Chapter 6

67 3 0
                                    

Manao's pov

Hindi niya inexpect na magiging comfortable agad siya sa babaeng ito, to the point na nagawa niyang makipagshare sa pagkain gamit ay isang kutsara lamang.

After nilang kumain ay agad na siyang umalis sa kusina at dumiretso na din talaga siya ng alis ng walang paalam.

Umuwi siya sa kanilang bahay at agad siyang nagtungo sa silid ng kanyang parents. Kumatok siya ng sapat lang para marinig ng nasa loob.

"Pasok!" Tugon ng kanyang Mama.

Binuksan na nga niya ang pinto at nakita niyang nakaupo ito sa kama habang nag ko cross stitch.

"O, Nao." Nakangiti siyang binati ng kanyang Mama.

Agad siyang lumapit dito at parang bata na umunan sa binti nito. Ugali na kasi niyang magpa baby sa kahit kanino sa kaniyang pamilya lalo na pag may gumugulo sa isip niya.

Itinigil na muna ng kanyang Mama ang ginagawa nito atsaka inisantabi para siya naman ang intindihin.

"Bakit kaya naglalambing ang bunso ko?"

"Wala po, Mama. Namiss ko lang po kayo." Totoo naman din na namiss na niya ang maglambing sa kanyang Mama, pero hindi lang naman kasi iyon ang dahilan. Naguguluhan kasi siya sa mga bago lang na kanyang nararamdaman.

"Ay sus! Ang bunso ko talaga, binata na este dalaga na ay nagpapababy pa din."

Lumabi lang siya sa tinuran ng kanyang Mama... Pero naisip niya. Hindi nga kaya binata na siya kaya nakakaramdam na siya ng mga kakaiba? Napabuntong-hininga na lang siya.

"Nak, uulitin ko sayo ha kahit na ano man ang pinuproblema mo. Nandito lang lagi si Mama."

Tumango lang siya.

Yumuko ang kanyang Mama para halikan siya sa noo at pagtapos ay ipinaghele siya nito. Tulad ng lagi nitong ginagawa kapag nagpapalambing siya. Kaya naman nakapahinga ang isip niya at ilang saglit pa ay nakatulog na nga siya.

.​
.
.

Gyo's pov

Pagtapos naming kumain ay naramdaman kong tumayo na ito kaagad at parang lumabas ng kusina. Pero narinig ko ang pagbukas-sara ng front door, kaya naman dali-dali kong tinanggal ang piring ko at sumilip ako sa bintana. Likod na lang nito ang nakita ko dahil pasakay na ito sa kotse.

Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa kaalamang umalis na ulit ito at mag-isa na naman siya sa bahay na iyon. Mabigat ang loob na iniligpit niya ang kanilang pinagkainan at napansin niya na isang pares ng kutsara at tinidor ang gamit. Kung gayon ay tama nga pala ang naiimagine niya kanina na ang ipinangsusubo nito sa kanya ay siya ring ginagamit nito para sa sarili.

Wala sa sarili na nahawakan niya ang kanyang labi at napangiti siya. Ngiting animo ay kilig na kilig.

.
.

Lumipas ang dalawang araw na hindi siya pinupuntahan ni bakla. Nag-aalala na siya. Paano kung hindi pala siya nito nagustuhan? Paano kung tuluyan na nga itong na turn off sa kanya dahil sa hindi niya pagligo? Paano kung kinausap na niyon si Mam Ploy na wag na lang ituloy ang serbisyo niya? Paano kung bawiin lahat ng ibinayad na sa kanya? Paano na ulit sila ng Ate niya?

Mabaliw-baliw na siya sa kakaisip. Lalo pa nga at wala naman siyang magawa kundi ang manood ng tv. Hindi naman kasi siya makaalis dahil baka biglang dumating si bakla. Napabuntong-hininga na lang siya saka niya inilubog ang sarili sa bathtub.

.
.
.

Manao's pov

Feeling niya ay okay na siya. Kaya naman naisipan niyang puntahan ulit sa bahay iyong babae. At balak na niyang galawin ito ngayong gabi dahil baka iyon lamang ang paraan upang tuluyang kumalma ang kanyang kalooban.

