Gyo's pov
Nakataas ang buhok niya at pawisang-pawisan na dahil sa paglilinis. Naglalampaso siya ng sahig ng maramdaman niya na may nagbubukas ng front door. Kaya naman nanatili siyang nakatalikod. Alam na kasi niyang iyong kapatid iyon ni Mam Ploy at sigurado siyang ayaw nitong makita niya ito. Kaya naman kahit sobra pa siyang curious ay binalewala na lang niya iyon.
"Wag kang haharap at pumikit ka din." Bungad nito sa kanya na agad naman niyang sinunod.
Tatanungin nya sana ito kung bakit ang aga yata nitong bumalik, pero hindi na niya itinuloy dahil parang hindi tama. Naramdaman niyang lumapit ito sa likod niya atsaka muli siyang nilagyan ng piring.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nito matapos akong iharap sa kanya.
"Hindi ba obvious na naglilinis ako?"
"Yeah! I can see that! What I mean is bakit mo ginagawa iyan? Hindi mo naman kailangang gawin iyan! Ate Ploy told me na may pupunta dito every weekend na maglilinis and thats two days from now!"
"Hindi naman na iyon kailangan. Kaya ko naman maglinis-linis, e!" Sinabi nga sa akin ni Mam Ploy ang tungkol doon, pero naisip ko kasi na kaya ko naman ang maglinis at mag intindi ng sarili ko, kaya bakit kailangan pa ng ganoon.
"Don't do that again! Tingnan mo at pawisang-pawisan ka na!"
Naramdaman ko ang pagpupunas nito sa mukha, leeg, at braso ko at tila gamit pa nito ang sariling panyo dahil naaamoy ko ang pabango nito doon sa ipinampupunas nito sa akin.
"Hoy! Tama na.. Ano ba? Ako na at nakakahiya sa iyo." Sinubukan kong umiwas pero pinatahimik lang ako nito. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang namnamin na lang ang para sa akin ay parang napakasweet na gesture nito.
"Magpahinga ka muna saglit. Pagkatapos ay maligo ka at may gagawin tayo." Maya-maya ay sabi nito.
'Ano kaya iyong gagawin namin?'
Tanong lang niya iyon sa kanyang isip at nadala niya sa kanyang bibig ang kanyang kamao at nakagat niya iyon dahil sa inappropriate na eksena na pumasok sa isip niya.
" Hey! What's wrong?" Tanong nito sa kanya ng mapansin siguro ang pagkabalisa niya.
"Nothing!" Maiksi niyang sagot.
Napailing pa siya dahil napa ingles na siya sa sobrang kaba.
.
.Fast forward. Nakaligo na siya at ngayon ay nakatayo siya sa harap nito suot ang isang puting roba at wala na. Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat tapos ay ramdam din niyang unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa kanya at sa kung anong dahilan ay sinalubong na niya ito para tuluyan ng maglapat ang mga labi nila. Ramdam niyang medyo nagulat ito sa ginawa niya, pero para kasing tama lang na kumilos din siya. Napansin niya kasi na tila sobrang wala itong kaalam-alam sa mga ganitong bagay.
Hindi naman niya sinasabing expert siya dahil virgin pa naman talaga siya, pero kahit naman paano ay palabasa siya sa wattpad noon, kaya feeling niya ay advantage niya iyon. Kusa ng gumalaw ang labi niya na nakalapat sa labi nito pero nanatili lang ito na walang kagalaw-galaw.
"Sabayan mo lang ako." Mahinang anas ko sa tapat ng labi nito saka muli ko itong hinalikan.
Gumalaw na nga ang labi nito pero parang masyadong malikot iyon tila gusto ng kainin ang bibig niya. Kaya naman muli siyang humiwalay dito at pinunasan niya ang parte ng mukha niyang nabasa ng laway nito. Kinapa din niya ang mukha nito atsaka tinuyo din niya ang palibot ng labi nito. Habang sinasabing,
"Dahan-dahanin mo lang naman. Hindi naman tayo nagmamadali at wala din naman tayong pupuntahan." Nginitian nya din ito kahit hindi niya ito nakikita.
Naramdaman niya ang marahan nitong pagtango. Kaya naman muli niyang pinaglapat ang mga labi nila. At ilang sandali pa ay gumagalaw na ang mga iyon ng hindi naman perpekto, pero tama lang para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Unknown Lover
FanfictionSwerte daw ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya, dahil kambal din daw ang mga blessings na darating, pero swerte pa din bang matatawag ang kambal kung ito ay hindi naman talaga lubusang nabuo? O kung nabuo man ay sa katawan din ng kakambal nito! Con...