Chapter 19

48 5 0
                                    

Manao's pov

Pagpasok namin sa dining ay nandoon na sina Mr and Mrs Wiwatkul pati na din ang anak namin.

"Good evening, Dad, Aunt Letty." Bati ni Gyo sa mag-asawa.

"Aren't going to greet me too, Mommy?" Nakapout na tanong ng baby namin.

"Oh, I'm so sorry, sweetie!" Nilapitan nito ang bata, saka niyakap at hinalikan ng matunog sa pisngi.

"By the way, Dad, Aunt Letty, sweetie, I want you all to meet, Manao Siridawong." Umpisa nito.

Tumingin sa akin ang tatlo at napansin ko na nakakunot ang noo ng anak ko.

"Mommy, why do we have the same surname?"

"Sweetie, remember when I told you that you don't have a Dad?"

Tumango naman ito.

"It's because you have two Mommies. Me and your Mommy Manao." Nakangiting tiningnan ako ni Gyo at tumingin din sa akin si Noe.

"How did that happened?"

"You can't understand now but when you grow up. I will explain to you everything!"

"Okey, Mommy!"

'Himala at hindi yata nanggulit ngayon ito at tinanggap nalang ng walang iba pang tanong ang sinabi ng kanyang Mommy'. Lihim kong sabi sa isip ko pero ikinatuwa ko syempre.

"Good girl! So, are you going to call her what?" Itinuro ako nito kay Noe.

"Momma sometimes Mom!"

"Go to Momma and ask her to seat beside you."

Tumayo nga ito at lumapit sa akin.

"Let's eat, Momma!" Hinawakan nito ako sa kamay.

Tumingin muna ako sa mag-asawang Wiwatkul. Nginitian at tinanguan naman ako ng mga ito. Ganoon din si Gyo, kaya nagpahila na nga ako sa anak ko.

"You can seat here, Momma." Anito saka nito sinubukan na ipaghila ako ng silya sa tabi ng upuan nito.

"Thank you, Noe!" Sabi ko ng makaupo na ako at pati na din ito. Sobrang saya ko na tanggap ako agad nito. Maging ng mag-asawang Wiwatkul.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng mag open ng usapan si Mr. Wiwatkul.

"Manao, Gyoza told me everything and I think I know now the reason why your Mother dislikes my daughter for you!"

Na curious naman ako. Kaya naghintay talaga ako ng susunod na sasabhin nito.

"Not long time ago, my parents and your mother's parents are used to be business partners. They owned many resorts and hotels, bar and restaurants, but something happened all those businesses goes bankrupt. Im not really sure what happened but your grandparents blamed my parents. They despise our whole family. So, maybe after your mother learned that Gyoza is my only daughter, she dislikes her too."

Napatango-tango ako. Ngayon malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ni Mama si Gyo para sa akin. May history pala ang mga pamilya namin. Kaso wala naman kaming kinalaman dun, eh!

"So! Sir, does this mean you don't like me too?" Tanong ko. Kailangan ko na syempre na makasigurado. Baka mamaya ay pinakikisamahan lang pala ako ng mga ito dahil kaharap ang mag-ina ko. Ayoko naman na maulit sa akin ang ginawa ni Mama kay Gyoza noon.

"I don't have anything against you, or your family! Nao, if my daughter loves you and you do too. There's no reason for me to hinder your love story, especially that you already gave me a very cute and super smart na apo." Nakangiti at sincere na sabi nito.

Napatingin ako sa side ko ng maramdaman ko na hinawakan ni Gyoza ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

"See, how cool my Dad is!" Nakangiti at proud nitong sabi.

Nakangiti lang din akong tumango. Speechless ako sa sobrang saya na nararamdaman ko.

"So, when is the wedding?" Tanong ni Mrs Wiwatkul.

"We haven't talk that yet, Auntie but I can say that is soon, right Love?" Sagot ni Gyo saka bumaling sa akin.

Muli ay tumango lang ulit ako. Ang bilis lang kasi ng mga pangyayari. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na muli ngayon si Gyoza pati na ang anak namin. Tapos tanggap na tanggap pa ako sa side nito. Ang surreal lang talaga.

"Nao, if you're worried about your mother, don't be! I'll take care of them! I will talk to your parents, so that we can pursue your wedding to my daughter." Pag aassure sa akin ni Mr Wiwatkul.

"Thank you very much, Sir!"

"Sir? Really? Call me Dad or Daddy!"

"Okay! Uhm.. Thanks, Dad!"

"Much better!"

"And you can call me Aunt Letty too. We're a real family now!"

"Thanks to you too, Aunt Letty!"

Hanggang sa matapos ang hapunan ay masaya lamang kami na nag-uusap-usap. Marami na nga agad plano si Aunt Letty para daw sa kasal namin ni Gyo.

Sobrang thankful ako sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Bawing-bawi na ang tatlong taon na wala si Gyo sa piling ko.

.
.​
.

Araw ngayon ng pagpunta namin sa bahay ng parents ko. Kasama ang mag asawang Wiwatkul at si Noe. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon nina Mama.

"Love, wag ka ng mag worry, if ever kumontra pa din ang Mama mo, hinding-hindi na ako aalis ulit. Hindi na ako matatakot sa kahit anong banta niya at ipaglalaban na kita!"

Hinawakan pa ni Gyo ng mahigpit ang kamay ko. Inakbayan ko ito at kinabig ko palapit sa akin.

"I know and I trust you, love!"

"I love you!"

Napangiti ako dahil sa sinabi nito. It feel so good to hear that after three long years!

"I love you too, love!" Palapit na ang mukha ko kay Gyo, ng -

"I love you three, Momma and Mommy!" Singit ni Noe mula sa likod na yumakap pa sa leeg namin.

Natawa na lang tuloy kami ni Gyo. Pati na din ang mag-asawang Wiwatkul na siyang katabi ng anak namin.

.​
.
.

Nasa tapat na kami ngayon ng malaking gate ng bahay ng mga magulang ko. Bumusina na ang Driver. May sumilip na Guard kaya naman ibinaba ko ang bintana sa tapat ko.

"Kayo po pala iyan, Mam Manao. Magandang umaga po!" Magalang na sabi at bati nito sa akin saka mabilis na binuksan ang gate.

Ngumiti ako dito. Pinahinto ko saglit sa tapat nito ang sasakyan.

"Magandang umaga din po, Manong Raul. Nandyaan pa po ba sina Papa?" Tanong ko. Ang totoo ay sadyang pinakiusapan ko sina Daddy ni Gyo na agahan namin para sure na ang lahat ay nasa bahay pa.

"Ay! Opo, Mam. Andiyan pa din po ang lahat ng mga Kapatid ninyo. Tumuloy na lamang po kayo at paniguradong matutuwa ang Papa at Mama ninyo at pati mga kapatid ninyo sa inyong pagdating!"

Ngumiti at nagpasalamat na lang ako. Alam ko naman kasi na matutuwa talaga silang lahat sa pagdating ko. Ang inaalala ko lang ay kung matutuwa rin ba si Mama sa rason ng pag uwi ko.

"Sige po, Manong!" Paalam ko saka muli ng itinaas ang bintana. At umandar na din papasok ang sasakyan. Saglit pa ay tuluyan na iyong pumarada sa harap ng bahay namin.

Unknown LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon