Chapter 15

4K 114 2
                                    


Ilang beses ng nasermunan ni Cecil si Sandro.Ilang photo shoot na ba ang hindi nito sinipot.

Wala rin ito ginawa kundi ang pagdiskitahan ang alak.

"Ano ba Sandro yang mga alak na yan na lang ba ang aatupagin mo?Aba Mr.Rabello yong mga photoshoot na kailangan ang appearance mo ay naghihintay sayo.Sinabi ko naman sayo kung ano mas makakabuti sa career mo yon ang gawin mo.Kung kinakailangan mag quit ka sa modeling career its up to you!

Sinabi ko naman sa yo di ba umpisa pa lang kung nagkakaganyan ka dahil kay Verna aba wag yang puro alak atupagin mo.

Kasalanan mo rin naman kung bakit ka nagkaka ganiyan.Hindi mo kakausapin yong tao tapos ngayon lumayo sa iyo hahabol habol ka.

Kayong mga lalaki talaga ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa ming mga babae."sermon ni Cecil.

"Shut up bitch!!anito na tinungga ang laman ng alak.

"Sige alak pa!Pakamatay ka dyan sa alak mo baka sakali bulagta ka na dyan sa kalasingan si Verna naman kung saan naroroon eh baka pinuputakti ng mga manliligaw.Lalo ngayon savbi mo nga at hindi naman totoong may anak ang dalaga.Ang ganda kaya ni Verna para walang lalaki ang hindi magkagusto sa kanya."ani Cecil.

Padabog na tumayo ang binata at tinungo ang kwarto.Napapangiti naman ang dalaga dahil alam niyang tinamaan ito sa mga sinasabi niya.

Naiiling na iniligpit na niya ang mga kalat nito.

"Haist.....Saan ka nakakita na Manager na slash alalay na katulong pa!!malakas ang boses niya habang nililigpit nito ang mga nagkalat sa sala.

Napag usapan naman nila ng binata kung sakaling igive up nito ang modeling career ayos lang sa kaniya.Hindi lang naman pagiging manager ang trabaho meron pang iba.

Pabalik balik na nga ang binata sa bahay ng mag asawang Micon at Giane para kulitin kung nasaan ang mag ina.Hindi siya naniniwalang hindi alam ni Micon kung nasaan ang mga ito.

Hinahayaan lang naman ni Micon kahit kinukulit siya nito na sabihin na kung nasaan ba nagpunta ang dalaga.

"Alam mo Sandro nakukulitan na ako sayo,kung alam ko ba kung nasaan si Verna sana sinabi ko na sa yo.

Naawa naman ang babae dito.Mukhang hagard na kasi ang binata.Nalaman niya napapabayaan na nito ang photo shoot na kailangan ang binata.

Nalaman nyang nag tayo pala ng bussiness ito at ang kaibigang nitong si Jorge ng isang travel agency.

Ito pala ang pinagkakaabalahan nito ng mga nakaraang buwan kaya madalas hindi nagaabot ang mga ito sa condo unit nito.Darating si Verna sa condo nito na wala na ang binata at uuwi na hindi rin nagkikita.Bussiness din pala ang pinagkaabalahan ng binata pero may mali pa rin ito dahil hinayaan lang nito ang dalaga na hindi kausapin sa mga issue nila.

Naawa naman siya dito kahit kaibigan nya si Verna gustuhin nya mang sabihin dito kung nasaan ang kaibigan ay hindi nya alam.

Umiiwas si Verna na sabihin sa kanya ang kinaruroonan nito.

"If you want Verna's back ang masasabi ko na lang sa yo Sandro ayusin mo yong gusot nyong dalawa.

Pareho nyo lang pinahihirapan ang isat isa.Kung ano yong makakabuti sa inyong dalawa gawin mo."payo ni Micon sa binata.

"Yeah right bro ikaw lang at si Verna ang makakaayos kung ano man yang problema nyo.singit ni Giane sa usapan nila.

"One more thing brod hindi mo maaalis kay Verna na nagsinungaling siya sayo.

