Chapter 6

4.6K 116 2
                                    

Dumaan muna sila sa fruit store para bumili ng mga sariwang prutas na dadalhin kina Verna.

"Tama bang dumalaw tayo kina Verna?tanong ni Sandro kay Cecil habang nagmamaneho ng sasakyan.Umikot ang mga mata ng dalaga sa turan nito.

"Oo naman!paano naging mali yun?dadalawin natin yung anak nyang may sakit".

"Pero dipende rin sayo!"dugtong nito.

"Dipende saan?What do you mean?naguluhang tanong nita sa dalaga.

"Kung dadalaw ka dahil manliligaw ka"!asar nito.Binato nya ng tissue ito.

"Gaga ka ba?FYI may nobya na ko kung anong kalukuhan pumapasok sa utak mo."ani Sandro.

"yeah I know!malay ko ba nagbago na taste mo!Narealize mo iba na pala tinitibok ng puso mo,"pangbubwesit ng dalaga dito.

"Naks!parang totoo lang ah...dont tell me inlove ka kaya nasabi mo yan.Asan si boyfie?ganting pang asar nito sa kanya.

"Feeling mo naman sa kin walang naging boyfriend maktol nito."

"Ah kaya siguro wala ka pang boyfriend,umaasa kang balikan ng naging syota mo noon.Hindi ka pa naka move on noh!?"

"Let me guess si Dodong na patay na patay sa yo."! Lakas ng tawa nito sa kalukuhang naisip.

"Letche ka!Maka Dodong to wagas..Kabagan ka sana sa kakatawa mo".ani Cecil na pinulot ang nalaglag na tissue na binato nito.

"Seriously,hindi ba magalit sa atin asawa ni Verna?nakakahiya naman baka kung anong isipin nun?"

"Kahit manligaw ka pa ok lang,Anong nakakahiya dun.banat ni Cecil dito sa pagkainis sa biro nito kanina.

"Seryoso tanong ko,di ka nakakatuwa....

"Hmmmp...Ok sa pagkakaalam ko single mom si Verna.Wala siyang asawa.At sa pagkakaalam ko rin matagal na silang iniwan.Sanggol pa lang yong anak nila.

"Really?Napakawalang hiya naman ng gagong yun.Ano siya nagpasarap lang tapos iiwan lang ng ganun na lang ang mag-ina nya.Napaka walang kwenta naman niya hindi niya naisip yong bata ang maapektuhan."

"Sinabi mo pa...konti na lang kasi ang matinong lalaki sa panahon ngayon.

At kung sa kin mangyari yon?Naku ililibing ko ng buhay ang magaling na lalaking yon..

"Pero bago yun puputulin ko muna ang kaligayahan nya at ipapakain ko sa aso gigil na reaksyon ni Cecil.

"sssshhh....relax lang at wag ka maingay baka may makarinig sa yo nyan eh mawalan ka ng pag asa na magkajowa."sabay tawa ng malakas.

Matatalim na irap ang ibinato ng dalaga dito."bwisit ka Sandro pasalamat ka ako lang ang manager nagtitiyaga sa yo".

Kaliligo lang ni Verna at nagbibihis ng may kumatok sa pinto.

"Sandali lang!"sigaw ni Verna.Nagmadali na siyang nagbihis.Hindi na sinino kung sino man ang kumakatok.

Parang natuklaw ng ahas ng makita kung sino ang kanyang panauhin.Namutla siya ng makita ang binata.Hindi nya akalaing pupunta ito sa bahay nila.

"Morning!nakangiting bati ng binata dito.

Hindi siya nakakibo.Ngayon lang ito na ligaw sa bahay nya.

"Hey!parang natuklaw ka ng ahas dyan?hindi mo man lang ba kami papasukin?Well kahit di mo sabihin I welcome myself na lang",anito na pumasok na at linapag sa mesa ang mga prutas na dala dala.

"Well?Kumusta nam-- hindi nito natuloy ang sinabi ng may batang biglang yumakap sa kanyang mga binti.

"Papa!"sigaw nito na mahigpit na mahigpit na yumakap.

Naguluhan ang binata.Nagtatanong ang mga mata nitong pinaglipat ang tingin sa dalaga at sa paslit.Namumutla na ang dala at halatang kinakabahan.

Napataas ang kilay na nakamasid lang sa kanila si Cecil.May halong pagtataka rin ito sa nakikita.

"What's the meaning of this?takang tanong ng binata.

"Ah e....hindi malaman ni Verna ang isasagot ng mga oras na yun mariing naipikit ang mga mata.

"Lord help me"bulong sa isip nya.Gusto nyang magpaliwanag sa kaharap pero nakikita naman nyang masasaktan ang bata.Hindi nya alam kung anong salita ang lalabas sa kanyang bibig.Hindi nya alam kung sino uunahin ang boss nya o ang feelings na nararamdaman ng anak nya.

"Ah.....a-anak...bitiwan mo muna siya.

Inilayo ang bata dito pero umiyak ang musmos.Ayaw nitong bumitaw sa pagkakayakap kay Sandro.

"Di ba siya ang papa ko!Ngayon ko lang siya nakita.Hindi ko ba siya pwede yakapin?

"Hindi mo na ba ako mahal papa?miss na miss na kita papa" umiiyak itong nakatingin sa binata.

Lalong naguluhan ang binata sa nakikita.Hindi naman makapagsalita ang ina nito.

"Hmm Sandro...I....kinakabahan siya kung anong ipapaliwanag dito na hindi masasaktan ang anak.

"Yeah I need your explanation later..putol nito sa sasabihin ng dalaga.

"Come here little boy" utos nito sa paslit.

Walang pag alinlangan na sumugod ito ng yakap umiiyak ito habang mahigpit na nakayakap.Nauunawaan nya kung bakit ganito ang bata.Kahit yong mayakap siya nito sa pag aakal

"Papa"

"Sssshh....stop crying baby...baka makasama sa yo yan...di ba may sakit ka?alo nito sa paslit na pinunasan ang basang pisngi nito.

"Wala na po akong sa lagnat Papa"magaling na po ako kasi nakita na kita..

"Papa wag nyo na po kaming iiwan ni Mama ha?"anito na nakatitig sa binata.

Nakakandong ito habang nakayakap.

Wala sa loob na sumagot ang binata.

"Oo naman baby"Nakaramdam siya ng awa sa batang nasa kandungan niya.

"Promise po yan Papa?"masigla na ito at nakangiti.

"Promise!"stop crying ok alo nito sa paslit.

Nagbabanta ang mga mata nitong nakatingin kay Verna.Himala namang biglang lumakas at wala na ang lagnat nito.

"Are you sure baby na magaling ka na?Nakainom ka na ba ng gamot?"

"Opo papa nakainom na po ako ng gamot pinainom na po ako ni mama bago ka dumating.Tsaka papa look oh magaling na po ako siguro po kasi darating ka kaya pinagaling agad ako ni Papa God.Namiss po kita papa ang tagal mo pong dumating eh"

Hinayaan niyang siya ang magpakain sa bata.

Naglalambing ito sa kanya kaya hinayaan nya lang ito.

Nakipaglaro din ito pero sinuway nya baka mabinat ito.Mamaya kakausapin nya si Verna kung anong mga kalukuhan ang tinuturo nito sa anak nito.

He needs her explanation kahit abala siya kay Raven sumusunod naman ang paningin niya sa dalaga.Halatang hindi ito mapakali at kinakabahan.

He want to wreng her beautiful neck para paasahin ang bata.Sa pagsisinungaling nito paano na lang kung hindi nya hinayaang makalapit ang bata sa kanya at kinotra ito sa pag aakalang siya ang ama nito di nasaktan nya ang walang kamuwang muwang na musmos.

Pinaglalaruan niya ang mga daliri sa kamay dahil kinakabahan siya.Masasamang tingin ang pinupukol ng binata sa kanya.

"ahhh god help me! bulong nya dahil hindi nya magawang salubungin ang mga tingin ni Sandro.Hindi nya rin maintindihan kung bakit hinayaan rin nito ang sarili na magpanggap sa harap ng kanyang anak.



When Obsession comes to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon