Magdadalawang buwan na siyang nagtatrabaho sa resort at nakasanayan na ng dalaga ang buhay sa resort.Umiikot lang ang buhay niya sa dalawa.Sa trabaho at kay Raven wala siyang panahon sa mga lalaking nagpapalipad hangin sa kanya.Sa iisang lalaki lang tumitibok ang puso niya.Kahit anong gawin niya para mavura sa sisyema niya ay hindi niya magawa.Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya.
Naiisip niya pa lang na masaya na ang mga ito lalo na at magkakaanak na pala ang binata sa Hazel na yon.Napakaswerte naman nito kahit harap harapang ginago siya nagawa pa ring tanggapin ng binata.Ganun siguro kamahal nito ang babae at nasasaktan siya.
Baka nga natuloy pa ang kasal ng mga ito dahil enggage naman talaga ang mga ito hindi tulad niya na nag assume lang na mamahalin ng binata.Hindi porket may nangyari na sa kanila ay mamahalin na siya ng binata.Umasa lang pala siya sa wala.
Kinikilig ang kaibigang si Gwen sa tuwing makakatanggap siya ng bouquet of flowers.
Hindi naman nya alam kung kanino ba galing ang mga ito.
Madalas ngang tuksuin siya ng mga kasamahan.
Tulad ngayon kapapasok nya lang.
Naabutan nya ang isang bouquet of rosses sa kanyang mesa.
Kung ang mga bulaklak na natanggap ay walang card ang isang ito naman ay may card ng kasama.
Inuna nyang tingnan ang card na nakalakip sa mga bulaklak.
"I miss you babe!"
Walang nakalagay kung sino ang nagpadala nito sa kanya.
"Oh my gosh...grabe ka na girl.
"Ang sweet ng secret admirer mo ha...tukso ni Gwen sa kanya.
"I have no idea kung sino man ang nagpapadala nito sa kin.
Magmumukhang flower shop na ang cottage ko sa araw-araw na may natatanggap ako.
"Hindi kaya si Sir Nick ang nagpapadala sa yo niyan?curious na tanong ni Gwen kay Verna.
"Grabe ka naman hindi naman siguro.
"Mabait lang si Sir Nick.Mukha siyang suplado kung titingnan pero grabe mabait naman pala siya."
"Infairness super gwapo pa!kinikilig si Gwen halatang crush nito si Nick.
Walang sawang nakakatanggap siya ng mga bulaklak. Pagdadating siya sa reception area kung saan siya nakatoka.
Ang iba naman ay pinamimigay na lang nya.
Saan pa ba nya ilalagay ang mga yon sa sobrang dami na.
Naisipan nyang pumasok ng mas maaga sa oras ng pasok nya.
Nakita nya ang super gwapong amo nila na iniwan sa kanyang mesa ang bunch ng mga roses.
Natigilan siya wala naman itong pinapakitang may balak itong manligaw sa kanya.
Naikwento nya kay Gwen ang nakita nyang pag iiwan ni Nick ng bulaklak sa kanyang mesa.
"Ayiiii......oh my gosh!!"tili nito.
"Hinaan mo nga yang boses mo baka may makarinig sa yo."saway ni Verna sa dalaga.
"So sasagutin mo na ba siya?mahinang tanong nito.
"Sasagotin?hindi nga nanliligaw sa kin yong tao ano ka ba!?Parang hindi yata yon ang pakiramdam ko pag kausap ko siya.Friendly lang yong tao."ani Verna
"By next week magiging busy na tayo nyan",
"Why?hindi pa naman peak season ah?"
"Nabalitaan ko kasi nxt month may kasalang magaganap dito sa resort kaya ngayon pa lang abala na ang lahat.
BINABASA MO ANG
When Obsession comes to love
Roman d'amourMaria Vernadeth Enero-at her age of 27 na nahumaling sa isang gwapong Brazilian male model na kung asarin ng mga kaibigan ay dinaig pa ang isang teenager. Sagad hanggang skeleton ang paghanga nya sa binata na ang masaklap ay engage na sa kasintahan...