"Babe, mag-usap muna tayo," ani Cedric nang makarating sila sa bahay pero mabilis na nakababa ng sasakyan si Mika at patakbong umakyat sa kwarto. Agad itong nagkulong sa banyo kaya hindi na ito nakausap ni Cedric.
Gabi na nang maisipan ni Cedric na katukin sa banyo ang dalaga. "Babe, okay ka lang ba riyan?" tanong niya mula sa labas ng pinto. Nakasalampak noon sa sahig si Mika at nakasandal sa pinto habang umiiyak.
"Babe, sorry na! Hindi ko intensiyon na paglaruan ang damdamin mo. Hindi totoo 'yung iniisip mo."
"Pinag-tripan niyo ako nang kaibigan mo, iyon ang totoo! Ano'ng gustong maramdaman ko, ha? Ilang beses niyo bang ginawa, ha? 'Yung araw na pumunta siya sa bahay at harap-harapan niya akong binastos! Nung nagkulong kayo sa opisina. Nung naglakad ako pauwi dahil mas pinili mo siyang ihatid at nung isang araw lang na maghapon akong naghintay sa opisina at naghintay sa tawag mo!
Hindi lang isang beses mong ipinaramdam sa akin at ipinamukha sa iba na mas importante si Trisha kaysa sa akin!" sigaw ni Mika.
"Babe, gusto ko lang naman malaman kung mahal mo na rin ako. Maniwala ka naman sa akin. Hindi ko sinasadyang saktan ka!" ani Cedric na noo'y napaupo na rin sa lapag.
"Sinadya mo man o hindi, nasaktan mo pa rin ako. Masarap ba sa pakiramdam niyo 'yung makitang mukha akong tanga? Nakakataas ba ng ego? I'm sure tuwang tuwa pa kayo kapag nakikita niyong nasasaktan ako."
"Babe, hindi naman ganun 'yun, eh."
"Ano'ng hindi ganun? Ganun 'yun, eh! Hindi pa sapat 'yung isang beses na pinagmukha niyo akong tanga! Inulit-ulit niyo pa! Kung ang intensiyon mo lang ay ang pagselosin ako dapat nung una palang itinigil niyo na! Nasarapan kayo sa pananakit sa dadamdamin ko kaya inulit-ulit niyo? Aminin niyo man o hindi pinag-tripan niyo ako!"
"Okay, aaminin ko, naging insensitive ko, I'm sorry!" ani Cedric pero hindi na umimik si Mika na noo'y
Niyakap na lang ang sarili matapos ihilig ang ulo sa pinto. Pinakikinggan niya lang ang mga sinasabi ni Cedric hanggang sa tuluyan na niya itong makatulugan.
Biglang kinabahan si Cedric nang halos kalahating oras nang hindi umiimik si Mika. Kaya agad siyang napatakbo sa labas para kumuha ng susi. Sakto namang nasalubong niya si Joy.
"Joy, pakikuha naman ang susi ng banyo?" humahangos na sabi ni Cedric.
"Bakit po, Sir? May problema po ba?"
"Nag-lock kasi 'yung pintuan sa banyo, hindi ako makapasok," kunwa'y sabi niya.
"Sige po, Sir, kukunin ko," ani Joy na noo'y muling bumaba.
Nang makuha ang susi agad na binuksan ni Cedric ang banyo, maingat na itinulak niya ang pinto nang maramdaman niya ang bigat. Pilit niyang pinagkasya ang sarili sa maliit na siwang nang makita niyang tulog na tulog si Mika habang nakahilig sa likuran ng pinto. Pinagmasdan niya ang kaawa-awang hitsura ni Mika na noo'y may bakas pa ng luha sa pisngi. Hinawi niya ang buhok nito atsaka niya tinuyo ang luha. "I'm sorry, Babe," aniya atsaka niya ito dinampian ng halik sa noo. Maingat na binuhat niya ito atsaka niya inihiga sa kama.
Nang magising si Mika nakatayo na sa harapan niya si Cedric na noo'y may hawak pang bouquet ng mga bulaklak. "Babe, sorry na!" nangingilid ang luhang sabi nito.
Napasibi si Mika na noo'y pilit pinipigilang maluha. Lumapit sa kanya si Cedric atsaka siya niyakap nang mahigpit. "I'm sorry," bulong nito.
Napaiyak na lang si Mika na noo'y napayakap na rin sa kanya. Unti-unting bumitaw si Cedric sa pagkakayakap sa dalaga. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito atsaka niya dinampian ng halik sa noo. "Sorry, sa nagawa ko, aminado akong napasobra ako dun. Hindi ko na 'yun uulitin. Alam kong punong puno ka na sa akin, lalo na nitong mga nakaraang araw na wala na ako halos time sa'yo. Babe, hindi kami lumalabas ni Trisha para lang mag-happy- happy. Lahat ng lakad namin work related. Gusto ko kasing makumpleto na 'yung budget natin para sa kasal. Gusto na kasi kitang pakasalan. Para makasama na kita, gaya nang totoong mag-asawa. Alam mo ba 'yung hirap na tinitiis kong 'wag tumabi sa'yo dahil baka hindi ko ma-control ang sarili ko at masira ko ang pangako ko sa pamilya mo."
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomancePaano kung ang taong tinatakbuhan mo ay siya palang magiging boss mo? Meet Mikaela Sebastian. Ang cute at pilyang apo ng isang retired military officer. Hindi niya akalain na matapos niyang takbuban at takasan ang itinakdang pamamanhikan ay dadalhin...