"Ito na ang magiging bahay mo mula ngayon. Kumpleto na dito. May mga groceries na din. Twice a week may pupunta dito na helper. Wala ka na ding iisipin na bayarin. At sya nga pala, wag ka ng mag-alala sa Ate mo, binayadan ko na ang mga utang nya at binili ko na din ang apartment na tinitirahan niya, plus binigyan ko pa siya ng regular na trabaho sa pabrika. At kung ano man ang tanong mo tungkol sa kapatid ko ay sarilinin mo na lamang dahil wala kang dapat na malaman tungkol sa kanya. Everytime na gagamitin ka niya ay hindi mo siya maaaring makita o mahawakan. Meaning ay pipiringan ka niya at ipoposas sa kama o sa kahit saang lugar niya gusto. Wala kang karapatan na magtanong at magreklamo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Pagtatapos nito sa halos walang preno nitong pagiinporma sa kanya.
Tumango na lamang siya kahit labag pa din sa kalooban niya ang ginawa niyang pagsang-ayon sa offer nito.
"Sya nga pala. Mamaya ng gabi ang simula ng trabaho mo sa kapatid ko." Panghuling sabi nito bago siya iniwanan sa bahay na iyon.
Para siyang nauupos na napaupo na lang sa leather sofa na nandoon. Gusto niyang magalit kay Ms. Siridawong pero mas naiinis siya sa bunsong kapatid daw nito na parang walang buto, parang hindi lalaki! Bakit kailangan pa nito ng tulong ng mga kapatid? At bakit hindi ko ito dapat makita? Napakapangit ba nun? Pero kung ang pagbabasehan niya ay ang mga itsura na magkakapatid na Siridawong ay masasabi niyang may itsura din ito o baka napakagandang lalaki din nito gaya nina Sir Pure at Sir Feung. Napakagaganda din nina Doktora at Mam Ploy. Kaya napakalabo na maging pangit iyon. Hindi kaya may kapansanan? Iyon na lamang ang naisip niyang posibleng dahilan.
Patamad siyang tumayo para magtungo sa ikalawang palapag ng bahay. Pero bago iyon ay napatingin muna siya sa orasan na malapit sa hagdan. Ilang minuto na lang bago mag-alaskwatro. Kaya naman ilang oras na lang ay magsisimula na ang kakaiba niyang trabaho. Tumuloy na nga siya sa pag-akyat at pagpasok niya sa kwartong sinabi ni Ms. Siridawong na gagamitin niya ay agad na siyang nahiga sa napakalaki at napakalambot na kama na ngayon lang niya na experience sa tanang buhay niya. At dahil nga sa comfort na hatid niyon sa kanya ay hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.
.
.
.
.
."Manao, dito sa bahay na ito ka lagi pupunta kapag kailangan mong mag release. Alam mo naman na ang mga gagawin mo diba? And don't worry na brief ko na si Gyo."
"Natatakot ako, Ate! Paano -"
"Shh! Hindi niya kailangang malaman! Sige na, you can do this." Hinaplos pa nito ng buong pagmamahal ang pisngi niya saka tinampal-tampal ng mahina lamang.
Hinalikan pa muna din siya sa ulo ng kanyang Ate Ploy, bago nito binuksan ang pinto ng kotse para makababa na siya.
Tiningnan niya muna ito at nginitian lang siya saka sinabihan ng, "Go!"
Tuluyan na nga siyang bumaba ng kotse na minamaneho ng kanyang Ate Ploy. Lumingon pa ulit siya bago niya tuluyang buksan ang gate. Pati bago niya buksan ang pinto ay muli pa din niyang nilingon ang kanyang Ate na natatawa na lang, habang naghahand gesture na tumuloy na siya. Feeling niya kasi ay preschooler siya na first time papasok na hindi mapigilang lingunin ng lingunin ang naghatid. Isa pang final lingon bago siya tuluyang pumasok sa bahay gamit ang susi na binigay ng kanyang Ate.
Narinig na niyang umalis na ang kotse ng kanyang Ate. Sinilip niya ito sa bintana para makasigurado. Umalis na nga at iniwan na siya. Ang bilin nito ay tumawag na lang siya kapag magpapasundo na. At parang ngayon pa lang ay gusto na niyang magpasundo dahil parang ayaw na niyang tumuloy sa sobrang kaba.
Pakapa-kapa niyang hinanap ang hagdan. Ayaw niya kasing buksan ang ilaw dahil baka magfreak out iyong babae kapag nakitang babae din siya. At sa wakas ay successful din siyang nakaakyat sa hagdan. Pagtapat niya sa kwartong kinaroroonan di umano niyong babae ay napabuntong-hininga muna siya saka dahan-dahang binuksan ang pinto.
