Nakita ko na nakaabang na sa may front door ang buo kong pamilya kaya naman napabilis na ako ng pagbaba, dahil ng makita ko ang mga ito ay saka ako nakaramdam ng labis na pananabik sa mga ito. Tumayo muna ako sa may makababa ng sasakyan. Nag-aalangan kasi akong lumapit agad, pero ng bumuka ang mga braso ni Papa at mumustra na lumapit ako sa kanya ay pasugod na nga akong yumakap dito. Nagtubig ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na nga akong umiyak ng nasa loob na ako ng yakap ni Papa. Sobra ko siyang namiss.
Maya-maya ay naramdaman ko na yumakap na din sa akin si Mama at sunod ay ang lahat na kapatid ko. Group hug kung group hug, kaya naman lalo na akong naiyak. Sobra ko silang namiss lahat! May katagalan din kaming nagyakapan na buong mag-anak at ng magbitaw kami ay doon ko lang ulit naalala na may mga kasama pala ako.
"Ahh! Pa, Ma, may mga kasama nga po pala ako." Panimula ko. "Pa, Ma, mga Kuya, at mga Ate, this is Mr and Mrs Wiwatkul at kilala naman ninyo po si Gyoza and this adorable kid is our daughter, Noe...... Dad, Aunt Letty, this are my whole family. Noe, say hi to your Lolo and Lola and to your Titos and Titas." Pagpapakilala ko sa lahat.
Nagkamay naman ang mga ito, pwera lang kay Mama na si Noe lang ang agad pinansin.
"Hi! Noe, I'm your Lola. Mother of your Mommy." Yumuko pa si Mama para pumantay ito sa height ni Noe.
"Uhm, you mean Momma. Hello, Lola. It's so nice to meet you!" Bati din ng anak ko atsaka humalik pa ito sa pisngi bago yumakap kay Mama. Kaya naman lalong natuwa dito si Mama, pati na ang buo kong pamilya.
"Nagsasalita ba siya ng tagalog?" Tanong ni Papa, kaya napatingin ako kay Gyo.
"Kaunti pa lang po pero nakakaintidi po siya dahil may mga pagkakataon naman po na kinakausap ko siya ng tagalog." Sagot ni Gyoza.
Saglit akong nalungkot at napatingin sa anak ko. Napakadami ko pa nga palang hindi alam tungkol sa sarili kong anak. Napatunghay at napalingon ako kay Gyo ng maramdaman ko ang paghaplos nito sa likod ko.
"Love, wag kang mag alala. Makikilala mo din paunti-unti ang anak natin." Nakangiting sabi nito sa akin.
Napangiti na din ako dahil sa connection namin. Iyong tipong kahit hindi magsalita ay isa ay mauunawaan pa din talaga ng isa. Matibay talaga ang connection namin, hindi iyon nawala kahit tatlong taon kaming hindi nagsama.
Nang muli akong tumingin sa anak ko ay pinagkakaguluhan na pala ito ng buong pamilya ko. Tuwang-tuwa ang lahat dahil sa ka-kyutan at pagiging bibo nito. Tumingin tuloy ako sa mag-asawang Wiwatkul. Tingin na humihingi ng dispensa. Nabalewala na kasi ang mga ito. Napansin naman agad iyon ni Papa kaya -
"Let's go inside. Come on. You all join us in our breakfast!" Nakangiting aya nito sa mag-asawa pati na kay Gyo.
Pumasok na nga kaming lahat at dumulog sa lamesa. Katabi syempre ni Mama si Noe. Pa minsan-minsan nga ay sinusubuan pa nito ang anak ko na wala namang atubili na tinataggap ng bata.
"So, what brought you here?" Straight na tanong ni Papa. Tumingin ito kina Mr and Mrs Wiwatkul.
"We'll go straight to the point! We're all here to talk about the marriage of my daughter to your daughter!"
Napaangat ang tingin ni Mama sa sinabi ni Mr Wiwatkul.
Magsasalita na sana si Papa pero naunahan ito ni Mama.
"Mr. Wiwatkul, I think you already know what is my answer to that!" - Mama.
"Mrs Siridawong or can I call you Cristy?" Tanong ni Mr Wiwatkul.
Nagkibit balikat lang naman si Mama kaya nagpatuloy na si Dad.
"Cristy, come on! Let's all leave our grudges in the past. Our kids don't know anything about that! Even the two of us, don't know anything about what happened to our parents! So, please! Don't be so hard on my daughter! She knows nothing at all about those things in the past!" Ramdam ko na ibinaba na ni Dad ang sarili niya sa Mama ko para lang kay Gyo.
"Okey! For the sake of Noe! You can talk about that marriage, but please don't ask my opinion! I'm still not in favor to that!"
"Okay! I understand you, but you're not planning to stop that wedding again, right?"
"Not at the moment!"
Nagpipigil ng tawa si Papa sa parang mga bata na pag-uusap ng dalawa.
Tumango na lang si Dad, saka bumaling na kay Papa. Ang mga ito nalang ang nag-usap. Pa minsan-minsan ay sumasagot at nagtatanong din kami, pati sina Kuya at Ate, pati si Aunt Letty. At si Mama kay Noe lang talaga naka focus, pero dahil kilala ko siya, alam ko na kahit na ang anak ko ang iniintindi nito. Sigurado ako na all ears pa din ito sa pakikinig sa usapan.
Nang matapos ang aming pag kain ay nagpatuloy pa din ang mga paguusap ng lahat at ng gumabi na at magpapaalam na kami ay doon lang ulit nagsalita si Mama.
"Dito na kayo matulog. Gusto ko pang makasama ang apo ko."
Tinanong ko si Gyoza. Pumayag naman ito, pati na din sina Dad at Aunt Letty. Kaya naman tuloy pa din ang mga pagkikwentuhan. Si Papa at si Dad nga ay parang buddies na agad, e. Nag iinom sila kasama sina Kuya.
Si Aunt Letty naman kahit paano ay nakasundo ni Mama dahil pareho silang giliw na giliw sa anak namin.
"Natutuwa ako na magkasama na ulit kayo!" Sabi ni Ate Ploy.
Kami kasing apat nina Ate Lada at Gyo ang magkakaumpok.
Nakangiting nagtinginan at naghawakan muna kami ni Gyo ng kamay bago ako sumagot.
"Napakarami ko pang pinagdaan, Te! Bago ko muling nakita at nakasama ang mag ina ko."
"Care to share that story? Mahaba pa ang gabi!" Sabi naman ni Ate Lada.
Nakangiting nagtinginan muli kami ni Gyo. Tumango ito at nagsimula na nga akong magkwento.
That day and night, masasabi ko na nag bind ang aming mga pamilya ni Gyoza. Kaya naman tuloy na tuloy na ang kasalan.
Invited kayong lahat 👰❤️👰
BINABASA MO ANG
Unknown Lover
FanfictionSwerte daw ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya, dahil kambal din daw ang mga blessings na darating, pero swerte pa din bang matatawag ang kambal kung ito ay hindi naman talaga lubusang nabuo? O kung nabuo man ay sa katawan din ng kakambal nito! Con...