CHAPTER 9

7 0 0
                                    


"Ano? Kumusta? Galit ba?" excited na tanong ni Trisha nang bumalik si Cedric sa kwarto.

"I don't think it's a good idea."

"Why?" nakakunot ang noong tanong ni Trisha.

"Galit na siya as in! Kung nakakamatay lang 'yung tingin baka hindi na ako nakabalik dito ng buhay."

Napabunghalit naman ng tawa si Trisha. "Omg! Effective 'yung ginawa natin, nagseselos siya. So, paano? Exit na ako, kayo mo na 'yan. Just call me if you need me, okay?" ani Trisha sabay halik sa pisngi niya.

"Trish, sandali lang!" habol ni Cedric.

"Kaya mo na 'yan, may date pa ko! Bye!"

Napabuga na lang ng hangin si Cedric at muling napaupo sa gilid ng kama. Ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso niya sa isiping kailangan na niyang harapin si Mika.

Nakatayo na siya noon sa harapan ng pinto pero hindi niya pa rin magawang ihakbang ang mga paa papasok. Nakailang buga pa siya ng hangin bago siya nagkalakas ng loob na pumasok sa kwarto. "Babe, mag-usap nga tayo? Ano'yung kanina? Ba't nag-walk out ka?" agad na bungad niya.

"Tigil-tigilan mo nga 'yang pagtawag mo sa akin ng babe!

Pagkatapos ng ginawa mo kanina sa tingin mo maniniwala pa ako na totoo ang lahat ng ipinapakita mo sa akin, ha?"

"Bakit ano ba'ng ginawa ko?"

"Ano'ng ginawa? Ano tanga lang? Hindi mo alam? Ginawa mo lang naman akong tau-tauhan dun kanina tapos 'yung babae mo naman parang walang nakita na basta na lang kinuha ang bata ng walang paalam. Kahit kasambahay lang ang tingin niya sa akin sana man lang nagpasintabi siya, hindi 'yung parang hindi niya ako nakikita!" dire-diretsong sabi ni Mika.

"Okay, sorry kung na-offend ka. Hindi kita na-introduce kasi hindi ko alam kung ready ka na ba talagang magpakasal sa akin. Ayoko namang ipasubo ka sa sitwasyon na hindi ka pa handa," palusot niya.

"Oh, talaga? Concern ka pa ng lagay na 'yan matapos mo akong daan-daanan at utus-utusan kanina?"

"Babe, sorry na," ani Cedric na noo'y tinangkang yumakap sa dalaga pero agad naman itong umiwas.

"Babe mong mukha mo!" ani Mika sabay labas ng kwarto.

Napahaplos na lang ng mariin sa mukha si Cedric. Sigurado kasing back to zero na naman siya.

Kapansin-pansin ang pag-iwas sa kanya ni Mika ng mga sumunod na araw. Agad itong lumalabas ng kwarto kapag dumarating siya. Hindi rin ito sumasabay ng pagkain sa kanya. Kung hindi ito magpapahuli madalas ay nauuna itong kumain dahil sinasabayan na nito ang bata. Hindi rin ito gaanong nakikipag-usap sa kanya. Kung hindi niya ito tanungin hindi ito magsasalita.

"Babe, kausapin mo naman ako," ungot ni Cedric habang nag-aayos ng sarili sa harapan ng salamin.

Hindi umiimik si Mika na noo'y parang walang naririnig patuloy lang ito pag-aayos ng kobre kama.

"Lalabas lang muna ako. May gusto ka bang ipabili?" kunwa'y tanong niya.

"Bakit todo ang pa-pogi mo? May date ka ba?" blanko ang mukhang tanong ng dalaga.

Medyo kinilig si Cedric noon, may himig pagseselos na naman kasi sa tinig ng dalaga.

Tila may kung ano'ng idea na kumislap sa utak ni Cedric. "Gwapo na ba?" tanong niya nang humarap kay Mika. Gusto niya kasi mas lalo pang mag-isip si Mika sa kung saan siya pupunta. Hindi naman sumagot si Mika na noo'y nakatingin lang sa kanya. Matapos niyang mag-ayos ng sarili muli siyang bumaling sa dalaga. "Bye!" aniya sabay halik sa pisngi nito. Hindi na nagre-react si Mika sa mga ganung gawi niya dahil nasanay na rin ito sa kanya.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon