Gyo's pov
"Where is Nao?" Tanong sa akin ni Dad.
Nakaupo ito sa sofa katabi ang asawa nitong is Aunt Letty.
"Upstairs and she's with Noe!"
"How long are you trying to keep this secret from Nao? And why are you doing this to her?"
Yes alam na nila ang lahat ng nangyari sa amin ni Manao noon. Alam na din nila na si Nao ang katuwang ko sa pagbuo sa apo nilang si Noe.
Kung paano nila nalaman?
Remember the time na sinundo kaming mag-ina ni Dad sa airport? Sabi niya ay dadaanan pa daw namin sa grocery ang maid nila. At ng ituro sa akin ni Dad kung sino iyong tinutukoy niya ay hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hanggang sa pakiusapan ko na lang si Dad na balikan na lang si Manao pagkahatid sa amin. Hindi pa kasi ako handa na harapin siya muli. Pumayag naman si Dad. Kapalit ng pagkikwento ko ng lahat and that's it.
"Stop this now, Gyoza! She's still your other half, even though your wedding didn't really happen."
Naalala ko tuloy kung bakit nga ba hindi natuloy ang kasal namin.
Gabi bago ang kasal namin ni Manao ay pinuntahan ako ni Mrs Siridawong. Diretsahan niya akong sinabihan na iwan ko na daw ang anak niya dahil ayaw daw talaga niya sa akin. Hindi niya ako binigyan ng espasipikong dahilan. Basta ayaw lang daw talaga niya sa akin para nga kay Manao. Ipaglalaban ko pa sana si Nao pero pinagbantaan ako ni Mrs Siridawong na oras daw na makaanak ako ay hinding-hindi ko na daw makikita ang anak ko at sisiguraduhin din daw niya na ako ang sisisihin ni Nao sa pagkawala nga ng anak namin. Ikinatakot ko talaga iyon kaya naman umalis nga ako ng walang pasabi at paalam. Lumayo ako. Lumapit ako sa aking ama para mas maging safe kami ng ipinagbubuntis ko. Dinala naman ako ni Dad sa Thailand at doon ko na isinilang ang anak namin ni Manao, si Manoe Wiwatkul Siridawong.
Kaniknan sadya noon ang ginagamit ko. Apelyido ng aking Ina pero Wiwatkul talaga ang nasa birth certificate ko, Gyoza Kaniknan Wiwatkul ang buo kong pangalan talaga. Ang Ate Tan ko ay kapatid ko lang sa Ina. Anak siya ni Nanay sa unang lalaki na kinasama niya bago ang aking Ama.
"Gyoza, are you listening?"
Napaigtad ako at tuluyang napabalik sa kasalukuyan dahil sa pagsigaw na iyon ng aking Ama. Tumango na lang ako, kahit wala naman akong naintindihan sa sinabi nito at ng aking Madrasta.
Bakit ko nga ba ginagawa kay Manao ang mga ginawa niya sa akin noon?
Simple lang!
Gusto ko lang malaman kung mahal pa ba niya ako sa kabila ng ginawa ko sa kanyang pag-iwan noon. At para na din ipaalaala sa kanya ang mga nangyari sa amin noon. Baliktad na nga lamang dahil ako na ang Unknown Lover niya ngayon.
Kaya ko hinahayaan na makasama niya ni Noe, iyon ay para makilala nito ang anak namin kahit walang pormal na introduction. Naniniwala kasi ako sa lukso ng dugo at ramdam ko naman na magaan ang loob nila sa isat-isa. Si Noe kasi ang tipo ng bata na hindi basta-basta lumalapit sa iba. May pagka snob at shy type iyon pero iba ang reaksyon nito sa hindi nakikilalang isa pa niyang Mommy.
Natuwa pa nga ako ng silipin ko silang dalawa kanina sa playroom. Yakap ni Manao ang anak namin at hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng luha niya. Alam ko na nakikilala niya ang anak namin kahit paano. Nangungulila din siya sa amin ng anak niya.
Dapat ko na nga sigurong ipakilala sa kanya kung sino talaga ako.
.
.Manao's pov
Nakaupo na ako ngayon sa bear like bean bag at kalong ko si Noe. Binabasahan ko siya ng fairy tale story, pero saglit lang ay naramdaman kong tulog na ito. Tumigil na ako sa pagbabasa. Tiniklop at ibinaba ko na din ang libro sa mini study table.
Napatingin ako sa mukha ng natutulog na si Noe at parang nakikita ko ang little version ko dito. I mean, all her facial features are the same as mine. Her chinita eyes, her nose, lips, and her smile. She is an exact copy of me. At ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ako maaaring magkamali. Si Noe ang anak namin ni Gyo! At ito ang nasa likod ng robotic voice. Hindi ko alam kung ano ang trip niya at ginagawa niya ito sa akin pero sasakyan ko lang siya. Kung ang kapalit naman niyon ay makakasama ko silang mag-ina ko.
Narinig ko na may kumakatok, kaya naman mabilis kong isinuot muli ang blindfold ko. Bumukas na ang pinto at hindi pa man umiimik ang pumasok ay alam ko ng si Gyo iyon dahil naaamoy ko na ang pabango nito na kagaya ng pabango ko dati na humahalo sa hangin na nagmumula sa ac.
"How is she?"
"As you can see, tulog na siya!" Alam ko na naiintindihan ako nito.
"What did you say?" Pagmamaang-maangan pa nito.
"Wag na tayong maglokohan pa, Gyoza! I know na ikaw yan!" Sabi ko saka ko tinanggal ang piring ko at hindi nga ako nagkamali. Ang babae na nasa harap ko ngayon ay ang aking si Gyoza. Sophisticated and more sexy version of my Gyoza.
"Mabuti naman pala at alam mo na!" Iyon lang ang sinabi nito.
"Sabihin mo nga sa akin, si Noe ba ang anak natin?" Alam ko naman na din. Gusto ko lang ng kumpirmasyon na galing mismo dito.
"Oo! Hindi ko naman maikakaila dahil naghuhumiyaw ang itsura niya na ikaw ang gumawa sa kanya!" May pagkasarkastiko nitong sagot pero hindi ko na iyon pinansin. Bagkus ay muli ko na lang itong tinanong. Nang tanong na matagal ko ng gustong malaman ang kasagutan.
"Bakit mo ako iniwan, Gyoza? Bakit hindi mo ako sinipot sa araw ng kasal natin?" Hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil hanggang ngayon ay damang-dama ko pa din ang sakit ng ginawa nito sa akin noon.
Ibinaba ko na muna ang anak ko para maharap ko ng ayos ang 'Asawa ko'!
"Bakit?" May diing tanong ko ulit!
"Dahil sa Mama mo! Tinakot niya ako na hindi ko na makikita ang anak ko sa oras na magsilang ako at sinabi pa niya na sisiguraduhin daw niya na ako ang sisisihin mo! Natakot ako, Nao! Kaya kaysa mangyari pa iyon ay umalis na lang ako at nagpakalayo-layo." Umiiyak ng sagot nito.
"Totoo nga pala na si Mama ang dahilan!"
"Manao, ayokong mawala sa akin ang anak natin at ayoko din na makita kang magalit sa akin, kaya sinunod ko na lang ang gusto ng Mama mo! Hindi ko naman kasi alam ang tuong ikinaayaw sa akin ng Mama mo, e!"
Nilapitan at niyakap ko na lang si Gyo. Hindi ko din naman kasi alam kung ano nga ang iniaayaw sa kanya ni Mama.
"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong nito habang magkayakap pa din kami.
Galit pa nga ba ako? Para namang hindi ako nagalit sa kanya noon, e. Pero may gusto pa din akong bawiin. Ibinulong ko iyon dito atsaka hinila ko na ito palabas ng playroom ng anak namin, matapos kong itanong kung okay lang ba na maiwan muna na mag-isa si Noe doon.
Kailangan naming bawiin ang tatlong taon na nagkahiwalay kami at ito na rin siguro ang right time para masundan na si Noe.
BINABASA MO ANG
Unknown Lover
FanfictionSwerte daw ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya, dahil kambal din daw ang mga blessings na darating, pero swerte pa din bang matatawag ang kambal kung ito ay hindi naman talaga lubusang nabuo? O kung nabuo man ay sa katawan din ng kakambal nito! Con...