Mula sa liwanag na galing sa labas ay naaninawan niya ang katawan na nakahiga ng pabalandra sa malaking kama. Dahan-dahan niya itong nilapitan at nakapamaywang na pinagmasdan. Namomoblema kasi siya kung paano niya ito ipoposas at pipiringan ng hindi ito nagigising. Para kasing gusto na lang niya itong galawin habang nasa kahimbingan ito ng pagtulog. May kahabaan naman ang posas na sadyang ipininasadya ng kanyang Ate Ploy.
Inuna na niyang piringan ito, kaya naman naramdaman niyang basa ang noo at buhok nito. Noong una ay inakala lang niya na nakatulog ito pagkatapos maligo pero ng maramdaman niya ang init, ay doon lang niya natanto na pawis iyon dahil nakapatay ang ac. Inayos niya muna ang piring nito bago niya hinanap ang remote ng ac. Good thing at nakita niya agad iyon sa ibabaw ng bedside table.
Muli niyang binalingan ang babae at napatawa siya ng mahina ng makitang tulog na tulog pa din ito. Mabilis na niyang ikinabit ang posas sa magkabilang wrist nito at saka ikinunekta sa headboard ng kama. Gumalaw ng bahagya ang babae at naramdaman yata nito na stuck ang mga kamay nito kaya bahagya itong bumangon.
"Ikaw na po ba iyong bunsong kapatid ni Mam Ploy?" Tanong nito na nakalingon sa kinapipwestuhan niya.
.
.
.
.Nagising siya ng maramdaman niya na hindi niya maigalaw ang kanyang dalawang mga kamay. Kaya naman nagmulat na siya. Ngunit kadiliman pa din ang namulatan niya. Sinubukan niyang bumangon pero bahagya lamang dahil hanggang doon lang ang kaya niya dahil nga sa pagkakagapos yata ng mga kamay niya. Diyata at dumating na ang kanyang bagong Amo.
"Ikaw na po ba iyong bunsong kapatid ni Mam Ploy?" Tanong niya sa taong hindi niya nakikita.
Nakarinig siya ng mahinang pagtikhim, saka sumagot ito ng "Uhuh!"
Tumahip ng mabilis ang dibdib niya dahil sa kaba at lalo pa iyong nadagdagan ng hawakan siya nito sa balikat. Naramdaman niyang tila hinahaplos-haplos siya nito doon gamit marahil ang hinlalaki para siya pakalmahin pero talagang hindi mawala-wala ang takot at kaba niya.
"Shhh! It's okay. I'm not going to hurt you."
Halos pabulong lang na sabi nito. Pero bakit tila yata napakalambing ng boses nito para sa isang lalaki? Hindi kaya bakla ito kaya kinailangan pang gumastos ng malaki ang pamilya nito para lang ito ay may makasex. Bahagya ng nabawasan ang kaba niya, kaya naman sinubukan niya itong kausapin.
"Wag ka sanang mao offend ha, pero bakla ka ba?" Tanong niya at hindi niya iniexpect ang magiging tugon nito na may kalakasang tawa o mas tama sigurong sabihing hagalpak na tawa.
"Hoy? Bakit tawang-tawa ka dyan? Siguro totoo, no!"
Wala siyang narinig na sagot dito, pero huminto na ito sa pagtawa.
"Magsalita ka naman o, para masabi kong tao talaga ang kasama ko."
Muli siyang nakarinig ng pagtikhim atsaka ito umimik ng ikinapahiya niya bigla.
"Bakit naman hindi ka man lang naligo o naglinis ng katawan? I thought you already knew that I'm coming!"
Sana pala hindi na niya ito inudyukan na magsalita. Nahiya naman kasi siya dahil naamoy niyang napakabango nito. Pati ang hininga ay parang amoy domex pa este listerine pala yun. 😂✌️
"Kalagan mo na lang muna ako saglit at maliligo at maghihiso ako at magmumumog pa ako ng domex. Kakahiya naman kasi sayo." Totoo naman kasing tila napahiya siya. Gusto niya sanang amuyin ang kanyang sarili pero hindi naman niya magawa kahit wala namang piring ang ilong niya. 'ano ba yan?'
"No need!" Tanggi nito.
"Ay sya ikaw ang bahala. Tiisin mo na lang muna ang amoy ko. Bawi na lang ako sa sunod na balik mo!"
Ewan niya kung bakit niya iyon nasabi, pero parang tinanggap na niya ngayon ang kung ano man ang mga mangyayari. Siguro dahil na din sa kaginhawahang idinulot niyon sa kanila ng kanyang Ate.
BINABASA MO ANG
Unknown Lover
FanfictionSwerte daw ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya, dahil kambal din daw ang mga blessings na darating, pero swerte pa din bang matatawag ang kambal kung ito ay hindi naman talaga lubusang nabuo? O kung nabuo man ay sa katawan din ng kakambal nito! Con...