Madilim na naman ang kabahayan ng pumasok siya. Hindi niya tuloy alam kung sadya lang bang nagtitipid ito o sadyang ayaw nito ng maliwanag. Dumiretso na siya sa kwarto nito at nakita niya mula sa nakabukas na pinto ng banyo na nakababad ito sa bathtub. Nakapikit ito at mula sa kinatatayuan niya ay tanaw na tanaw niya ang kagandahan nito. Bigla tuloy ang pagragasa ng init sa buo niyang katawan at ang tanging parte ng kanyang kakambal ay muli na naman nabuhay.

"Tama na iyan at baka ginawin ka na."

Mula sa kinatatayuan niya ay sigurado siyang hindi siya nito nakikita, kaya naman malakas ang loob niyang bulabugin ang pananahimik nito.

"Bakla, ikaw na ba iyan?" Paninigurado nito.

Talaga nga palang inisip na nito na bakla siya.

"Yeah, its me! Papatayin ko ang ilaw dyan sa cr at pupuntahan kita. So, stay where you are, okay?"

Hindi ko na hinintay ang sagot nito. Agad ko ng pinatay ang ilaw gamit ang remote na connected sa lahat ng nga gamit dito sa bahay na ginagamitan ng kuryente.

Pumasok na nga ako sa cr at kinuha ko ang towel nito sa rack. Tapos ay nilapitan ko na ito. Inalalayan ko itong makatayo at ako na din ang nagbalot dito ng twalya saka inakay ko na ito papuntang kwarto. Iniupo ko ito sa gilid ng kama saka ko ito piniringan at pinosasan na hindi naman na nito kwinestyon pa.

Nagbuhay ako ng dim na ilaw at pagkatapos ay pinagmasdan ko ito. Napakagat ako sa labi ko ng mariin dahil napaka alluring at sexy nito ngayon sa paningin niya.

Hinaplos ko ang pisngi nito gamit ang knuckles ko. Tapos ay iniangat ko ang baba nito at dahan-dahan ay lumapit ako dito. Hanggang sa tuluyan na ngang lumapat ang labi ko sa mamasamasang labi nito.

.
.

Gyo's pov

Nanlaki ang mga mata ko sa ilalim ng piring ng halikan ako ni bakla. Tila yata ngayong gabi na nito kukubrahin ang aking kasariwaan. Pero may katagalan na ding nakalapat ang labi nito sa labi ko pero hindi naman ito gumagalaw. Para lang itong istatwa. Lumayo tuloy ako ng kaunti.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Anong bakit? E hindi ka naman gumagalaw kaya akala koy nakatulog ka na!"

"Paanong galaw ba? Atsaka how can I fall asleep ng nakatayo? Okay ka lang?"

Tatampalin ko sana ang noo ko, pero naramdaman ko na hinawakan nito ang kamay ko.

"Wag mong tatanggalin!" Narinig ko pang sabi nito.

"Hindi naman talaga! Tatampalin ko lang sana ang noo ko dahil sumasakit ang ulo ko sa kawirduhan mo."

Binitawan na nga nito ang kamay ko.

"Bakit ka naman nawiwirduhan sa akin?"

"First time mo rin ba?" Tanong ko na lang sa halip na sagutin ko ang tanong nito.

Hindi ito sumagot pero tila alam na niya ang sagot.

"Wag kang mag-alala pareho lang tayong mangangapa kung sakali." Sabi ko pero ikinagulat ko ang reaksyon nito. Ramdam ko na bigla itong lumayo sa akin.

"M-mangangapa? Ka-kapain mo ako? Hindi pwede!" Malakas na sabi nito na medyo may pagka histerikal pa.

"E di hindi kung hindi!" Itinirik ko ang mata ko sa ilalim ng piring dahil napaka oa naman ng reaksyon nito. "Oo nga pala, sorry. Nakalimutan ko na sabi nga pala ni Mam Ploy ay bawal daw kitang hawakan! Hmp!"

Hindi ito umimik pero maya-maya ay naramdaman kong binibihisan na ako nito.

'Mukha yatang wala pa ding manyayare, ah! Hay! Buti naman!' Nangingiti kong sabi sa sarili.

Unknown LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon