CHAPTER 11 CEDRIC, PAGKAKATAON MO NA 'YAN

6 0 0
                                    

"Galit ka pa ba?" tanong ni Cedric nang pumasok sa kwarto, nakahiga lang noon si Mika sa kama at nagpapahinga. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" muling tanong niya sabay salat sa pisngi ni Mika.

"Okay na ko," hindi tumitinging sagot ng dalaga.

Naupo si Cedric sa tabi ni Mika atsaka niya ito tiningnan sa mga mata. "Pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa atin?" anito.

"Ano'ng tungkol sa atin? Cedric, ala namang tayo."

"Ano'ng wala? Nag-kiss na tayo, 'di ba?"

"No! Hinalikan mo ako. Magkaiba 'yun."

"Pero Mika—"

"Cedric, please! Litung lito na rin ako sa set up natin, eh! Hayaan mo muna akong lumayo para makapag-isip-isip."

"May alam akong lugar, gusto mong sumama?"

Napangisi si Mika sabay napailing. "Okay ka lang? Gusto ko ngang lumayo sa'yo tapos sasama ka naman?"

"Kung ang pag-iisipan mo ay ang tungkol sa akin at sa ating dalawa, hindi ba mas okay kung kasama mo ako? Mag-spent tayo ng time together para mas maliwanagan ka kung ano ba talaga ako sa'yo. Promise after nating umalis at na-realize mo na talagang wala kang feelings para sa akin ako na mismo ang magka-cancel ng kasal. Tutal hindi ko pa naman personal na nasasabi kay lolo ang tungkol dun," seryoso ang mukhang sabi ni Cedric.

"Bakit nga ba hindi mo pa sinasabi?"

"Dahil ayokong mapasubo ka gaya nang dati. Gusto ko 'yung handa ka na sa papasukin nating dalawa."

"Pero hindi ba't sinabi na ni Lolo sa lolo mo na tuloy na ang kasal?"

"Oo. pero hindi ko pa kinukumpirma kay Lolo. Ilang araw na rin nga akong tinawatawagan ni Lolo pero hindi ko pa siya kinakausap."

"So, okay lang sa'yo na hindi na tayo magpakasal?"

"Kung ayaw mo hindi kita pipilitin."

Hindi na umimik si Mika na noo'y napatitig na lang sa binata.

-

Natutulog na si Mika nang tawagan ni Cedric si Louie.

"Hello, Pards. Available ba ang vacation house niyo this weekend?"

"Oo, Pards. Ikaw na lang ang hinihintay. Kaso walang mag-aasikaso sa inyo ro'n, ha? Kapapanganak lang nung anak nang caretaker namin kaya nagpaalam muna. Wala raw kasing mag-aasiko sa mga apo niya."

"Okay lang, Pards. Kayang-kaya ko na 'yon."

"I suggest doon kayo mag-stay sa secondfloor para ma-enjoy niyo ang view."

"Sige,Pards. "

"Pards, masyado mong ginagalingan, ha? Baka naman honeymoon na 'yan?"

Natawa si Cedric. "We'll see kung saan kami aabot ng misis ko," biro niya.

"Naks, Misis talaga? Uy! Pards. Hinay-hinay lang!" natatawang sabi nito.

"Oo na. Sige na. Dadaanan ko na lang sa inyo bukas 'yung susi."

Napasulyap si Cedric kay Mika nang ibaba niya ang cell phone, mahimbing na ang tulog nito.

Muli niyang sinalat ang noo nito bago niya ito kinumutan.

Kasalukuyang pinapatulog ni Mika ang bata nang dumating si Cedric. Napaigtad pa siya nang bigla na lang itong humalik sa pisngi niya. Gumapang ang kilabot sa pisngi ni Mika kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Lihim namang napangiti si Cedric nang makita ang reaction niya. Malakas kasi ang kutob nito na may pitak na rin ito sa puso niya.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon