Agad silang binalikan ni Cedric nang matapos ang meeting. "Let's go?" nakangiting sabi nito na noo'y umaktong kukunin ang bata. Agad namang nagmadaling tumayo si Migui at nasasabik na nagpakarga. "Pap-pa!" anang bata.
Napatingin si Cedric kay Mika sabay natawa. "Narinig mo 'yon?" tuwang tuwang tanong ng binata. Noon niya lang kasi narinig na nabigkas ni Migui ng buo ang papa.
Walang sabi-sabing dumukwang si Cedric at mabilis na dinampian ng halik ang pisngi ni Mika. "Ikaw ba nagturo sa kanya nun, Babe?" anito. Tanaw ni Mika mula sa gilid ng mga mata ang mga taong nagkukumpulan at nakatanaw sa kanila kaya hindi na siya nag-react sa ginawa ni Cedric. Batid niyang wala lang kay Cedric ang mga bagay na 'yon. Pero lubos na nababagabag si Mika, unti-unti na kasing umeepekto sa kanya ang mga ginagawa nito.
Larawan sila ng isang masayang pamilya habang namamasyal sa mall. Bitbit ni Cedric ang mga pinamili habang si Mika naman ay karga ang bata.
"Babe, saan mo gustong kumain?" tanong ni Cedric.
Napangiti na lang si Mika. "Talagang pinaninindigan mo 'yang Babe na 'yan, ha?" aniya nang bumaling sa binata.
"Bakit? Ayaw mo?" naniningkit ang mga matang tanong ni Cedric.
Natawa si Mika. "Grabe, 'yung mga pasabog mo, ah. Ang lawak pala ng covered ng one year contract natin. May endearment pa talaga? Baka naman mahulog ako sa'yo niyan?" kunwa'y sabi niya.
"Iyon nga ang gusto ko, eh," mahinang sagot ni Cedric.
"Ano?"
"Wala."
Malinaw sa pandinig ni Mika ang sinabi ni Cedric kahit hindi nito kinumpirma pero nagpanggap siyang wala siyang narinig ayaw na rin kasi niyang maniwala sa mga matatamis na salita nito..
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa may madaanan silang bench. Tumigil si Cedric atsaka nito ibinaba ang mga bitbit na shopping bag. "Pagod ka na?" tanong nito nang bumaling sa kanila. Hindi pa siya nakakasagot kinuha na nito ang bata. Pagod at nananakit na ang mga paa niya noon sa pag-ikot kaya napaupo na lang siya sa bench. Naiwang nakatayo sa harapan niya ang mag-ama.
"Babe, ano'ng gusto mong kainin?" ani Cedric na noo'y hinawi pa ang nagulong buhok ng dalaga. Umakyat ang kilabot sa pisngi ni Mika sa ginawang iyon ni Cedric. At kahit hindi niya nakikita ang sarili, ramdam niya ang pamumula ng mga pisngi niya noon.
"Umayos ka nga! Ano ba'ng pinaggagagawa mo?" nakasimangot na sabi niya.
"Bakit? Ano ba'ng ginagawa ko?" nangingiting tanong ni Cedric. Kitang-kita kasi nito ang pamumula ng mukha niya..
"Alam ko 'yang ginagawa mo. Nagpapa-fall ka, eh," diretsahang sabi niya.
Natawa naman ang binata. "Nagpapa-fall? Napo-fall ka na sa ganun? Grabe! Ang rupok mo naman pala," kunwa'y sabi nito.
Matalim ang tinging ipinukol ni Mika kay Cedric."Napipikon na ako sa'yo, ha? Kapag hindi ka tumigil, iiwanan ko kayo rito!" hindi ngumingiting sabi niya.
Nangingiting naupo si Cedric sa tabi niya. Hinawakan nito ang isang kamay ni Migui atsaka nito ipinangkalabit sa kanya. "Sorry po," parang batang sabi nito.
Napangiti na lang ang dalaga. "Baliw," mahinang sabi niya.
Nasa sala noon si Mika at nakikipaglaro sa bata nang tumunog ang door bell. Tatayo sana siya para buksan ang pinto pero natanaw na niyang nagmamadali pababa ng hagdan si Cedric. "Ako na. Baka si Trisha na 'yan," anito atsaka ito dumiretso sa pinto.
"Sino'ng Trisha?" bulong ni Mika na noo'y napasilip pa sa bintana. Kitang-kitang niya nang salubungin ng halik sa pisngi ni Cedric ang babae. Bumabakat ang hugis ng katawan nito sa suot nitong hapit na pantalon na tinernuhan ng maikling blouse. Tanaw na tanaw niya ang pusod nito kahit sa malayo. Matangkad ang babae, morena at may balingkinitang pangangatawan gaya ng sa mga nakikita niyang modelo sa mga magazine. Naka-pony tail ang tuwid at mahaba nitong buhok na lalong nag-paangat sa ganda nito.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomancePaano kung ang taong tinatakbuhan mo ay siya palang magiging boss mo? Meet Mikaela Sebastian. Ang cute at pilyang apo ng isang retired military officer. Hindi niya akalain na matapos niyang takbuban at takasan ang itinakdang pamamanhikan ay dadalhin...