"Hoy Bruha"ano na naman tinutunganga mo diyan?ke aga aga pinagpapantasyahan mo na naman ang lalaking yan.Akina nga yan!...agaw ni Marianel sa magazine na hawak nya.
"Ikaw talaga!Sa lahat ng kaibigan ko ikaw ang kontra" angal ni Verna dito na kinuha ulit ang magazine na inagaw nito.
"Ito naman ang damot titingnan ko lang,kaya naman pala tulo laway mo kay Sandro jusko ang abs yummy talaga..."ani Marianel na tinitigan ang magazine cover.
"Hoy babae akala ko ba ako lang tong pumapantasya?eh bakit yang mata mo gusto ng lumuwa sa abs ng "aking mahal"
"Haru jusko"Maria Vernadeth sampalin kaya kita ng magising ka....may girlfriend na yung tao.Asa ka pa girl...
Panira ka talaga ng moment kahit kailan noh!who knows maging kami.At mapadpad siya dito sa pinas,"nangangarap na sambit nito na ayaw paawat.
Hmmmmp!!!ewan ko sa yong babae ka.Lakas din ng fighting spirit mo girl.bahala ka sa buhay mo bagyo lang my PAGASa pang aasar nito.
"Bwisit ka Marianel,if I know free breakfast lang ipinunta mo dito,tara na nga at mukhang gising na si Raven."anang dalaga na inilapag sa center table ang pinakaiingatang magazine na ang cover ay si Sandro Campos Rabello.
"Grabe ka ha!nakakahurt ka ng feelings!' paemote na sumunod din ito kay Verna sa kitchen.
"Morning Tita Nhel" bati ng paslit dito.
"Morning cutie pie Raven!manang mana ka talaga sa kin" anito na humalik sa anim na taon na paslit.
Umikot lang mata ni Verna sa narinig.Sanay na siya sa kaibigang lukaret.
Inihatid nina Verna at Marianel c Raven sa bahay ng mag asawang Micon at Giane.
"You looked prettier than ever "bungad ni Narianel kay Micon na ikinatawa nito.
"Bolera ka talagang babae ka pati ba naman ako hindi mo pinaligtas."ani Micon.
"E kasi naman surang sura na nga ako diyan kay Vernadeth para maiba naman!" biro ni Marianel dito na tinapunan ng masamang tingin ni Verna.
"Opps!!ikaw naman di na mabiro!What are friends are for kung walang asaran?hirit pa nito.
Pwera biro Micon,you looked gorgeous."ano bang sekreto mong malupit?share naman diyan ng maambunan tong si Verna mukhang stress kung kailan ba darating ang kanyang "tadhana"walang kamatayang pang aasar nito.
"Hello ladies"bati ni Giane na humalik sa asawa nito.
Hmmm....narinig ko yang pinag uusapan nyo.sekretong malupit ba kamo? Isa lang nman diyan ang sagot kundi ako lang at ang aking wagas na pagmamahal sa asawa ko!di ba love?habang nakayakap kay Micon na nakangiti lang.
"Kaya kung ako sayo Verna mag asawa ka na rin para may mag alaga sa inyo ni Raven". ani Micon.
Mag-asawa kamo?tama ba narinig ko?"exagerated na reak ni Marianel.
"Yup"sabay na sagot ng mag-asawa.
Paano mag asawa yan eh nasa dulo ata ng mundo Yung hinihintay nyan,pupusta pa ako habang tulog yan yakap yakap yung magazine na si Sandro ang cover.
"Hay naku magpapaalam na nga kami sa inyo at baka masabunutan ko na tong babae na to."hinila na nya si Marianel paalis.
Dahil sa mabait ang mag asawang Micon at Giane nagvolunter c Micon na siya na mag asikaso kay Raven habang may trabaho siya.Iisa lng naman ang anak ng mga ito na kasundo ng bata..At dahil summer at medyo kapos siya sa budget pumayag na rin siya kailangan nya ring kumayod dahil hindi naman sila mayaman.
Sa hirap ng buhay ngayon kahit anong trabaho pinapasok nya basta maayos at marangal.Sa dami ng inaplayan nya halos lahat tatawagan na lng daw siya.kaya kahit umekstra bilang talent go pa rin siya.
"Nagmamadali?may lakad?ani Marianel dito.
"Ay wala"walang trabahong naghihintay sa tin walang pasok!babaeng to!
"Wait Verna I have something to tell you.Its a good news na ikatutuwa mo" ani Micon.
