Unti-unti nang ininilalapit ni Cedric ang mukha sa dalaga nang biglang sumulpot si Joy.
"Sir!" bungad nito sa nakaawang na pinto.
Mariing napapikit at napangiti si Cedric bago lumingon sa pinto, wrong timing kasi ang pasok ni Joy. Namula naman ang pisngi ni Mika na noo'y agad na umiwas ng tingin.
A-Ay, sorry po!" napatakip sa bibig na sabi ni Joy.
"Ano 'yun, Joy?" tanong ni Cedric.
"Pinatatanong po ni Manang kung ano raw po ang gusto niyong ihain sa hapunan."
Bumaling si Cedric kay Mika. Inabot niya ang isang kamay nito at bahagyang pinisil. "Ano'ng gusto mong kainin?" tanong niya.
"Kahit ano," sagot ni Mika.
"Nilaga na lang para may sabaw?"
"Bahala ka."
Muling bumaling si Cedric kay Joy na noo'y naghihintay sa isasagot niya. "Pakisabi kay Manang nilagang baka na lang. Pakipalambutan kamo nang mabuti ang karne."
"Sige po, Sir," ani Joy na noo'y agad nang tumalikod.
Muling tiningnan ni Cedric si Mika. "Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko. Ano? Nagsisisi ka na ba na mas pinili mo ang lokong 'yon kaysa sa akin?"
Nangingilid ang luha na tiningnan lang siya ni Mika atsaka ito nahiga. Napangiti naman si Cedric.
Hindi man kasi diretsahang sumagot si Mika pero malinaw naman nitong naipahiwatig ang sagot sa tanong niya. Walang pagsidlan ang tuwa niya noon, tanaw na niya kasi ang katiting na pag-asa na malapit na niyang makuha ang loob ng dalaga.
"Pupunta muna ako sa office, magpahinga ka na lang muna rito. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka," ani Cedric bago lumabas ng kwarto.
Nakababa na si Cedric sa hagdan nang maulinigan niya ang mga kasambahay na nag-uusap sa kusina kaya siya tumigil atsaka niya ito pinakinggan.
"Manang, parang may kakaiba po kay Sir Cedric ngayon. Parang bigla siyang bumait kay Ate Mika. Para nga pong hahalikan niya kanina si Ate Mika, eh. Naudlot lang kasi bigla akong sumulpot. Mag-jowa na po ba sila?"
"Oo," sagot ni Cedric mula sa likuran.
Mariing napapikit si Joy at napakagat sa labi. Sabay namang napangiti si Manang at si Milly caught in the act kasi ang katabilan ng dalagita.
"Fiancee ko si Mika. Siya 'yung dapat na pakakasalan ko nun sa Bulacan."
"H-Hindi po siya yaya?" ani Joy.
Nangingiting umiling si Cedric. "Nagkaroon lang kame ng kaunting hindi pagkakaintindihan, pero ayos na kame ngayon. Pupunta lang ako sa opisina, kayo na muna ang bahala sa ma'am niyo."
Nakatalikod na si Cedric nang bumaling si Joy kay Milly.
"Bakit parang ako lang ang nagulat? Alam niyo na ba ang totoo?" tanong nito.
Nangingiting inakbayan ni Milly si Joy. "Unang araw palang dito ni Ma'am Mika napansin ko nang may kakaiba kay Sir, kaya hindi na ako nagulat sa sinabi niya ngayon. Saan ka naman kasi makakakita ng kasambahay na pinahihiram ng damit ng among lalaki?"
"Naku kayo talagang dalawa, tama na 'yang tsismisan. Hala, sige! Ituloy niyo na 'yang ginagawa niyo pagkatapos kunin niyo si Migui sa kwarto baka gising na."
"Ma'am Mika, kukunin lang po namin si Migui," ani Milly nang bumungad sila sa pinto.
Napakunot ang noo ni Mika. "Ma'am?"
"Alam na po namin ang totoo, Ma'am. Nagsabi na po si Sir Cedric sa amin kanina."
Alanganing napangiti ang dalaga. "Nagsabing ano?"
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomancePaano kung ang taong tinatakbuhan mo ay siya palang magiging boss mo? Meet Mikaela Sebastian. Ang cute at pilyang apo ng isang retired military officer. Hindi niya akalain na matapos niyang takbuban at takasan ang itinakdang pamamanhikan ay dadalhin...