Chapter 18

4K 112 3
                                    

Masayang masaya si Verna dahil maayos na muli ang relasyon nilang dalawa ng binata.Malinaw na sa kaniya na hindi nagkabalikan ang mga ito para siyang nabunutan ng tinik.

Sobrang saya naman ni Raven at makakasama na nito ang inakalang ama hindi na daw ito aalis at magkakasama na sila.

Daig pa ni Verna ang nasa cloud9 sa sobrang saya.

Sa resort na yon mismo gaganapin ang kanilang kasal.

Lahat ay naihanda na ni Terrence bago pa ito nagpakita sa kanya.Nalaman pala nito kay Nick kung saan siya naroroon.

Nalaman nya rin na ito pala ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak.

Kilig na kilig naman siya sa nalaman sobra pa sa pinapangarap niya ang binigay ng diyos.

Panay pa nga raw ang reklamo ni Nick dahil ito pa ang ginawang delivery man ng mga bulaklak na pinapadala nito.

Marami pang mga ibinuking ang binata sa kanya na pinagtawanan nya.

Kahit anong pigil ni Sandro dito sa kaibigan ay di nagpaawat ang kaibigan.

Nagmukha tuloy shunga ang binata sa kwento ni Nick sa kanya.

Dahil huminto na nga siya sa trabaho sa kagustuhan ni Sandro,wala silang ginawa kundi ang mamasyal at hintayin ang araw ng kanilang kasal.

Talagang binawi nito ang mga araw na hindi sila nagkita ng binata.

Nag quit na pala ito sa career as a model nasa travel agency ang focus nito ngayon at sa bubuoing pamilya.

May binili rin siyang lupa na balak nilang i develop bilang isang tourist spot na resort.Isa itong Isla na may mga natural amazing beauty na taglay.

Madalas itong pag meetingan ng mga kaibigan ng binata balak nilang mag invest para dito upang lalong mapaganda ang development ng nasabing isla.

Naalala nya ang kaibigang si Marianel.Namiss na nya ang pagiging kalog nito.

Gusto nyang makasama ito at masaksihan nito ang pinapangarap nyang maikasal kay Sandro.

Hindi naman nya makontak ang dalaga dahil nagpalit na nga ito ng number.

Nabalitaan nya ring umalis na ang mga ito sa dating tinitirhan ng mga ito.

Nakausap na rin nya si Micon at invited nya ang kaibigan sa kanyang kasal.

Ngayon pa lang excited na ito sa nalalapit na araw ng kanyang kasal.

Walang pasidlan ang kagalakan nito at sa wakas daw ay matutupad na ang kanyang pangarap.

Ang pangarap na lalaking kanyang hinangad.

Ang lalaking hinangad at kanyang pinantasya.

Na sa buong akala nya ay sa isang nobela lang mangyayari.

Masaya rin siya sa pamangkin na si Raven,hindi man nya nasasabi ang totoo sa bata ay masaya siya at magkakaroon na ito ng isang buong pamilya.Mananatiling siya ang ina at Sandro ang ang amang kikilalanin nito.Hindi man niya nakilala o nalaman kung sino ang ama ni Raven sila naman ang kukumpleto sa buhay nito.

Siguro naman kahit wala na ang ate nya ay masaya na rin ito para sa anak nito.

Sila ni Sandro ang pupuno ng pagmamahal na hindi nito makukuha sa totoong pamilya nito.Wala na rin naman ang kanyang ate para kilalanin nitong ina andito naman siya na nagmamahal ng totoo sa bata.Madadagdagan na ang pamilyang meron siya.

Kahit ano pa ang mangyari sila ni Sandro ang magigisnan at makikilala nito bilang isang tunay na ama at ina ng bata hnda nilang gawin para sa ikaliligaya nito.

She loves Raven no matter what happened.

Wala siyang idea kung sino at kung nasaan ang totoong ama nito kung hindi nangyare ang aksidente marahil buhay pa ang kanyang pamilya ang kanyang ate at malalaman nila kung sino talaga ang ama ng bata.Kahit wala na ang mga ito masaya na rin siya dahil may nagmamahal na sa kanilang dalawa.

Masyado siyang masaya para isipin pa ang bagay na magpapagulo lang sa kanilang masayang pagsasama.


Dahil sumama ang tiyan ni Kim pinakiusapan nya si Marianel na siyang maging substitute ni Kim bilang abay sa kasal ng kaibigan ni Nick.

Dahil nga sa pagsama ng tiyan ng ni Kim na pilitan siyang pumalit dito.

Ang usapan susunod na lang ang mag ina sa resort na pagdadausan ng kasal.

Saglit lang naman ang byahe dahil may private plane na mghahatid sa kanila sa Panggasinan.

Wala namang problema sa damit na susuotin nya dahil pinasukat na ni Kim ito kay Marianel.Isinama siya ni Nick sa Pangasinan para sa dadaluhang kasal.

Masayang masaya si Verna ng araw na yon.

Sa wakas matutupad na ang pangarap na maging Mrs. Rabello.Nakaramdam din siya ng konting lungkot dahil wala ang kaibigang si Marianel sa impoetanteng araw niya.Hindi niya kasi makontak ang dalaga kahit si Micon ay walang alam.

Dumating din ang ina ng binata at napakabait nito.

Nagulat pa nga siya ng marunong palang magtagalog ang ina nito.Hindi msyadong dudugo ang ilong nya kung sakali.

Nalaman nyang pinay pala ang mga maid nito kaya fluent silang magsalita ng tagalog.

At isa pa sa kinagulat nya na may sariling bahay pala ang mga ito somewhere in Quezon Province.

Sobrang maraming sorpresa ang dumating sa kanya na kinagalak nya ng sobra sobra.Ntuwa siya ng makita si Marianel sa mismong kasal niya.

Natupad din na napasama ito sa mga abay nya Nagyakapan sila sa muling pagkikita.

"Bakla marami kang utang na dapat ikwento sa kin."ani Marianel bago siya ipagtabuyan nito dahil mag uumpisa na ang seremonyas ng kasal.

Para sa kanya ito ang the best gift na natanggap nya sa buong buhay nya.

Masaya ang mga kaibigan nya para sa kanya.Dumating din ang mga kaibigan ni Sandro na sina William,Jorge,Bruno,Nick,Giane at nang iba pa nilang kaibigan.

Sa sobrang saya para siyang nakalutang sa alapaap.

Ganun pala ang feeling na isang inlove at halos ng pingarap mo ay unti unting natupad.Dati pangarap niya ito pero ngayon ay magiging asawa na niya.Dahil para siyang nasa cloud nine hindi niya na namalayang kasal na sila.

Its a beach wedding garden na pinaghandaan ng kanyang asawa.

"Now you may kiss the bride!"anang pari.

Malakas na palakpakan at hiyawan ng mga nasa paligid.

"Itinaas ni Sandro ang kanyang belo at nakangiting inilapit ang mukha sa kanyang mga bibig.

"I love you sweetie"bulong nito bago siya hinalikan ng maalab."

"I love you too!"sagot nya sa binata ng matapos ang makapugtong hiningang halikan sa pagitan nilang mag asawa.Malakas na hiyawan lang ang nakapagpatigil at nakapagpahiwalay sa kanilang uhaw na labi.

"Congrats bro!!masayang bati ng mga kaibigan kay Sandro.

"Congrats brother!sa wakas natauhan ka rin akala ko magsasalawahan ka na lang forever eh."pang aasar ni Jorge.

"Gago!!hindi ako tulad mo bro!" sagot ni Sandro dito.Natahimik naman ito ng tingnan ng masama ng asawa.

"your mouth mahiya ka naman sa pare andito pa oh..."ani Verna.

:Oppsss sorry Father sorry sweetie ito kasi--"sisi nito kay Jorge na tinawanan lang siya.

Ilang biruan at kantiyawan pa ng magkakaibigan bago sila lumipat sa reception area.





When Obsession comes to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon