Manao's pov
Naitulak ako ng malakas ni Gyo, marahil ay dahil sa takot sa Mama ko.
"Goodmorning po, Mrs Siridawong!"
"Kakain na! Bumaba na kayo! Aga-agang lampungan!"
Pagkasabi niyon ay muli ng isinara ni Mama ang pinto.
Napatingin naman ako kay Gyo na pulang-pula ang mukha sa hiya. Yayakapin ko sana ito pero itinulak lang ulit ako at saka bumangon na ng tuluyan at pumasok sa cr.
"Tumayo ka na dyan, ha! Baka bumalik pa ang Mama mo! Nakakahiya!" May kalakasang sabi nito, mula sa loob ng cr.
Bumangon naman na nga ako. Sumabay na ako sa morning rituals nito at pagkatapos ay sabay na kaming bumaba para sumalo sa almusal.
"Gyoza, sasamahan ko kayo ni Nao sa ospital ngayong 10am. Nagpaschedule ako ng check up mo sa family friend namin na OB." Sabi ni Ate Ploy kay Gyo na agad namang tumango.
"Bakit ka nga pala nasa kwarto ng babaeng yan, ha Manao? Di ba sabi ko bawal na muna kayong magtabi!" Ungkat ni Mama sa nakita kanina.
"Cristy naman magkakababy na sila, bakit pinagbabawalan mo pa na magsama sa iisang kwarto?" Tanong ni Papa kay Mama.
"Hindi pa naman kasi sila kasal!"
"Pero magkakaanak na nga sila di ba at ikakasal na rin naman soon."
"Ah! Basta hindi pwede hanggat hindi pa sila kasal!"
Tumingin sa akin si Papa.
"Nao, narinig mo naman siguro ang sinabi ng Mama mo."
"Kailan nyo ba balak magpakasal, Tol?" - Feung.
"Bago sana lumaki ang tiyan ni Gyo, Kuya."
"That soon?" Nanlalaki na naman ang mata ni Mama na tila may plano na namang kumontra.
"Mas maaga nga ay mas maganda. Para pag labas ng apo natin ay legitimate na." Sabi ni Papa kay Mama.
"Iyon din nga po talaga ang rason kaya po ako nagmamadali na makasal na kami agad ni Gyo." Segunda ko naman. Totoo din naman nga kasi iyon pero syempre gusto ko rin talaga na mapangasawa na si Gyo ng legal. Baka kasi mauntog pa at magbago pa ang isip at iwanan ako. E di kawawa naman si Ako 😭
" Pero sa church ninyo naman balak magpakasal?" - Ate Ploy.
"Oo sana, Te. Kung iaallow."
"That's nice!"
"Hay! Bahala na nga lang kayo!" Sabi ni Mama saka nagdadabog ng tumayo at umalis.
Tatayo na rin sana ako para sundan si Mama pero pinigilan ako ni Papa at ito na ang sumunod kay Mama. Tinanguan lang naman ako ng mga kapatid ko.
"Gyoza, pagpasensyahan mo na si Mama. Na shock lang iyon na hindi na baby ang pinakamamahal niyang bunso." Sabi ni Kuya Pure.
Tipid na tumango at ngumiti lang naman ang mahal ko. Hinawakan ko na din ang kamay nito para kahit paano ay maiparating ko sa kanya na magiging okay din ang lahat.
.
.
.
.Mrs. Siridawong's pov
"Ano ba naman iyong ginawa mo Cristy sa harapan ng hapag at ng mga anak mo? Bakit ba tutol na tutol ka doon kay Gyoza? Hindi mo ba naisip na kaya iyon ang napili ni Ploy na ireto sa kapatid niya ay dahil alam niyang mabuti at desente iyong tao."
"Alam ko naman iyon dahil diba nga gumawa din naman tayo ng sarili nating background check sa babaeng iyon."
"O, iyon naman pala e. Ano pa ang tuong ipinagpuputok ng butsi mo dyan?"
BINABASA MO ANG
Unknown Lover
FanfictionSwerte daw ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya, dahil kambal din daw ang mga blessings na darating, pero swerte pa din bang matatawag ang kambal kung ito ay hindi naman talaga lubusang nabuo? O kung nabuo man ay sa katawan din ng kakambal nito! Con...