Chapter 11

54 6 0
                                    

Gyo's pov

Subra na talaga ang kaba ko. Parang anumang sandali ay mabubuwal na ako, nang magsalita na nga itong bakla este babae sa tabi ko.

"Papa, Mama, Brothers, and Sisters, I want you to personally meet my fiancee, Gyoza."

Mas lalo yata akong kinabahan sa sinabi nito dahil parang mas sumama ang tingin sa akin ng Mama nito.

"Since when?" Nakataas ng mga tatlong palapag yata ang kilay na tanong ni Mrs. Siridawong.

"Kanina lang ako nag propose sa kanya Mama, and she said yes." Pinisil nito ang kamay ko at nilingon pa ako nito ng nakangiti.

"Talagang magyeyes yan! Nakalimutan mo na ba na binabayadan iyan ng Ate Ploy mo para pakisamahan ka!"

Hindi ko matanggap ang sinabi ng Ginang, kaya naman -

"Mawalang galang na po, Mrs. Siridawong. Maaaring binabayaran po ako ni Mam Ploy pero hindi po ibig sabihin niyon ay hindi ko na matututunang mahalin si Nao." Lakas-loob kong sabi.

"Mahal? Mahal mo ang anak ko? Pinapatawa mo yata ako Ms. Kaniknan! Kailan mo lang ba nakilala at nakita ang anak ko, ha!? Hindi ba lagi ka lang nakapiring! Kaya paano mong nasasabi ang salitang mahal?"

Si Manao sana ang sasagot pero inunahan ko na ito. Tutal naman e ako talaga ang tinatanong.

"Maaaring hindi pa nga po ganoon katagal ang pagkakakilala at lalo na ang pagkakita ko sa anak ninyo pero hindi po kasi siya mahirap mahalin at kaya madali po sa akin na matanggap ang lahat sa kanya." Sinserong sabi ko.

Magsasalita pa sana ang Ginang pero may lumapit na kasambahay na nagpaparating na nakahanda na daw ang mesa para sa hapunan. Kaya naman nagsabi si Mr. Siridawong na magtungo na sa kumidor ang lahat.

Asikasong-asikaso ako ni Manao sa harap ng mesa. Kulang na nga lang ay subuan ako nito. Kaya naman mas lalong sumasama ang mga tingin sa akin ng Mama nito.

Wala naman akong napansin na pagtutol sa iba na kaharap pa namin ngayon sa mesa. Kabukod tangi lang talaga si Mrs Siridawong na hayagang ipinapakita ang pagtutol sa akin para sa anak nito.

"Paano mo nga pala nalaman na kakaiba ang anak ko!?" Nag-umpisa na ulit itong magtanong sa akin, kaya naman hindi na yata talaga ako mabubusog pa 😭

"Nahalata ko na po agad noong una pa lang po na may nangyari sa amin. Hindi naman po kasi ako manhid para hindi ko po maramdaman na may kakaiba talaga."

"Talaga? Kung ganoon ay ramdam mo na din siguro na hindi kita gusto para kay Manao!"

"Mama!" Saway na singit ni Manao. "Maghinay-hinay naman po kayo kay Gyo. She's pregnant!"

"Talaga, Tol? Ang galing mo naman! Naunahan mo pa kami ni Kuya Pure na gumawa ng tagapagmana ng mga Siridawong! Congrats sa inyo, Tol, Gyo!" Nakangiting sabi ni Sir Feung.

Kaya nakangiti din naman akong nagpasalamat.

"Ilang months na?" Tanong naman ni Doctora.

"Magdadalawang buwan pa lang po, Doc." Nakikiming sagot ko.

"Ang pormal mo naman! Tawagin mo na lang din akong Ate Lada!"

"Sige po, A-ate Lada!"

"Much better!"

"Nakapagpacheck up ka na ba?" Tanong naman ni Mam Ploy.

Nahihiya akong umiling saka napatingin ako kay Manao na katabi ko.

"Check up ng ano, Ate?" Tanong agad nito.

"It's a requirement for a healthy pregnancy. At least once a month na pupunta si Gyoza sa OB nya."

Unknown LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon