Manao's pov
Nakahiga na kami ngayong nitong babaeng ito na nakatulog na agad pagkatuyo ng buhok. Ako naman ay gising na gising pa din at sobrang frustrated. Nakatihaya lang ako at nakatingin sa kisame. Iniisip ko kung paanong galaw ba ang dapat kung gawin na sinasabi nito.
Kumunot ang noo ko ng biglang pumasok sa isip ko iyong kwento noon ng tinatawag ng mga classmate namin na syota ng bayan.
["Oh my God! Girls, napakasarap humalik ni Sam. Torrid kung torrid talaga, with matching tongue at ang kamay napakalikot kung saan-saan sumusuot."]
'Ganoon ba dapat ang gagawin ko?' Tanong ko sa sarili ko.
Ngumuso-nguso nga ako para magpraktis. Tapos inilabas ko pa ang dila ko pero parang ang sagwa naman e. Kaya tumigil na lang ako.
Yumakap at sumiksik na lang ulit ako dito sa katabi ko at maya-maya pa ay nakatulog na din ako.
Kinabukasan ay madilim pa ng magising ako, pero hindi muna ako bumangon. Basta lang tinanghudan ko muna itong magandang babaeng may piring na nasa tabi ko.
Trinace ko ng daliri ko ang may katangusan na ilong nito. Bahagya iyong nagusot. Dahil siguro sa kiliti. Napangiti tuloy ako. Ang cute cute naman kasi niya ngayong umaga. Uulitin ko pa sana ang pagtrace sa ilong nito, kaya lang ay napasigaw ako ng habulin nito ng kagat ang daliri ko at nahagip nito iyon.
"Ouch! Bakit ka naman nangangagat!?" Tanong ko habang hinihimas-himas ang daliri ko. Ansaket, e! 😭
"Bat kasi nagigising ka, e!"
"Hindi naman kita ginising, ha! Para natutuwa lang ako sa ilong mo, e!" Ngunguto-ngutong reason ko.
"E sorry na! Masakit pa ba? Akin na! Ikikiss ko na lang para mawala ang sakit."
Inilapit ko nga naman sa labi nito ang daliri ko at ikiniss nga nito at hinipan-hipan pa. Napakagat-labi ako sa pagpipigil ng kiliti at ngiti.
"Enough! Okay na!" Kinuha ko na ang kamay ko dahil parang nag-iiba na ang epekto sa akin ng paghalik-halik nito sa daliri ko.
Dumiretso bangon na din ako at kinalagan ko ito at inalalayan na makabangon din.
"Aalis na nga pala ako. Iiwan ko na lang ang susi ng posas dito sa side table. Ikaw na lang ang magfree sa self mo pagkaalis ko, ha."
Tumango lang ito.
"Magbilang ka ng one to thirty saka mo alisin ang piring mo. And please lang sumunod ka! I'll be going na!"
Iyon lang at tumalikod at umalis na nga ako. Pakinig ko pa habang pababa ako ng hagdan ang pagbibilang nga nito. Kaya naman napangiti ulit ako. Hanggang sa iistart ko na ang kotse ay nakangiti pa din ako. Bale nauna pang sumikat ang liwanag ng ngiti ko kesa sa araw ngayong umaga, and its all because of that girl.
.
.
.Gyo's pov
Nang marinig ko ang pagbaba na ni bakla sa hagdan ay agad ko ng tinanggal ang piring ko at pati na din ang posas ko. Pero medyo natagalan ako sa pag a-unlock niyon. Kaya naman ng sumilip ako sa bintana ay buntot na lang ng kotse ang nakita ko. Nakaramdam tuloy ako ng panghihinayang. Akala ko pa naman ay makikita ko na ang kinaku-curiousan kong itsura nito. Hindi pa rin pala. Di bale, maghihintay ako sa kanyang pagbabalik. Nandito lang ako ano man ang mangyari! E? Parang lyrics ata un ah😅.
Kumilos na ako para mag intindi ng aalmusalin ko.
.
.
.Manao's pov
Pag-uwi ko sa bahay ay eksaktong nag aalisan na ang lahat para magtungo sa kani-kanilang mga trabaho.
"O, little sis! Kumusta naman si Gyoza?" Nakangiting tanong sa akin ni Ate Ploy.
"Huh?" Kunot-noong balik tanong ko, dahil wala naman akong kakilalang Gyoza pero Dyosa meron 😁. Pero naisip ko na baka iyon ang pangalan niyong babae na pinupuntahan ko.
"Iyong girl doon sa bahay na pinupuntahan mo! Don't tell me until now hindi mo pa din alam ang name niya!"
Ngumiti lang ako ng nagpapacute, atsaka - "Alam ko na ngayon, Ate! Sinabi mo na, e!"
Hahampasin sana ako nito pero mabilis na akong nakatakbo papasok sa bahay.
"Babye, Ate!" Nilingon ko pa ito at kinawayan.
Natatawa na lang sa amin sina Papa at Mama pati na si Kuya Pure na siyang Driver lagi ni Ate Ploy.
Humalik ako sa pisngi nina Mama at Papa bilang pagbati.
"Kumain ka na ba, Iha?" Tanong sa akin ni Mama.
"Not yet Ma.... Pero aakyat na muna po ako."
"Sige, papadalahan na lang kita sa kwarto mo ng pagkain."
Tumango na lang ako, saka tuluyan na nga akong umakyat patungo sa kwarto ko. Pagpasok ko doon ay agad kong kinuha ang laptop ko na napakadalang ko lang gamitin. Nang ma open ko iyon ay agad akong nagtungo sa google. Itinype ko sa search bar ang gusto kung malaman.
'How to kiss a girl?'
Pinagkabasa-basa ko talaga ang mga steps at tiningnan ko na din ang mga illustrations para sigurado na hindi ako magkakamali.
Nag search na din ako ng romantic gl movie at inumpisahan ko na ngang panoodin.
Marahil may mga magtataka sa pagiging sobra naman yata ng kainosentihan ko. Well, like what I have said, masyado akong nakadepende sa buong pamilya ko at kung ano lang ang sabihin nila, iyon lang talaga ang ginagawa ko. Pinalaki ako na malayo sa realidad ng mundo dahil nga "medyo" medyo lang naman na kakaiba ako.
Natapos ko na ang movie na pinapanood ko at ng iistretch ko ang katawan at leeg ko ay nagulat ako kay Ate Pat na nasa may bandang likuran ko pala at mukhang nakinood din.
"Nakakagulat ka naman, Ate Pat. Kanina ka pa dyan?"
"Medyo. Pasensya ka na. Pinadalahan ka kasi ng pagkain ni Mama mo, tapos nakaawang naman ang pinto ng kwarto mo kaya pumasok na ako. E nakita ko na nanunuod ka ng pelikula, kaya nakinood na din ako." Mahabang paliwanag nito.
Ngumiti lang ako. Wala naman kasing kaso sa akin iyon. Pero hindi ko akalain na focus na focus pala ako sa pinapanood ko. Katunayan ang hindi ko pagkapansin sa pagpasok ni Ate Pat.
"Gusto mo pa bang manood, Ate?" Tanong ko ng tumayo na ako para kainin ang dala nito. Inabot ko dito ang laptop ko.
"Naku! Hindi na at may mga gagawin pa ako." Tanggi nito na may kasama pang iling.
"E, dito ka muna, Ate. Samahan mo muna ako hanggang sa matapos akong kumain, please." Paglalambing ko.
Nag-aalangan man ay pumayag na din ito.
"Ate Pat, nagka boyfriend ka na ba or may boyfriend ka ngayon?" Simulang tanong niya, baka kasi may makuha din siyang idea dito.
"Oo naman syempre! Pero ngayon ang jowa ko ay iyong tomboy na sikyu dyan sa supermarket." Kwento agad nito na tila pa kinikilig.
"Parehas lang ba yun?"
Pamilyar naman siya sa girl to girl relationship dahil nga galing siya sa all girls school pero ni minsan ay hindi niya naranasan ang ganun dahil ayaw niya. Hindi lang dahil sa kakaibang sitwasyon niya, kundi talagang ayaw lang niya. Hindi siya nagkaroon ng attraction sa kahit na sino. Madami siyang binasted noon na mga lumiligaw sa kanya na mga babae at tomboy. Ang reason niya ay straight siya. Pero straight nga ba talaga siya? Gayong simula pa ng ipanganak siya ay kakaiba na siya.
"Parehas lang din naman. Mas masarap pa nga magmahal ang mga tomboy dahil mas nagkakaintindihan kami at napakalambing pa."
Napapangiti ako kay Ate Pat, dahil habang nagkikwento ito ay naiisip ko kami niyong babae sa bahay na pinupuntahan ko, si Gyoza.
Hanggang sa matapos na akong kumain ay walang ginawa si Ate Pat kundi kwentuhan ako tungkol sa jowa nya. Kaya naman kahit paano ay may mga bago akong nalaman at mas naunawaan.
Pag-alis ni Ate Pat dala ang pinagkainan ko ay agad akong naligo at nagbihis. Babalik na ulit ako sa bahay ni Gyoza.
BINABASA MO ANG
Unknown Lover
FanfictionSwerte daw ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya, dahil kambal din daw ang mga blessings na darating, pero swerte pa din bang matatawag ang kambal kung ito ay hindi naman talaga lubusang nabuo? O kung nabuo man ay sa katawan din ng kakambal nito! Con...