"Hmm......mukhang masarap yang niluto mo ah!Wow mukhang mapapalakas ang kain ko nito ah!kaya lang mukhang marami para sa ting dalawa yan,Mas mabuti iuwi mo sa bahay nyo yong matira."ani Cecil sa kanya."Ha?dalawa lang tayo?Asan si Sandro?Wala namang schedule ngayon di ba?Dont tell me may bago siyang pinirmahang kontrata?"anang dalaga.
"Whooaa....isa isa lang ang tanong mahina ang kalaban!hmmm.....Hindi yon kakain ngayon dito.Ayun maagang umalis susunduin daw ung fiancé nya sa airport.Ngayon daw darating yong gaga.Malamang hindi rin dito yon matutulog,Sa hotel ng fiance nya yon tiyak!"walang prenong kwento nito.
Natigilan siya nawala sa isip nya na darating pala ang fiance nito.
Pinagluto pa naman nya ito ng ginataang manok na may pinya.Nagluluto lang naman siya pag nasa unit maghapon ang mga ito.Bilang PA nito kasama din siya sa mga lakad.Siya ang nag aasikaso ng mga kakailanganin ni Sandro.Disappointed siya sa nalaman.Pinaghandaan niya pang ipagluto ito ng specialty niya yon naman pala kasama ang babaeng yon.
"Ikaw ha!akala mo di ko pansin Verna malala na yan...!!!ani Cecil na naglalagay ng plato sa mesa.
"Ha?anong malala?"naguguluhang tanong nya dito.
"Pag-ibig na yan!!ikaw ha iba rin yang da moves mo eh.Yong bata ang nakapagitan happy family ang peg!malapit na eh bigla lang may dumating na asungot."kantiyaw ni Cecil dito.
"Oi ha wala ko alam sa sinasabi mo....hindi ko ginagamit yong anak ko.Malay ko bang papayag siyang magpanggap na ama ni Raven."
"Swerte mo mabait yong tao sa bata.Alam mo kasi pinagdaanan na rin nya yan.Galing din siya sa broken Family kaya ginawa nya yon para sa anak mo kaya pasalamat ka pero may problema ka girl pag nalaman yan ng fiance niya."anito kay Verna.
Ngayon lang nalaman ni Verna ang bagay na yon.kaya pala ganun na lang ito sa bata.
Nakaka touch namang malaman na pinapahalagahan nya ang anak nya.
Ilang beses na nga silang lumabas.
Nag lambing ang anak nya dito kaya ipinasyal nito na kasama siya.Ilang na ilang naman siya sa ginagawa nito.Isa pa nga pala problema niya baka awayin siya ng nobya nito pag nalaman na papa ang tawag ng kanyang anak sa fiance nito.
"Hoy natigilan ka na dyan!"sita dito ni Cecil.
"Ha?may tinatanong ka?
"Ang sabi ko malaking problema yan pag nalaman ng fiancé nya.Matagal ko ng kasama sa work yang si Sandro at wala kong tiwala dyan sa fiancé nya.Pakiramdam ko may ibang ginagawang kababalaghan yang fiance niya eh.Masyadong maarte ang isang yon,akala mo sawa na ayaw pakawalan ang alaga ko kung makalingkis.Alagad ata ni Valentina ang babaeng yon.
Sinundo ni Sandro sa airport ang fiance nya.Pero bakit ganon?Parang wala yong excitement pag magkikita sila.Parang bored pa siya sa paghintay dito samantalang ilang minuto na lang ang hihintayin nya.Siguro pagod lang siya kaya ganon ang pakiramdam nya.Isang linggong busy siya sa project nila.
Nang matanaw ang nobya ay nilapitan na nya ito,na agad namang lumingkis ang mga braso sa kanyang batok at hinalikan siya.
"I miss you hon"!!humahaplos sa dibdib nyang sabi nito.
"I miss you too."walang ganang tugon ng binata dito.
Isang tikhim ang nagpatigil sa kanila ng humalik ulit ang nobya.Biglang kumalas ito sa kanya at pinakilala siya.
Hindi nito sinabi na may kasama pala ito.
"Ahmm...by the way Sandro meet my cousin Carl."pakilala nito sa fiance.
BINABASA MO ANG
When Obsession comes to love
Roman d'amourMaria Vernadeth Enero-at her age of 27 na nahumaling sa isang gwapong Brazilian male model na kung asarin ng mga kaibigan ay dinaig pa ang isang teenager. Sagad hanggang skeleton ang paghanga nya sa binata na ang masaklap ay engage na sa kasintahan...