Chapter 14

3.9K 118 6
                                    


Walang kibuan ang dalawa habang nasa byahe pauwi.Hindi rin siya kinakausap ng binata simula kaninang umaga.

Hindi nakatiis ang dalaga sa pananahimik nito.

"Will you please stop the car?"galit na turan ng dalaga.

Hindi naman siya pinakinggan nito.

"Stop the car!"Sigaw nya dito.Inis nitong itinabi ang sasakyan.

"What's wrong with you?

"Its not me Sandro,Its you!!Dapat nga matuwa ka pa kasi ikaw yong lalaking nakauna sa kin eh tapos ngayon nagagalit dahil sa bagay na yon."

"You never told me na virgin ka at akong nakauna sa yo."naiinis si Sandro dahil pinagmukha siyang tanga nito.Tanggap naman na niyang dalagang ina ito pati ang anak nito.

"Problema mo lang pala na ikaw nakauna sa kin.Hayaan mo hahanap ako ng susunod sa yo."pang iinis ni Verna sa binata.

Galit na hinablot nito ang kanyang braso.

"Dont you dare!dahil may kalalagyan ka sa kin oras na gawin mo yon."banta nito na binitiwan din agad ang braso nito.

"How come na naging anak mo si Raven?

At wag mong idadahilan sa kin na nagkaanak ka kahit alam nating pareho na you were a virgin last night.Wag na wag mo ko sagutin ng papelosopo."

Napa buntunghininga ang dalaga bago sagotin ang mga katanungan nito.Its time to know her secret dahil hindi siya nito titigilan hanggan hindi niya sinasabi ang katotohanan.

"Anak siya ng ate ko.Mula ng mangyari ang accident ng parents ko kasama siya.Ako na ang umakong ina ni Raven.Ako ang nakagisnan niyang mula ng magkaisip siya.

Isang taon pa lang siya nun.At kung tatanungin mo ako kung sino ang ama nya?yan ang hindi ko masasagot sa yo.

Inilihim ni ate ang bagay na yon sa min.Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng boyfriend nya.

Ang alam ko lang ayaw ng parents ng boyfriend nya para sa ate ko.Nawala si ate ng hindi niya man lang nasasabi kung sino ang ama ng bata.At ayokong ipaalam kay Raven yon ayoko siyang masaktan.Nagkaisip siyang walang ama pati ba nam ina ipagkakait ko pa?

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.

"Lets go home!"malamig na turan nito saka pinaandar na ang sasakyan.

Sa buong byahe nila hindi na siya kinibo ng binata.

Alam nyang galit ito dahil pinagmukha na naman nyang tanga ito.

Sa dami ng pagkakataon na meron siya hindi nya pa rin ipinsalam dito.

"Baba!"malamig na utos nito ng huminto sa tapat ng kanyang bahay.

Ni hindi na nagawang kumustahin ang paslit na dati naman nitong ginagawa.

Pinaharurot nito ang sasakyan ng makababa siya.Napaiyak siya ganun na lang ba yon?

Napansin nyang iniiwasan siya ng binata.

Hindi na rin siya nito isinasama sa mga project at mga photo shoot nito.Masama ang loob niya dahil hindi pa rin siya kinakausap nito ilang linggo na ang nagdaan.

Hindi sinasadyang marinig Si Sandro na may kausap sa phone nito.

Nanlaki ang mata sa pangalang narinig nya.

Akala pa naman nya wala ng ugnayan ang dalawa.

Nagtataka siya bakit magkikita ang dalawa kung umalis na ng bansa ang babae.

When Obsession comes to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon