Chapter 1

204 3 0
                                    

Nakaharap sa mahabang lamesa ang pamilya Siridawong upang mag-almusal, ngunit tumikhim si Mr. Siridawong at agad naman iyong nakuha ni Mrs. Siridawong. Tumingin ito sa katabing bakanteng silya, atsaka tumingin sa tagasilbi na agad yumuko at tumalikod upang sundin ang utos na hindi na isinatinig ng Among babae.

Manao's pov

Wala sana siyang balak sumabay sa pag-aalmusal ng perfect family niya, pero ng sunduin siya ng kasambahay nila ay napilitan na din siya dahil ayaw naman niyang mapagalitan pa ito ng kanyang Papa.

Ilang saglit pa ay pumasok na siya sa kumidor at agad ng umupo sa bakanteng silya na talagang pwesto niya.

"Manao, pamunuan mo na ang pagdarasal." Utos ng kanyang Papa.

Agad naman na nga siyang tumalima at matapos ang maiksing pasasalamat ay nagsimula na nga silang kumain.

Nag-umpisa na din ang kanilang Ama sa araw-araw nitong pangungumusta sa mga trabaho ng mga kapatid niya. Tahimik lang naman siya dahil ayaw niyang mabaling sa kanya ang atensyon nito, dahil wala naman siyang masasabi.

"Kumusta na ang planta, Pure at Ploy?" Tanong ng Ginoo sa mga panganay nitong anak.

"Maayos po ang lahat, Papa." Sagot ni Pure.

Bumaling ang tingin ng Ginoo kay Ploy na tila humihingi ng kumpirmasyon.

"Totoo po ang sinabi ni Pure, Papa. Maayos naman po ang lahat at wala pong problema."

Tumango-tango ito at sa ikalawang mga anak naman na kambal bumaling.

"Feung at Lada, kumusta naman kayo sa clinic?"

"Maayos lamang po, Papa. Medyo nakakapagod po dahil sa madaming mga nagpapamedikal na mga aplikante. Pero all in all po ay ayos lang naman."

"Tama po iyon, Pa." Segunda na agad ni Lada.

Tumango-tango lang ulit ang Ginoo.

"Ikaw naman, Manao. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Maayos na po ako, Pa." Sagot na lang niya kahit pa nga ang totoo ay hindi naman talaga. Nahihiya naman kasi siyang sabihin sa mga ito ang pinuproblema niya.

"Sigurado ka ba, anak?" Ginagap pa ng Mama niya ang kanyang kamay na humigpit ang hawak sa kubyertos.

Tumango siya saka bahagyang ngumiti sa kanyang Mama.

"Magsasabi ka agad kung may problema ka, ha. Nandito lang lagi si Mama."

Ngumiti lang siya ulit, atsaka bumaling sa wala namang gana niyang pag kain.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at nagpa excuse, dahil wala talaga siyang kagana-ganang kumain.

Nagkatinginan na lang ang mga naiwan niya sa lamesa.

.
.

Nakadapa lang siya sa kanyang kama ng kumatok ang Kuya Feung niya.

"Nao, papasok ako, ha."

Hindi na siya sumagot pa, dahil alam naman niya na kahit tumanggi siya ay papasok pa din talaga ito.

Pumasok na nga ito at naupo sa may tabi niya.

"Anong problema mo, Tol?" Tanong nito kasabay ng paghawak pa sa balikat niya.

Hindi siya sumagot, pero bumangon siya saka naupo ng nakasandal sa headboard ng kanyang kama. Bale magkaharap na sila ngayon ng Kuya niya. Tumingin lang siya dito ng may katagalan dahil hindi kasi niya alam kung paano niyang sasabihin ang ilang linggo ng bumabagabag sa kanya. Oo nga at super close siya dito pero talagang naaakwardan siya, e. Kahit sa Ate Ploy niya ay hindi din niya nagawang magsabi, kahit pa nga inassure pa siya na isi-secret lang ang kung ano man iyong sasabihin niya.

Unknown LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon