Nagising ako na hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at wala pa din akong nakikita. Nasi cr na ako kaya nakakahiya man ay tumawag na ako.
"What do you want?" Tanong sa akin ng robotic na boses.
"I need to use the comfort room!"
Walang imik na kinalag nito ang posas ko sa headboard yata. Inalalayan din ako nito. Alam ko na hindi ito ang kwarto na ginagamit ko, dahil mas spacious ito at may aircon pa.
"Just knock once you are done!"
Tumango lang ako saka isinara ang pinto. Hindi ko na iyon inilock, dahil hindi naman siguro nito ako para silipan pa. Pero ewan din niya sa kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng babaeng robot na iyon.
Nang makatapos na nga siya sa cr ay kumatok na siya gaya ng bilin nito. Pero umalis yata ito dahil walang tugon sa kanya gayong inulit pa niya ang katok. Maya-maya ay bumukas na din iyon.
"Why are you knocking from the inside? And why are you wearing a blindfold?" Tanong ng isang may katinisan na boses na nasisigurado niya na nanggagaling sa isang bata. Ito marahil ang apo na ikinikwento sa kanya ng amo niyang babae.
Hindi niya tuloy malaman kung ano ang isasagot niya sa mga katanungan nito.
"What are you doing here, Noe(NU)? I told you not to go in here!"
Narinig niyang sabi ng robotic na boses.
"Why is your voice like that, Mommy?" Sa halip ay tanong ulit ng bata.
"Stop asking questions, Noe! And go to your Lala!"
"But, Mommy - "
"No, buts kiddo! Just go!"
"Not until you promise me that you'll answer all my questions later!"
Hindi ko maiwasang mangiti sa way ng paguusap ng mag-ina.
"Go, Noe! I'm warning you!"
"No, Mommy! Make a promise first!"
Narinig niya ang pag Buntong-hininga ng babaeng robotic ang boses.
"Fine!" Tila pagsuko na nito sa anak.
"Later, Mommy! Bye Ms. Blindfold!"
Ewan niya pero nagtaas siya ng kamay para magba bye din dito. Magaan kasi agad ang loob niya sa bata, kahit pa nga boses pa lang nito ang naririnig niya.
"Come on!" Sabi sa kanya ni Robotic at iginiya na siya kung pasaan.
"Is she your daughter?" Tanong ko pa din kahit alam ko naman na ang sagot. Gusto ko lang siguro na may mapag usapan kami habang naglalakad.
"Yes!" Tipid na sagot nito.
"How old is she?"
"Three!"
"Where is her father? If you don't mind me asking!"
"I refuse to answer that!"
Nilingon ko ito kahit pa nga hindi ko naman ito nakikita.
"Stop asking questions!" May pagka rude na saway nito sa akin, kaya naman nanahimik na nga ako.
Hanggang sa iupo na nito ako sa silya na palagay ko ay sa dining.
"I'm going to feed you, okay!?"
Tumango na lang ako. As if naman kasi may choice ako diba! Naisip ko tuloy kung ganito din kaya ang feeling ni Gyo noon? Namimiss ko na talaga siya! Kumusta na kaya sila ngayon ng anak namin? Wala sa sariling napabuntong-hininga na lang ako.
BINABASA MO ANG
Unknown Lover
FanfictionSwerte daw ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya, dahil kambal din daw ang mga blessings na darating, pero swerte pa din bang matatawag ang kambal kung ito ay hindi naman talaga lubusang nabuo? O kung nabuo man ay sa katawan din ng kakambal nito! Con...