Aminado naman si Sandro na may something sa kanila ni Verna na hindi maipaliwanag.At hindi nya maintindihan na mas hinahanap hanap nya ang presence ng dalaga kaysa sa kanyang nobya.
Gusto man nyang iwasan ang dalaga at ibaling na lang ang atensiyon sa nobya ay hindi nya magawa.
Parang mas nahihirapan siya lalo na pag nakikita itong may kausap na ibang lalaki.
Lalong lalo na ang makita ang eksenang nakita nya sa taping.Ang eksenang kukunan ay pagsasamantalahan ng tatlong kalalakihan ang dalaga.Hindi niya hahayaang dumapo kahit ang dulo ng mga dalidi ng mga hayop na yon ang katawan ng dalaga.
Hindi nya napigil ang sarili kaya nasapak nya ang lalaking humaharass dito kahit alam niya part ito ng eksena ng dalaga.
Umiinit din ang ulo nya pag kinakausap ito ni Carl ang pinsan ng nobya.
Nakiusap ang nobya nya na sa condo unit na lang nya makituloy habang nagbabakasyon ito, at ang pinsan naman ay sa hotel pa rin.
Pumayag naman siya bukod sa fiance naman nya ang babae at dalawa naman ang room ng kanyang unit.
Hindi naman sa unit nya nag stay ang kanyang manager na si Cecil.
Mas madalas itong kasama ni Max sa isang project na wala siyang idea.
Minsan ng iniwasan ni Sandro si Verna pero siya rin ang kusang sumuko.Siya rin ang hindi makatiis na hindi ito kausapin.
Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang dalaga.
Ewan nya ba kung kinulam siya nito o ginayuma.Kahit nandyan lang sa tabi ang girlfriend ito ang hinahanap nya.
Sinusundan ng mata nya ang bawat galaw nito.
Ngayon pa lang aminado na siya sa sariling malakas ang tama nya sa dalaga.Malambing din siya sa anak nito.
Pinagbibigyan nya ang gusto ng paslit dahil di nya ito matiis at hindi rin niya pinapaalam sa fiance niya ang tungkol sa bata.
Ayaw niya pati ang walang muwang na paslit ay madamay sa gulo.
May pictorial si Sandro sa laguna niyaya nya ang kanyang fiance na sumama pero tumanggi ang dalaga.Dahilan nito nahihilo daw ito byumahe sa malayo.
Abala ang mga ito at ang pinsang si Carl sa movie marathon ng dalawa na iniwan nila sa sala bago sila umalis.
Nasa parking lot pa lang sila ng hindi sinasadyang nataponan ng iniinom ng dalaga ang white t-shirt ng binata.
"Opsss!!...Im sorry Sandro hindi ko sinasadya."hinging paumanhin ni Verna sa binata.
Hindi magkandamayaw sa pagpunas sa nabasang damit nito ang dalaga.
Puti pa naman ang suot nito na natapunan ng chocolate flavor milk tea na kanyang iniinom.Pinunasan niya ng panyo na lalo namang kumalat ang mantsa.
"Its ok!...magpapalit na lang muna aKo ng damit total hindi pa naman tayo nakakaalis."anito na bumaba ng kotse na sinundan naman nya.
"Hey its ok!ako na lang ang kukuha ng pamalit ko."ani Sandro sa dalaga.
"Samahan na kita may nakalimutan kasi ako kukunin ko na rin."Nakalimutan niya kasi ang kanyang jacket.
"Ok!"anito na sinundan niya.
Sa loob ng unit abala ang dalawa.Hindi alintana ang pelikulang pinapanuod.
Parehong wala ng saplot ang dalawa na nasa sala.
"Ohhh....Carl.....ahhh....ungol ni Hazel habang nakasabunot sa buhok ni Carl.
BINABASA MO ANG
When Obsession comes to love
RomanceMaria Vernadeth Enero-at her age of 27 na nahumaling sa isang gwapong Brazilian male model na kung asarin ng mga kaibigan ay dinaig pa ang isang teenager. Sagad hanggang skeleton ang paghanga nya sa binata na ang masaklap ay engage na sa kasintahan...