulpot sa kusina.

Napalingon si Mika na noo'y kasalukuyang nagtitimpla ng gatas. "Ay, gising na ba? Sorry, ha? Inihahanda ko na kasi 'yung gatas niya."

"Sa susunod kung may gagawin ka, tawagin mo si Joy o kaya'y si Milly pero 'wag na 'wag mong iiwang mag-isa ang bata!" ani Cedric habang ipinapasa sa kanya ang bata.

Hindi na nagtangka pang mangatwiran si Mika dahil aminado naman ito sa maling nagawa. Hindi na rin kumibo si Cedric na noo'y agad na rin siyang tinalikuran.

Gamit ang isang kamay, ipinagpatuloy ni Mika ang pagtitimpla ng gatas habang karga ang bata pero agad naman siyang nilapitan ni Manang Beth.

"Mika, ako na riyan," narinig niyang sabi nito mula sa likuran. Kinuha ni Manang ang bote ng gatas na hawak niya atsaka nito nilagyan ng tubig. "Pagpasensiyahan mo na si Cedric. Nadala na kasi siya sa mga pabayang yaya na nakukuha niya sa agency."

"Okay lang po, 'yon. Naiiintindihan ko po," mahinang sabi niya.

Sa maghapong iyon, hindi siya pinansin ni Cedric. Tamang nakatingin lang ito sa kanya pero hindi siya nito kinikibo. Naisip niya na malamang ay hindi talaga nito nagustuhan ang ginawa niyang pag-iwan sa bata. Kinakabahan na siya noon na baka bigla na lang siyang ibalik ni Cedric sa bahay nila. At 'pag nangyari 'yun mapipilitan siyang pakasalan ito nang walang kasunduang magaganap sa pagitan nila.

Lingid sa kaalaman niya, sa mga sandaling iyon, hindi siya magawang harapin ni Cedric dahil sa nangyari nang nagdaang gabi at hindi sa dahilang inaakala niya. Paulit-ulit kasing bumabalik sa alaala nito ang aksidenteng pagdidikit ng mga labi nila kaya hindi ito komportableng humarap sa kanya.

Kasalukuyang nilalaro ni Mika ang bata nang bumungad sa pinto si Cedric. "Bihisan mo ang bata, magsisimba tayo," blanko ang mukhang sabi nito.

Biglang natigilan si Mika. "T-Tayo? Kasama ako?" alanganing tanong niya.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon