𝐦𝐬𝐥𝐢𝐚𝐥𝐮𝐧𝐚 - III

13 1 1
                                    

HIRAYA
by mslialuna

Judge JelyMarrianeSB

Nakuha ako ng Hiraya sa unang basa. ‘Yung vibes ng fantasy, balanseng-balanse, mula sa pagkamalikhain ng konsepto ng space exploration na bumuo sa mga komplikadong karakter ng parehong mga clones at hindi clones habang umiikot sa makulay na setting ng sci-fi hanggang sa kung paano kadulas na dumaloy ang mga salita para maipahatid nang buo ang kuwento sa mambabasa.

Nakamamangha ‘yung metaphorical na pag-deep dive ng kuwento sa existence ng mga different races, sa kung ano-ano ang mga role nila, at kung paano nakaaapekto ang mga ito sa isa’t isa sa parehong mabuti at ‘di mabuting paraan na animo’y sinasalamin ang kalagayan ng mga nangyari at mga nangyayari pa rin sa tunay na mundo kaya siya nagiging relatable.

The worldbuilding is fully well-planned and remarkably executed. Evident sa narration ang ginawang masusing pagri-research ni mslialuna para mabigyang katarungan ang kuwento. May full control din siya sa both languages na ginamit. Hindi mahirap basahin sa kabila ng paggamit ng mga complex words at scientific terms, at swabe ang switching ng language from Filipino to English and vice versa. Although, siguro dahil na rin sa sci-fi genre niya, nag-lean siya towards sa English which is actually not bad dahil ‘iyon marahil ang hiningi ng story, but I think pwede pa rin namang siyang balansehin para hindi masyadong masapawan si Filipino. Another option, maybe, the story may be delivered in full English. Downside nga lang nito ay mawawala or mababawasan ‘yung clutch ng vibes para mas maka-relate ang mga Filipino readers since may mga instances na mas dama talaga pagka sa mother tongue nabasa. Well, these are only suggestions, so it’s still up to the author on how they’ll write the story.

Gusto ko ring i-point out ‘yung vividness ng narrative. The story is very much alive. The visual settings are flawlessly detailed as if they really all exist. The characters are breathing through effective dialogues. Ramdam ko ‘yung irita ni Sylvie kay Dylan at ‘yung pagiging ilang niya kay Jon, but what is more appealing is the mystery surrounding their personalities steering me to probe more and continue reading. The supporting characters are also well-written notably Ivi who is also my most fave so far; ang humane niya in spite of being an AI, nagawa niya rin akong mapatawa sa kakulitan niya.

As my fave part sa nabasa ko, it’d be the prologue. ‘Yung twisted retelling ng big bang theory sa anyo ng alamat is a bravo for me. Nabigyan ni mslialuna ng unique spice ang isang general knowledge and creatively used it as one of the foundations of the plot. Clap, clap!

Overall, this is definitely a worthy read for sci-fi fantasy audiences.

Great job, mslialuna! Congratulations, again!

Feedback From Us (BYR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon