Chapter 9

57 3 0
                                    

Manao's pov

Hindi na siya halos umuuwi sa bahay nila o kung umuwi man siya ay laging saglitan lang. Minsan ay kumukuha lang siya ng damit o di kaya ay iidlip lang saglit. Ganoon lang lagi sa loob ng mahigit dalawang buwan.

Masasabi na nga niya na para na silang nagli live in ni Gyo. Iyon nga lang hindi pa din niya inaalis ang piring nito sa mata pag kasama siya pero hindi naman na niya ito pinuposasan pa.

Ngayon ay umuwi siya sa mansion nila at inabutan niya ang kanyang Mama na abala na naman sa pagko cross stitch sa salas.

"Hi, Ma. Good morning!" Masayang bati niya dito sabay halik pa sa pisngi.

"Aba! Alam mo pa pala ang pauwi dito sa bahay! O baka naman dumaan ka na naman lang dito!"

Alam naman niyang nagtatampo na ang kanyang pamilya sa halos hindi na pagkakita sa kanya, pero kasi iba ang saya niya sa tuwing si Gyoza ang kasama niya at namimiss niya ito kaagad, kapag malayo ito sa kanya. Kaya naman nagagawa niyang tiisin ang pamilya niya. Ang rason niya ay since birth naman ay kasama na niya ang mga ito. Maanong mawalay siya ng kahit ilang buwan lamang.

"Talaga bang doon ka na titira sa babaeng iyon? Ay sya! Ipapaimpake ko na lahat ng mga gamit mo at ipapadala ko doon!"

Niyakap niya ang kanyang nagtatampong Ina, atsaka niya ito nilambing-lambing.

"Mama, naman pagbigyan ninyo na muna po ako. Masaya lang po talaga ako ngayon na kasama si Gyo."

"At paano kung mabuntis mo iyon? Naisip mo ba, ha?"

"Ayaw ninyo po ba iyon? Magkakaapo na kayo sa akin."

"Hmp!" Ismid nito sa kanya pero mas hinigpitan lang niya ang pagyakap dito.

"Hayaan ninyo po, Mama. Mamaya po ay dito ako matutulog at isasama ko na din po si Gyo, para makilala ninyo na po siya. Pakisabi na din po kina Papa, mga Ate, at mga Kuya, ha. I love you, Mama kong maganda." Iyon lang at iniwan na niya ito para kunin niya ang talagang pakay niya sa kanyang pag-uwi dito.

Ang singsing na ibinigay sa kanya noon ng kanyang Lolo Tony. Papa ng kanyang Papa. Sabi nito noon bago ito namatay, na ang singsing daw na iyon ang ibigay niya sa kanyang nais na makasama habang-buhay at kaya hawak niya ito ngayon ay dahil mayroon na siyang pagbibigyan niyon. Si Gyoza na may dala ngayon ng kanyang anak. Magdadalawang buwan na kasi itong buntis. Iyon din ang isa pang rason, kung bakit hindi siya umuuwi dito sa bahay nila.

Nang makuha na niya ang singsing sa taguan niya ay agad na din siyang nagpaalam sa kanyang Mama. Niyakap pa niya ito ng may katagalan at buong higpit saka nagsabi na babalik naman siya mamaya kasama nga si Gyo. At pagkatapos ay tuluyan na nga siyang nagpaalam at umalis.

.
.
.
.​

Mrs. Siridawong's pov

Hindi maintindihan ni Mrs. Siridawong ang kanyang nararamdaman ng yakapin siya ng kanyang bunso, para bang talagang namamaalam na ito. At eksaktong humangin ng may kalakasan. Nilipad niyon ang may kakapalang kurtina na sumagi at ikinapatak ng family picture nila at nang damputin niya iyon ay napansin niyang ang basag niyon ay humati sa parteng mukha ni Manao, ng kanyang pinakamamahal na bunso. Napaantanda tuloy siya, sabay sabi ng -

"Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa bunso ko!"

Kakawika pa lang niya niyon ng magring ang kanyang cellphone. At ng sagutin niya iyon ay nanlambot siya. Napaupo siya sa single sofa at nabitawan na din niya ang kanyang cellphone.

.
.
.
.​
.

Gyoza's pov

Nasa kwarto lamang siya at nanonood ng tv. Habang hinihintay niya ang pagbabalik ni bakla. Pero nakatulog at nagising na siya ay wala pa din ito. Gayong ang sabi nito ay madali lang daw ito.

Unknown LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon