"Gyo, tulungan mo naman ako. Ako na lang ang natitira mong pamilya, kaya responsibilidad mo na tulungan ako!"
Sa lahat naman ng humihingi ng tulong, ang Ate lang niya ang matapang pa din at napakasobra pang demanding.
"Eh, bakit ba kasi nagkakautang ka pa? Sarili mo na nga lang ang binubuhay mo, ah!"
"Naaya kasi ako ng nakilala ko sa casino na mag invest sa networks chuchu nila, ay malay ko bang susubain at iiskamin lang pala ako!"
"Networking, hay naku! Magkano ba iyong inutang mo sa 5/6?"
"Kalahating milyon!"
Literal na nahulog siya sa kanyang inuupuan ng marinig niya ang salitang milyon. Na kahit may kadugsong na kalahati ay napakalaki pa din. Saan namang kamay ng Diyos niya iyon kukunin? Gayong isa lang naman siyang operator sa pabrika ng mga wires ng sasakyan.
"Kailangan mo akong tulungan, Gyo! Dahil kung hindi ay papatayin ako, pati ikaw niyong pinagkakautangan ko!"
"E, bat pati ako? Ikaw lang naman ang nangutang!"
"E pamilya kita, e!"
Napasapo na lang siya sa kanyang noo.
.
.
.
.
."Makabuntong-hininga ka naman dyan, Gyo! Ano ba ang problema mo?" Tanong ng kaibigan niyang si Thida.
"Si Ate Tan kasi ang laki ng utang!"
"O, e hindi naman pala ikaw ang may utang. Bakit mo pa pinuproblema iyon?"
"E sa akin humihingi ng pambayad!"
"Hala! Ay problema nga iyan!"
Hindi na siya umimik at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.
.
.Makalipas ang tatlong araw ay wala pa din siyang alam na pagkukuhanan ng pera. Tapos kaninang umaga ay napagbuksan niya sa pinto ang isang sulat na ikinapit sa pinto niya gamit ang kutsilyo.
'kailangang mabayaran mo ang utang ng Kapatid mo sa loob ng isang buwan! Kung hindi ay sa impyerno na kayo magkikita!
PS: wag na wag kang magsusumbong sa mga pulis, kung ayaw mong mas mapaaga ang banta namin sa buhay ninyong magkapatid!'Sobrang problemado at distracted na siya kaya hindi na siya nagtaka ng ipatawag siya ng kanyang LL at Visor.
Nasa harap na siya ngayon ng mga matataas na tao dito sa production.
"Gyoza, nabalitaan mo na ba ang sumabog na wire sa testing area?" Tanong ng Supervisor nila.
Tumango lang siya.
"Na trace na namin kung sino ang gumawa ng defective na wire na iyon. Alam mo ba kung sino?"
Umiling siya kahit pa nga mayroon na siyang idea na siya iyon.
"Okay! Dediretsahin na kita! Kaya ka namin ipinatawag ay dahil ikaw ang itinuturong salarin ng lahat ng mga ebidensya! Kaya naman ang parusa mo ay two weeks suspension, effective today! At kung may apela ka, ay sa itaas ka na lang magsabi. Sige na! Makakaalis ka na!"
Yumuko at umalis na nga lang siya dahil wala din namang mangyayari kung sa mga ito pa siya makikiusap. Kaya naman sa halip na sa locker siya magtungo ay sa opisina ng Manager siya nagtuloy.
Nasa tapat na siya ngayon ng pinto na may nakalagay na - Ploy M. Siridawong; VP/Manager.
.
.
.
.
.Nakausap na niya si Ms. Siridawong. Naipaliwanag na niya dito ang side niya at kung bakit siya laging hindi makapag focus sa kanyang trabaho at katakatakang naunawaan siya agad nito. Pinatawad na siya at ipinacancel na din ang kanyang suspension. Pinauwi na muna pati siya ngayon para daw makapahinga siya pero wag daw siyang mag-alala dahil babayaran pa din ng buo ang araw niya ngayon at bukas na lang daw siya ulit pumasok. Pero mayroon daw kapalit iyon na malalaman daw niya sa susunod ulit na paguusap nila.
BINABASA MO ANG
Unknown Lover
FanfictionSwerte daw ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya, dahil kambal din daw ang mga blessings na darating, pero swerte pa din bang matatawag ang kambal kung ito ay hindi naman talaga lubusang nabuo? O kung nabuo man ay sa katawan din ng kakambal nito! Con...