CHAPTER 6 LAGOT KA NA MIKA WALA KA NANG TAKAS SA LOLO MO

13 0 0
                                    

Tiimbagang na hinarap ni Cedric si Neil.

"Huwag ka nang umasa na babalikan ka pa ni Mika. Akin na siya at wala ka nang magagawa pa!"

Mabilis na hinablot ni Neil ang braso ni Cedric. "Teka! Sandali lang! Akala ko ba kasunduan lang 'yan?"

"Matapos itong ginawa mo, sa tingin mo papayag pa ako na balikan ka niya?"Napailing si Cedric at bahagyang ngumiti. "Hindi ako magsasawalang kibo lang sa nakita ko, makakarating sa pamilya ni Mika ang lahat ng 'to!" aniya sabay hila kay Mika palabas.

"Mika, bumalik ka rito!" sigaw ni Neil pero hindi na ito nilingon ni Mika.

Napahaplos na lang ito nang mariin sa mukha sabay tadyak sa pader, "bwisit!"bulalas nito.

Madilim ang mukha ni Cedric habang binabaybay nila ang gilid ng kalsada kanina niya pa pilit kinakalma ang sarili."Iyon ba 'yung lalaking ipinagmamalaki mo sa akin? 'Yung lalaking mahal mo?" hindi nakatiis na tanong niya.

Hindi sumagot si Mika na noo'y nakatungo lang ang ulo sa lupa habang naglalakad sila.

"Tingnan mo nga 'yang nangyari sa'yo, Gawain ba 'yan ng matinong tao?" muling tanong ni Cedric nang makapasok sila sa kotse.

Napaiyak si Mika sabay yakap sa kanya. "Ilayo mo na ako rito, please!" bulong ng dalaga.

Bumitaw si Cedric sa pagkakayakap kay Mika atsaka ito tumango. Bakas sa mukha ang pag-aala na tinuyo niya ang luha sa pisngi ng dalaga. "Dadalhin muna kita sa ospital para matingnan 'yang mga sugat mo!" malumanay na ang boses na sabi niya.

Bahagya lang tumango si Mika.

Music...

Agad na napasugod ang pamilya ni Mika sa ospital matapos ipaalam ni Cedric ang nangyari.

"Cedric, kumusta ang lagay ng anak ko"" humahangos na tanong ng ama ni Mika nang madatnan siya sa bungad ng ospital.

"Okay naman po siya, Tito. Okay naman po 'yung resulta ng x-ray niya. Nililinisan lang po 'yung sugat niya pagkatapos puwede na siyang umuwi." Inabot ni Cedric ang kamay ng ama ni Mika atsaka siya nagmano. Pagkatapos ay sinalubong niya ang ina at lolo ni Mika na noo'y magkaagapay sa paglalakad. "Mano, po, Tita. Mano po, Lo," aniya nang abutin niya ang kamay ng mga nito.

"Mabuti na lang at nakita mo si Mika kung hindi baka kung ano ang nangyari sa anak ko."

"Tita, pasensiya na, hindi ko po agad nasabi sa inyo, ilang araw na pong tumutuloy sa bahay ko si Mika."

Tila nagliwanag ang mga mata ng lolo ni Mika. "Talaga? Ibig ba'ng sabihin, nagkaayos na kayo?"

"Opo, Lolo. Payag na po siyang ituloy ang kasal."

Sa narinig ay agad dinukot ng matanda ang cell phone sa bulsa atsaka tumalikod sa kanila.

"Hello, kumpadre? May magandang balita ako sa'yo. Pumayag na ang apo ko na ikasal sa apo mo!"

"Oo, tuloy na tuloy na ang pagiging magbalae natin."

Napangiti na lang sila sabay napailing.

"Pagpasensiyahan mo na si Papa, Cedric, kanina lang galit na galit 'yan nang malaman ang nangyari kay Mika ngayon tuwang tuwa na siya," natatawang sabi ng mama ni Mika.

Napangiti na lang si Cedric. "Okay lang po, Tita."

Sabay-sabay silang pumunta sa emergency room kung saan naroroon si Mika pero hindi pa halos naisasara ni Cedric ang pinto agad nang bumanat ang lolo ni Mika.

"So, paano mga apo? Kailan ba ang kasal?"

Napahimas sa batok si Cedric. "Lo, puwede ho ba'ng bigyan niyo pa kami ng time para mas makilala pa ang isa't isa?" kunwa'y hirit ng binata.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon