𝐌𝐍𝐂_𝐢𝐧𝐭𝐫𝐨𝐯𝐞𝐫𝐭

62 5 1
                                    

Gayuma
By MNC_introvert

FEEDBACK

ROMANCE CATEGORY
Judge anonymous

TITLE

― "GAYUMA". The judge was curious about the content of the story. One would ask himself kung bakit iyon ang napiling titulo ng nagsulat ng kuwento. Tungkol ba ito sa taong ginamitan ng gayuma? Baka ang kuwento ay tungkol sa kung bakit kinailangang gumamit ng bida ng gayuma? It's effective to give the readers questions na masasagot lang kung babasahin ang kuwento. At sa lagay na ito, sa titulo pa lamang, makukuryoso na ang mga mambabasa.

BOOK COVER

― Sakto lang ang pabalat ng libro para sa hurado. It's not the judge's favorite, but it's also not the worst. Because of the image in the cover, kaya napatanong ang hurado kung tungkol nga ba sa literal na gayuma ang magiging kuwento. May kagandahan din ang font at estilo nito. The colors also compliment each other. It isn't that bad for the eyes. Hindi masyadong makulay, and at the same time, hindi rin tinipid sa kulay.

BLURB

― The blurb is interesting. Nakuha agad ang interes ng hurado nang mabasa ang unang salita pa lamang. The blurb also explains Hera's struggles and her love interest without putting too much detail. Even though the story has not started yet, the author already gave reasons why the readers must root for Hera. Iyon ang magbibigay sa kanila ng dahilan upang basahin ang libro. At subaybayan ang mga nangyayari kay Hera. Malaman ang blurb, ngunit hindi hinayaan ng otor na isuwalat agad ang lahat. The end part is the judge's favorite.

PROLOGUE

― Simpleng-simple at nakatutuwang basahin. Magandang basahin sapagkat buhay ang mga tauhan. Not that kind of prologue where the readers find themselves getting bored even though they just opened the page. The judge also like that the author showed in prologue what is written in the blurb. Kasi nga, iyon ang magiging kaabang-abang sa kuwento. At dahil sa prologo pa lamang ay ibinigay na iyon ng manunulat sa mambabasa, the readers will be excited to read the next chapters.

NARRATION

― The narration is all right. It is readable. The way the author wrote the events are simple and straight to the point. Although hindi mahirap basahin ang mga salita, mayroong mga iilang pagkakamali roon. Just like in the prologue, the author put an apostrophe in the word 'ngang'. You can actually just spell it without the apostrophe after letter a. Para kasing nag-iiba ang ibig sabihin. Napatanong tuloy ang hurado sa kaniyang sarili: Nga ang ba iyon? Nga ng? May ilan ding mga salitang ginamitan pa ng markang iyon kahit na hindi naman na dapat.

And when you write a dialogue, after putting a closing quotation mark, no matter the punctuation, the letter after it must be small (actually, depende pa rin iyon sa kung ano ang susunod mong sasabihin). Example: "Si Kulam," he said. Or "Si Kulam!" he shouted. Or "Si Kulam?" he asked. Maliit lamang ang ‘h’. However, when you put it this way: "Si Kulam!" They all pointed at her. The t is capitalized.

Those are just a few things that the judge thinks might help the author in improving their work. Again, the narration is easy to read. Hindi mo na kailangan pang mag-isip kung ano ang nangyayari dahil babasahin mo na lang talaga ang mga isinulat ng otor doon. Nakukuha mo agad ang emosyon ng kuwento. Napakasarap basahin.

SCENE/S THAT SURPRISED/MADE THE AUTHOR EMOTIONAL

― The scene where Ruch sees Hera's face. It is already said in the blurb that Hera is ethereal. Pero noong nakita ni Ruch ang wangis ni Hera at nakita kung gaano ito kaganda, sinasabi ni Ruch na baka ginayuma siya. That's when the judge thought about the title. Hindi pala literal na gayuma. Kundi ang gayumang tinutukoy ang ang ganda ni Hera. Because when a person sees her, they would think to themselves na ginayuma sila ng ganda nito. For the judge, it is smart to let the title unfold itself in the story.

Hindi rin makalimutan ng hurado ang parte kung saan nakita ni Hera na sinusugod ang ina niya sa kanilang bahay. Ang sakit para sa isang anak na makitang hinihusgahan ang ina. Lalo pa't mahal na mahal ni Hera ang kaniya. Nakadudurog iyon ng puso. Isa iyon sa paboritong eksena ng hurado. Mahusay mo iyong naisulat.

FAVORITE CHARACTER

― It's Hera. She and her mother struggle because of the judgments their neighborhood is throwing at them. But even though her life is messed up because of them, Hera doesn't stop going to school. Hindi iyon naging hadlang sa kaniya para ihinto ang kaniyang mundo. Siya ay matapang kahit na nakatago siya sa likod ng hoodie at face mask. Kahit na harap-harapan kung katyawan siya ng mga tao. Kahit na palagi nilang ipinararamdam sa kaniya na hindi siya katanggap-tanggap.

The judge also loves her relationship with her mother. Mahal na mahal niya ito. Ganoon din ang ina niya sa kaniya. It's lovely to think that even when the world hates them, it won't matter because they have each other.

OVERALL

― The judge enjoyed reading the book. Some scenes are funny, relatable, heavy, etc. Tulad ng nasabi na kanina, hindi mahirap basahin ang kuwento dahil sa mahusay at magaang pagsasalaysay. Kahit may mga salitang hindi tama ang pagbaybay, masasabi pa ring maganda at mahusay ang pagkakabuo ng kuwento o plot. Hindi ito katulad ng iba. The judge likes the plot because it talks about the people who are in Hera's shoes. You will not always read books about this. Sa katunayan, ito ang unang beses na nakapagbasa ang hurado ng librong mayroong ganitong klaseng istorya.

At first, honestly, the judge thought it would really be about a gayuma, mangkukulam, and aswang. But it is not. Iba ang ipinakita ni otor sa kung ano ang nasa isipan ng hurado.

Mahusay rin ang daloy ng mga pangyayari. It's not hard to comprehend, kaya ma-e-enjoy mo lang talagang basahin itong kuwento. Kaabang-abang din ang mga dulo ng mga kabanata. That's why you will always want to read the next chapters because of those cliphangers.

MESSAGE FOR THE AUTHOR

― Again, I enjoyed your story. Maganda ito. Hindi gasgas ang plot. And honestly, your story is one of those I have a hard time forgetting. Nagustuhan ko kung paano mo binuo at plinano ang mga pangyayari. Dito pa lang, I could say that you are a great writer. You are taking your story seriously because you love what you are doing. Hindi mo ako nadismaya. Mahusay ka at may ihuhusay pa.

I would love to read more of your books. And I hope for you to succeed in every book that you write.

Feedback From Us (BYR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon