Chapter 4

51 4 2
                                    

Gyo's pov

Pag gising niya kinabukasan ay wala na siyang piring at hindi na din nakaposas ang mga kamay niya. Agad siyang bumangon para hanapin iyong kapatid ni Mam Ploy. Na kung bakit ba hindi man lang niya naalalang itanong ang pangalan. Ang huling natatandaan niya ay sa tabi niya ito natulog kagabi. Yakap pa nga siya nito, iyon nga lang may pagitan at harang na unan. Nababahuan yata sa akin.

At para naman po sa kaalaman ng mga mimosang mambabasa✌️😂. Wala pong nangyari sa amin kagabi ni bakla. Tatawagin ko na lang siyang bakla hanggat hindi ko pa alam ang pangalan niya. Ayon nga, wala pong nangyaring ganap dahil nga siguro sa isyu ng wala kong ligo. Alam naman ninyo ang mga badengskii, masyadong maaarte at malilinis sa katawan.

Tinatanong ninyo kung disappointed ba ako? Syempre hindi. Antuwa ko nga. Pinagiisipan ko nga kung uugaliin ko na ang hindi palaging pagligo para maturn off siya ng tuluyan sa akin. Bwahaha e di safe na ang pagiging bergin ko. Berhen + Virgin = Bergin haha waley! 😅

Nalibot ko na ang buong bahay at wala ni ano mang bakas na nandito pa si bakla. Bumalik na lang ako sa kwarto at inamoy ko ang unan sa tabi ng unan na ginamit ko at infairness mas mabango pa sa ulo ko ang ulo ni bakla. Kaya naman para akong adik na muling humiga at isinaklob sa mukha ang napakabangong unan.

.
.
.
.
.

Manao's pov

Madilim pa ng tumawag ako sa bahay para magpasundo sa family driver namin. Isinend ko na lang ang address kung saan ako susunduin dahil ayoko namang abalahin pa ang Ate Ploy o ang mga Kuya ko. Lalo na si Kuya Feung na tiyak na aalaskahin na naman ako.

Tahimik nga din akong pumasok sa aking kwarto. Matapos kong magbilin sa mga kasambahay na wag na wag akong aabalahin.

I feel so tired and sleepy kahit pa nga wala namang nangyari. Ewan ko pero nakuntento na lang ako sa paguusap namin kagabi. Kahit pa nga halos ito lang naman ang imik ng imik. Aliw na aliw ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. At ng makatulog na ito ay tinabihan ko at idinantay ko pa ang kamay ko sa may bandang tiyan nito na parang pagyakap. Pero syempre ay may distansya at harang dahil natatakot akong ma feel nito na babae talaga ako.

Hindi pa man ako nakakapahinga ay parang gusto ka na ulit bumalik doon sa bahay niyong babae. Inalis ko iyon sa isip ko at pinilit ko ng matulog.

.
.
.
.​
.

Gyo's pov

Nagising ako mga bandang alauna ng hapon dahil nagrerebolusyon na ang mga bituka ko sa sobrang gutom. Bumangon na nga ako at bumaba sa kusina para humanap ng makakain.

Pagbukas ko ng dalawang pinto na ref ay bumungad sa akin ang napakadami at ibat-ibang klase ng mga pagkain at inumin. May dalawang galon pa ng ice cream. First time ko makakita ng ganito sa sariling ref. Sabagay wala nga pala akong ref dati😅.

Sa sobrang dami ng pagkain ay lahat halos ay tinikman ko at ng matapos akong kumain ay parang puputok na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Niligpit ko lang ang mga kinainan ko at bumulagta na ulit ako sa sofa naman.

Hindi ko akalain na makakatikim pa ako ng ganitong klase ng buhay. Mula kasi pagkabata ko puro hirap at pagod lang ang nararanasan ko. Tama na nga ang emote ko.

At dahil nga sa sobra kong kabusugan. Maya-maya lamang ay nakatulog na ulit ako.

.​
.
.
.
.

Manao's pov

Madilim na ng magising ako at nakakaramdam na ako ng gutom. Naalala ko na kahapon pa nga pala ako huling kumain at gabi na ngayon. Nag cr lang ako sandali at agad na akong bumaba patungo sa kumedor at sakto namang naghahapunan na ang buo naming pamilya.

Unknown LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon