Nabigla si Cedric sa narinig pero hindi siya nagpahalata sa babae. "N-Nice meeting you po."
"Kaano-ano ka nga ulet ni Mika?" kunot ang noong tanong ng babae.
"Fiancé niya po."
"What? Are you serious? Hindi mo ba narinig ang kaninang sinabi ko? I said anak ko ang boyfriend ni Mika!" diin ng babae.
"Yes po, Ma'am. Narinig ko po," Nakangiting sagot ni Cedic.
Napakagat sa labi si Mika nang tumingin kay Cedric. Nilakihan niya pa ito ng mga mata para tumigil na.
"Mika, what's the meaning of this?" baling ng babae sa kanya." Nung isang linggo lang magkasama pa kayo sa bahay ng anak ko habang nagbi-videocall sa akin, and now eto, may Fiance ka na?"
"I'm sorry, Tita," mahinang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ng babae. "So, it's true? Fiance mo nga ang lalaking ito? Alam na ba ni Neil, ang lahat ng 'to, ha?"
"Tita, please! Ako na lang po ang bahalang magsabi kay Neil."
Hinawi ng babae ang kamay ni Mika nang tangkain niyang hawakan ang braso nito. Nanggagalaiti ito sa galit nang duruin siya. "Akala ko iba ka!" panimula nito.
"Tita, please let me explain!" ani Mika habang tinatangkang kalmahin ang babae. Nagtitinginan na kasi noon ang mga tao sa kanila.
"No! Stay away from my son! Nalingat lang ang anak ko, may kasama ka nang iba! Wala kang pinagkaiba sa mga babaeng nai-kama na ng anak ko! Malandi! Makati! Akala mo kung sinong santa santita, higad ka rin pala!" sigaw ng babae.
Unti-unting nangingilid ang luha sa mga mata ni Mika. Hindi niya inaasahang maririnig niya ang mga salitang iyon sa bibig mismo ng ina ni Neil na para niya na ring ina. Ni hindi man lang nito hinayaan na makapagpaliwanag siya.
Napatiimbagang si Cedric. "Tara na, umuwi na tayo," anito sabay abot sa kamay niya atsaka siya hinila palabas.
"Ano?! Tatakbo ka na lang kasama ng kabit mo? Haliparot kang babae ka!" narinig nilang sigaw ng babae kaya mas lalo pa nilang nilakihan ang mga hakbang. Walang imikan ang dalawa habang binabaybay nila ang daan pauwi.
Nang makarating sa bahay, agad na bumaba ng kotse si Cedric atsaka ito umikot sa gawi niya, binuksan nito ang pinto atsaka nito kinuha ang bata na noo'y nakatulog sa kandungan niya. Tahimik lang na bumuntot si Mika kay Cedric pero bago pa sila makapasok sa bahay ay nilingon siya nito.
"Hintayin mo ako sa garden!" Kalmado ang boses ni Cedric pero dumagundong iyon sa pandinig ng dalaga. Iyon na kasi ang hudyat na uusigin na siya nito.
Matapos ibilin ang bata sa mga kasambahay, dumiretso si Cedric sa garden at doon sila nag-usap.
"Wala ka bang balak magpaliwanag sa'kin?" pigil ang boses na tanong ni Cedric.
"Ano'ng ipapaliwanag ko?"kunwa'y sabi niya.
" 'Yung babae kanina, 'yung tinawag mong tita. Totoo ba na nanay siya ng boyfriend mo?
'YunBahagyang tumango si Mika pero hindi siya nagsalita.
"So, ano 'yun? Pinagsabay mo kami noon? Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako tinakbuhanbigla ka na lang nawala?"
"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?"
"Oo! Ang tagal kong naghintay ng paliwanag mo! Siguro naman deserve kong malaman ang katotohanan, Mika! Kaya ba ayaw mo nang magpakasal sa akin dahil sa Neil na 'yon?"
"Oo! Ano masaya ka na? Okay na? Pwede na ba akong umakyat?"
Napahimas sa mukha si Cedric. "Paano nangyari 'yon? Parehas tayong pumayag noon! Okay tayo nun, eh. Ano'ng nangyari? Bakit bigla na lang nagkaroon ng Neil?"
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomancePaano kung ang taong tinatakbuhan mo ay siya palang magiging boss mo? Meet Mikaela Sebastian. Ang cute at pilyang apo ng isang retired military officer. Hindi niya akalain na matapos niyang takbuban at takasan ang itinakdang pamamanhikan ay dadalhin...