Ganoon na lang ang pag-aalala ni Manang nang masalubong ang basang-basang dalaga. "Susmaryosep! Ano'ng nangyari sa'yo bata ka? Bakit basang-basa ka?"
Napayuko lang noon si Mika na noo'y pilit pinipigilan ang luha. "Akyat na po ako," mahinang sabi niya.
Napabaling ng tingin si Manang kay Cedric na noo'y nakatayo malapit sa pinto. "Hindi mo ba siya binigyan ng pamasahe?"
Mariing napahaplos sa mukha si Cedric bago ito sumagot. "Hindi ho, eh."
Napailing na lang ang matanda. "Pambihira kang bata ka. Alam mo namang wala pang pera ang isang 'yon."
"Nawala ho sa loob ko, eh."
"Siguradong masama ang loob nun' sa'yo. Sundan mo na sa itaas, Gagawan ko siya ng sabaw para mainitan ang sikmura," ani Manang na noo'y dumiretso na sa kusina.
Dali-daling umakyat sa kwarto si Cedric. Matiyaga niyang hinintay si Mika na noo'y nasa loob pa ng banyo. Nang marinig niya ang pag-ingit ng pinto, agad siyang tumayo atsaka siya lumapit sa dalaga na noo'y kinukuskos ng tuwalya ang buhok. Pero umiwas lang ito at ni hindi tumingin sa kanya. Mabilis niyang hinablot ang isang kamay nito kaya napatingin ito sa kanya. "Sorry na," tanging nasabi niya.
Binawi ni Mika ang kamay atsaka nagpatuloy sa pagtutuyo ng buhok na para bang hindi siya naririnig. Muli niyang tinangkang hawakan ang kamay nito pero agad din nitong binawi sa kanya. Ramdam niya noon ang matinding sama ng loob sa kanya ni Mika kaya nagpasya siyang iwan muna ito.
Nang marinig ni Mika ang pagsara ng pinto napasubsob ito sa kama at doon na ito tuluyang naiyak. Ibinuhos nito ang lahat ng sama ng loob hanggang sa makatulugan na nito ang pag-iyak.
Madilim na sa silid nang muling bumalik si Cedric, kinapa niya ang switch ng ilaw atsaka niya 'yon binuksan. Tumambad sa kanya si Mika na noo'y nakadapa sa kama habang natutulog. Ibinaba niya ang dalang pagkain atsaka niya nilapitan ang dalaga. Bahagya niyang hinawi ang buhok nito na tumakip sa mukha atsaka niya ito sinalat sa noo. Mainit ang salat ng balat ni Mika kaya agad niya itong inayos ng pagkakahiga. Pagkatapos ay agad siyang kumuha ng paracetamol sa drawer. Muli niyang binalikan si Mika atsaka niya iniangat mula sa pagkakahiga at isinandal sa kanya. Bahagyang umingit ang dalaga at akmang babaling sa kabila nang pigilan niya ito. "Mainit ka. Uminom ka muna ng gamot," aniya.
Bahagyang nagmulat ng mga mata ang dalaga pero hindi ito nagsalita.
"Inumin mo muna 'to," aniya atsaka niya isinubo ang gamot sa dalaga.
Matapos makainom ng gamot, nagtangkang lumayo ang dalaga pero agad niya itong ikinulong sa mga bisig niya. "I'm sorry," aniya sabay dampi ng halik sa ulo ng dalaga.
Doon na napahagulgol ng iyak si Mika. "I hate you!" bulong nito.
Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa dalaga. "Sorry na. Hindi ko sinasadya," aniya.
Bumitaw sa kanya ang dalaga atsaka ito bahagyang lumayo. "I'm leaving!" blanko ang mukhang sabi nito.
"What?"
"Uuwi na ako sa amin," walang emosyong sabi ng dalaga.
"Paano 'yung trabaho mo sa akin?"
"Bakit hindi si Trisha ang ipuwesto mo, tutal naman mukhang kulang ang isang araw sa paglalambutsingan niyo," sa wakas ay naisatinig na ni Mika ang sama ng loob.
Biglang napangiti si Cedric. "Hindi mo na maitatago, nagseselos ka."
"Ang kapal ng mukha mo! Bakit ako magseselos?"
"Dahil gusto mo na ako," seryoso ang mukhang sabi ni Cedric.
Napatitig si Mika sa kanya. "Sino naman ang may sabi sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomancePaano kung ang taong tinatakbuhan mo ay siya palang magiging boss mo? Meet Mikaela Sebastian. Ang cute at pilyang apo ng isang retired military officer. Hindi niya akalain na matapos niyang takbuban at takasan ang itinakdang pamamanhikan ay dadalhin...