Eighteen
By one19eightFEEDBACK
ROMANCE CATEGORY
Judge anonymousTITLE
― It is only one word: EIGHTEEN. Yet it has an impact that does something to the judge's brain. Nakakakuryoso ang titulo. This is one of those titles na kahit isang salita lang, mapapaisip ka kung tungkol saan ang kuwento. Ito iyong kapag pupunta ka ng book stores, mapupukaw agad ang iyong interes.
BOOK COVER
― Hindi gaanong nagustuhan ng hurado ang pabalat ng libro. The judge isn't a fan of the combination of colors, fonts, etc. Napupuno ng kulay kahel ang background, kahel din ang font. Simple lamang, pero hindi gaanong maganda sa mata. Subalit naniniwala pa rin naman ang hurado na baka mayroong halaga iyon sa plot ng kuwento.
BLURB
― The blurb is probably the judge's favorite part of the book. Especially the last part where it says "So much has happened at eighteen." Doon pa lang, kahit na naibulgar na ang maaaring dahilan kung bakit iyon ang naging titulo, the readers will still be left with questions that will only be answered once they read the story. Curiosity. Iyon ang dapat na binibigay sa atin ng blurb. At nagawa mo nga iyon.
Maganda rin ang pagkaka-construct. Simple at nakahahatak ng interes. Isa sa mga paraan kung paano mahihikayat ng mga manunulat ang mga taong basahin ang kanilang gawa ay ang pagkakaroon ng cliffhanger sa dulo ng blurb. At nagawa mo iyon. Mahusay.
PROLOGUE
― Reading the prologue, one could immediately tell the writer's passion for the book. The way the author narrated the scenes is heartfelt, especially the one where Anais's grandmother passes away. Mahusay ang daloy ng pagkukuwento: kung paano lumipat ang eksena sa kaniyang lola.
NARRATION
― The judge likes the narration very much. Maayos at nakamamangha ang pagkakasulat ng mga eksena. Halatang naglaan talaga ng oras at hirap ang otor sa kaniyang gawa. Tila imposibleng hindi mo maramdaman ang mga emosyong nais ibigay ng mga eksena, sapagkat malinis na inilahad ng manunulat ang detalye ng mga pangyayari. Because the scenes are well-written, even though the events are not that exciting yet, they are still worthy to read.
SCENE/S THAT SURPRISED/MADE THE JUDGE EMOTIONAL
― The judge wouldn't say it surprised them, but they adore Camille and her brother's relationship. Hindi perpekto ang kanilang pamilya, ngunit nanatili naman ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Her kuya is very protected of her and it is also what Anais says in his POV in chapter 4.
Sa graduation ni Camille, their father is there together with his new family. The judge honestly does not expect that he will show up. And when they feel uneasy telling stories about their mother, the judge loves that Sarah let them have that conversation. Especially since Camille admitted she was mad at his father's new family, but her father’s new family somehow proves to her that they are good people.
At hindi rin pala inaasahan ng hurado na si Anais pa mismo ang magsasabi/alok ng pagkakaibigan kay Camille. Nang nabasa ng hurado ang parteng iyon at ang sariling kuwento ni Anais tungkol doon ay natuwa ito.
FAVORITE CHARACTER
― Camille's brother. Hindi niya pinababayaan si Camille. Sinusundo niya pa nga ito sa school. Isa sa mga paboritong eksena ng hurado ay noong nagpadala siya ng mensahe kay Camille noong narinig nila ang kanilang mga magulang. Cai is that brother that everyone needs.
OVERALL
― Hindi minamadali ang bawat eksena. Iyon ang isa sa mga magagandang mayroon ang kuwentong ito. In every chapter, you are being fed by contents. Hindi iyong mga kuwentong mabilis, nakalilito, at "bitin". Hindi pa man natatapos ng hurado ang buong libro, ngunit masasabi na nitong magiging maganda ang susunod na mangyayari. Dahil kahit sa simpleng eksena, the author konws how to describe them flawlessly. The effort in every scene and description is seen.
The book doesn't only focus on the two leads, but it also includes their friends and families. Kaya naman nakikilala talaga ng mga mambabasa nang malalim ang bawat tauhan. Alam nila kung anong klase silang tao kapag kasama ang mga kaibigan, pamilya, at kapag sila lamang dalawa. Again, the author isn't afraid to showcase these details.
MESSAGE FOR THE AUTHOR
―Your book is impressive! Masasabi kong pinag-iisipan talaga ang kung ano ang dapat mangyari sa bawat kabanata. Hindi nakalilito ang mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, dahil na rin magaling kang magkuwento. Ang isa sa mga nagpapaganda sa libro ay kung paano ilathala ng manunulat ang mga kaganapan. Kaya kahit simple ang nagaganap, para pa rin itong isang espesyal at mahalagang pangyayari.
I hope a lot of readers discover you. As a reader myself, ramdam ko sa mga salita mo ang passion mo sa pagsusulat. Kaya sana, hindi ito ang huling librong mababasa ko mula sa iyo. Don't quit writing, because your words are meant to be read by many.
BINABASA MO ANG
Feedback From Us (BYR)
RandomA part of Break Your Record 2024 activity. Here lies the feedback from our judges to our winners and some contestants.