"Ok mamayang pag uwi ko na lang yang good news mo at kami'y kailangang kumita muna,baka ma late kami" ani Verna na karag karag ang kaibigan.
"Ok!its about Sandro nasa Pinas na siya" pahabol ni Micon.
"What?!Really??!!napahinto pa siya at bumalik...
"Hip!!wait nagmamadali tayo di ba?!hatak naman ni Marianel sa braso ni Verna.
"She's joking tara na,lets go late na tayo kontra ni Marianel dito.
Maria Vernadeth Enero is a 27years old,pa extra extra lang sa mga tv shows na kailangan ng mga talents.
Sa hirap ng buhay kailangan nya bang mamili ng trabaho?no choice siya kundi ang kumayod.
Kung di nya gagawin yun at mag iinarte siya paano na sila ni Raven?Sa kanya lang ito umaasa at dalawa na lang sila.Napakabata pa nito wala namang ibang tutulong sa kanila dahil ulila na siya.
Naaksidente ang kanyang magulang at kapatid nung isang taon pa si Raven.Siya na ang tumayong ama't ina nito.
Sa tagal nyang nag aaplay ni isang kumpanya nganga pa rin siya.Kesyo tatawagan mamumuti na ang kanyang mata puro paasa na lang ang mga lintek na kumpanyang yan.Hindi na lang sabihin ng harapan na hindi ka bagay dito kesyo ganito ka ganyan ka!bwisit na buhay oo hindi lang pala lovelife ang paasa pati mga kumpanyang inaplayan nya.
Sabi nga ng iba bakit di na lang daw siya mag asawa sagutin ang isa sa manliligaw nya.Para kahit paano may makatuwang siya.
Maraming nanliligaw sa kanya maganda naman siya,Ang problema hindi pa nya nahahanap ang taong magpapatibok ng puso nya.
Kung mag aasawa rin lang siya dun na siya sa mahal nya ganun din ang lalaking pipiliin nyang makasama sa hirap at ginhawa.
Mahirap ng magkamali at masaktan lang.Nahanap na nga pala nya ang nagpapatibok sa puso nya.
Sa dinami dami ng nanligaw sa isang magazine pa siya na inlove sa isang taong di pa nya nakikita ng personal at sa social media niya lang nakikita.Masaklap pa sa taong enggage na sa iba..
Love ba talaga o obssesion nya lang ang pagkahaling nya sa isang tulad ni Sandro Rabello?
Whatever reason she like Sandro Rabello no matter what.
Kulang na nga lang eh magtayo siya ng fans club ng binata sa sobrang pagkahaling nya sa Brazilian male model na yon.
Wala rin namang masama kung humanga siya dun sa tao she is single kaya keribels lang.
Wapakels siya if he is enggage to someone else they say wala namang forever maghihiwalay din yan.
Baka magkapag asa pa siya.Pero wish nya lang maligaw nga ng Pinas ang binata at dito magkaroon ng project,pagnagkataon hindi nya papalampasin ang chance na makaharap ito at mayakap.
Kahit yakap lang solve na siya at baka stressed nya sa buhay ay maglahong bula.
Ang makita ito ng face to face ay ultimate goal na niya think positive ika nga ng marami.
At hihintayin nyang dumating ang pagkakataon na yon.
Bukod sa magazine na iniingatan nya meron din siyang ginawang scrapbook para sa binata na gusto nyang papirmahan in case na itadhanang magkita sila.
Madalas nya siyang asarin ng kaibigan na dinaig pa daw nya ang isang teenager at may pa scrapbook scrapbook pa siyang nalalaman.
Eh sa yon ang ikaliligaya nya kahit gumastos ng pakonti konti para lang maisingit nya ang pagpaprint sa picture nito at mabuo ang scrapbook na yon.
Walang gabi na hindi nya tinititigan ang mga larawan nito at ang magazine.
Hanggang sa nakakatulugan nyang may ngiti sa labi.
Kahit na nga sabihan pa siya ng kaibigan nya na baliw.
At baliw na baliw nga siya kay Sandro Rabello,ito ang nagpapasigla sa buong maghapon nya.Ito ang happy pill nya to give her energy and possitive vibes all the times.
_____________________________________
BINABASA MO ANG
When Obsession comes to love
RomanceMaria Vernadeth Enero-at her age of 27 na nahumaling sa isang gwapong Brazilian male model na kung asarin ng mga kaibigan ay dinaig pa ang isang teenager. Sagad hanggang skeleton ang paghanga nya sa binata na ang masaklap ay engage na sa kasintahan...