"She's protecting Raven's sake pare.Nasa murang edad pa yong bata para maguluhan sa mga bagay na hindi nya pa maiintindihan."paliwanag ni Giane sa kaibigan.

"Your correct honey Sandro inaalala lng naman nya yong bata.

Alam naman nating lahat na wala na ang magulang nito.Si Verna na lang ang natitirang kadugo nya pwera na lang kung lilitaw ang ama nya.

Na ayon nga sa kwento sa yo ni Verna ay hindi nya alam kung sino.Inilihim ng kapatid nya sa kanila ang katauhan ng ama nito.

Naiintindihan ko si Verna kung bakit nya ginawa yon.Simula bata pa lang ni Raven siya na ang tumayong magulang nito.

Sumasakit ang ulo ni Sandro sa kakaisip kung paano matatagpuan ang dalaga.

Nitong mga nakaraan marami siyang inasikaso.

Hinayaan nya munang dumistansya sa dalaga.

Binigyan nya lang ang sariling makapag isip ganun din ito at wala sa hinagap nyang mag alsa balutan ito kung saang lupalop ng mundo.

Isa na nga sa mga inasikaso nya ang bussiness nilang tinayo nila ni Jorge ang traveling agency.

Pinagmamasdan lang naman ni Micon ang binata.

Naawa rin naman siya dito.Haggard na ang itsura nito sa dami ng problema.

Natigilan siya ng may maalala.

"Naalala ko lang,minsan nabanggit sa kin ni Verna.She's working as a receptionist ng isang private resort."ani Micon.

"Really?what is a particular place she said?interesadong tanong ng binata?nabuhayan ng loob sa narinig.

"Uh oh,...yan ang di nya nabanggit sa kin eh."

"Honey andaming private resort sa Pilipinas para naman siyang naghanap ng karayom sa bunton ng mga dayami nyan."ani Giane.

"Mama kailan po susunod si Papa dito?"tanong ni Raven sa ina.

"ahh...anak busy pa kasi si papa marami siyang inaasikaso kaya hindi siya agad makasunod dito sa tin."paliwanag niya sa anak.

Mula ng umalis sila sinabi niya sa bata na magbabasyon lang sila sa malayong lugar.Unang hinanap nito ang binata.Ang hirap para sa kanya ang magsinungaling para hindi sumama ang loob nito.

Akala niya ganun lang kadaling mag move on at kalimutan ang binata.

Kahit anong pilit ang gawin para kalimutan ito hindi niya magawa.Isa pa itong anak niya na madalas hanapin si Sandro na akala niya ay tunay niyang ama.Hindi niya naman magawang sabihin sa bata ang katotohanan.Masyado pa itong bata para maintindihan ang kaniyang sitwasyon.

Hindi niya magawang sabihin ang totoo dahil kahit siya ay nasasaktan ito na lang kasi ang pamilyang meron siya.

Kahit umaani siya ng batikos at hindi magandang salita mula sa ibang tao dahil sa pag aakalang isa siyang dalagang ina.Isang babaeng inanakan lang at iniwan ng kung sino mang lalaki lahat yon ay pinalampas niya.

Kahit maraming lalaki ang nagkainteres na ligawan siya at madidisappoint lang sa bandang hjli pag nalalaman ng mga ito na may anak na siya.Nag sacrifice siya wala siyang pakialam sa sasabihin nila ang importante sa kaniya ang kaligayahan ni Raven.Kahit sa pamamagitan ng pagkilala nito bilang ina ng bata.Alam niya kung gaano kasabik ito sa ama.Paano na kung malaman nito na hindi naman pala siya ang tunay na ina nito?Hindi niya hahayaang mangyari na masaktan ito.Lahat ginagawa niya para sa bata para sa kaligayang naidudulot niya bilang isang tunay na pamilya nito.

Kahit gaano pa siya kaabala sa trabaho hindi niya hinahayaang mawalang ng oras dito.Ganun niya kamahal ang batang itinuring niyang sariling anak.


When Obsession comes to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon