Chapter 15

44 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang tatlong taon. Ngayon ay nagsosolo na ako sa buhay. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto na din akong magdesisyon para sa sarili ko. Natuto akong hindi umasa na lang palagi sa pamilya ko.

Mula kasi nang umalis si Gyoza ng walang paalam ay hindi ko halos malaman ang gagawin ko. Hinanap ko siya. Pero masasabi kong totoo nga ang kasabihan na mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.

Hindi pa rin naman ako sumusuko at umaasa pa rin ako na isang araw ay magku-cross din ang mga landas namin. Pero kung kailan iyon? Iyon ang hindi ko alam.

Hindi naman ako nagalit sa pamilya ko. Kahit pa nga nalaman ko na si Mama talaga ang dahilan kung bakit umalis si Gyo. Akala ko ay tanggap na ni Mama si Gyo. Hindi pala. Parang pinasakay lang ako pero ang totoo ay may plano na pala talaga iyon na tanggalin talaga sa buhay ko ang mag-ina ko.

Umalis na lang ako sa bahay namin at namuhay akong mag-isa. Wala akong anumang dinala mula sa yaman ng pamilya ko. Hindi rin ako tumatanggap ng pera o tulong mula sa kanila. Nagsimula talaga ako sa walang-wala.

Namasukan akong katulong. Kahit wala akong kaalam-alam sa mga gawaing bahay. Ang akin lang kasing rason noon ay kung ganoon ang magiging trabaho ko ay may siguradong matitirahan at makakainan ako. Mahirap sa una pero paunti-unti ay natuto rin naman ako. Lalo pa nga at mababait naman at pasensyoso ang mga naging amo ko na mag-asawang Thai. Wala pating anak ang mga iyon kaya naman para na din nila akong kapamilya kung ituring.

"Nao, did you clean the room that I asked you to clean?" Tanong sa akin ng amo kong babae na si Mrs. Wiwatkul.

"Yes, Mrs."

"Good! Thank you! You know my husband's daughter is coming and our grandchild. She's very cute, smart, and charming! For sure you'll gonna love her too!"

Halata ang pagka excite nito sa paraan ng pagkikwento.

Nakangiti na lang din akong tumango. Na ikwento sa akin nito noon na wala na daw itong matris kaya hindi na magkakaanak pa kahit na kailan. Buti na nga lang daw at nagkaroon ng anak sa pagkabinata si Mr. Wiwatkul sa isang Pilipina na naging nobya nito noon dito sa Pilipinas.

Mayroon kasing mga resort and hotel ang mga magulang ni Mr. Wiwatkul dito sa Pilipinas, kaya naman daw tuwing bakasyon ito sa eskwela ay nagtutungo ito sa Pilipinas para makasama ang mga magulang at dito na nga nakilala daw nito ang Ina ng nag-iisa nitong anak.

"My husband's daughter is really independent! She raised her child on her own and she don't ask anything from us. I only saw her twice but we're in good terms." Patuloy na kwento nito.

Pumasok si Mr. Wiwatkul na tinatawag ang asawa nito.

"I'm here, honey!" Tugon ni Mrs. Wiwatkul.

"I'll be going now. Wanna come with me?"

"No, I'll just wait here to fix everything!"

Tumango lang si Mr. Wiwatkul at saka hinalikan sa pisngi ang asawa.

"Oh! I almost forgot! Nao, you come with me! I will drop you at the market to buy me this." Ipinakita nito sa akin ang lista ng bibilihin. "This is for my granddaughter! She really loves ripe big mangoes and please wait for us there."

"Okay, Mr."

Muli itong nagpaalam sa asawa at ganoon din ako saka kami umalis na nga.

Ibinaba nga ako nito sa supermarket na nadaanan namin habang papunta ito sa airport.

"Wait for us there, Nao okay!"

Itinuro nito ang spot kung saan daw ako dadaanan.

Madali lang naman akong nakabili ng sampung kilo ng hinog na mangga. Ipinalagay ko nalang iyon sa dalawang kahon para madali at balanse kong madadala. Naghihintay na ako ngayon sa spot na itinuro sakin kanina ni Mr. Wiwatkul. Pero may katagalan na ako doon ay wala pa din ang mga ito.

Medyo kumakalam na ang sikmura ko dahil past dinner na. Tumingin ulit ako sa relo ko na mumurahin lang at nakita ko na magtatatlong oras na pala akong Naghihintay. Inisip ko nalang na baka na delay ang flight niyong anak ng aking amo.

Lumipas pa ang ilang minuto at sa wakas ay tumigil na din malapit sa akin ang sasakyan ng aking amo. Pero nagtaka ako ng makita ko na mag isa lang ito sa sasakyan.

"Where are your daughter and granddaughter, Mister?" Hindi ko natiis na magtanong.

"Oh! They are in the house already. That's the reason why I took so long."

Nagtataka man ay nanahimik na lang ako. Inisip ko na lang na mga pagod na iyon kaya nagpauwi na kaagad.

Nang nasa garahe na ang sasakyan ay bababa na sana siya ngunit pinigilan siya ni Mr. Wiwatkul. Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ito.

"I want you to do me a favor. Wear this and don't remove this no matter what happen. Can you do that, Nao?" Tanong nito habang ipinapakita sa akin ang isang may kakapalan na eye patch.

"But why, Sir?" Karapatan naman niya sigurong  magtanong diba.

"Can't tell you the real reason but as your Boss, I'm commanding you to wear this!"

Kinuha ko na nga ang pantakip sa mata at ng mailagay ko iyon ay sinigurado pa nito na ayos iyon at wala talaga siyang makikita.

Narinig niyang binuksan na nito ang pinto at naramdaman din niya ang pagbaba nito. At saglit pa ay may nagbukas na rin ng pinto sa side niya at hinawakan siya para alalayang makababa.

At ewan niya pero base sa hawak nito at sa dama ng kamay nito ay nasisigurado niya na hindi iyon ang amo niyang lalaki, dahil maliit lang at may kalambutan ang kamay nito kaya alam niya na babae ang may-ari niyon.

Bigla ang ragasa ng alaala sa kanya. Ganitung-ganito kasi noon ang set up nila ni Gyoza. Lagi niya iyong pinipiringan upang manatiling unknown ang katauhan niya dito. Naisip nga niya, hindi kaya ito ay ang kanyang Gyoza? Pero agad din naman niyang kinontra iyon.

Nakapasok na sila sa loob ng bahay at iniupo na siya nito sa mahabang sofa. Ramdam niya na napakalapit nito sa kanya, dahil amoy niya ang alam niyang mamahaling pabango nito dahil iyon din ang pabango niya noon at pati na din ang amoy mouthwash na hininga nito. Sa kabuuan ay sigurado siya na ganito ang amoy niya noon. Noong hindi pa siya katulong.

"Stay here!"

Ano at tila may gamit itong voice changer dahil may pagkarobotic ang boses nito. Aalisin niya sana ang takip niya sa mata dahil gusto niyang malaman kung posible nga ba na si Gyoza ito na tila ginagawa lang din sa kanya ang mga dating ginagawa niya dito.

"Don't you dare, Manao!"

Bahagyang nakaramdam siya ng kaba sa banta nito. Kaya naman ibinaba na niya ulit ang kamay niya sa ibabaw ng kanyang hita.

"I want you to call me Lady Master! Is that clear?"

Tumango lang siya pero naramdaman niya ang hindi naman kalakasan na sampal nito sa kanya.

"Is that clear?" Paguulit nito kaya nabatid niyang gusto nitong sumagot siya ng ayos.

"Y-yes, L-lady Master!"

"That's what I like it!" Tinapik-tapik nito ang pisngi niya.

Ngayon niya nakumpirma na hindi ito ang kanyang Gyoza, dahil hindi siya magagawang pagbuhatan ng kamay niyon. Hindi kagaya ng estranghera na ito na parang may sira sa ulo!

Unknown LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon