Kabanata 13

8 2 0
                                    

"Sobrang excited na ako para bukas!"

Parang uod na binudburan ng asin si Azraela sa kaniyang higaan. Sunday ngayon at bukas ay Year End Party na namin. Halos buong linggo na iyon ang pinag-uusapan sa buong campus, nabawasan din kasi ang gawain namin dahil do'n.

Itinago ko ang ngiti ko habang nagbabasa ng libro. I just love her reactions, ang natural at saka genuine. Nasa kusina si Zahrah at nagluluto ng ulam namin, samantala si Isla naman ay nagbabasa ng libro niya na tungkol sa mga batas. Mahal 'yon, sigurado ako.

"Maaga tayong gumising para makapag-ayos!" Dumapa si Azraela sa kama upang maharap ako.

"Mukhang ngayon mo lang totoong pakikinggan ang alarm mo, Azraela," sabi ni Isla mula sa baba.

"Hindi ba kayo excited? Lalo ka na, Isla. This is the time for you to have fun. Mas'yado kang bookworm. Feeling ko hanggang sa pagtulog mo ay nagsasaulo ka ng mga batas."

"I have fun in reading, Ryla."

Muli na naman akong napangiti. Gustong-gusto ko silang pinakikinggan kapag nag-uusap sila. Azraela is like a baby sister to us, kahit na magkakaiba kami ng hilig, pagdating sa kaniya ay parang interesado ang lahat.

"Isang araw lang naman, eh! Come on, aayusan kita bukas."

"Bakit hindi na lang si Lillianna? Pinag-iisipan ko pa kung a-attend ako bukas."

"Ano ka ba naman! Um-attend ka, masaya 'yon! Sinasabi ko sa'yo, Isla. Kailangan mo rin na lumabas sa totoong mundo. Make memories, okay? For you to have something to look back in the future."

"Ano 'yan? Nagd-deep talk ba kayo?"

Pumasok si Zahrah sa kuwarto dala ang niluto niyang sinigang na baboy. Nanoot ang amoy nito sa buong kuwarto at halos sundan ko ang usok na nagmumula roon. Gustong-gusto ko ang luto ni Zahrah, hindi maitatanggi na magaling talaga siya magluto.

"I'm just telling Isla that she needs to have fun too," sagot ni Azraela sa tanong niya. "It's okay naman to prioritize your studies and your dreams, girls. Pero masarap din ang mabuhay na ini-enjoy ang moments with your friends. There's love in friendship, okay?"

"Pa'no 'yan? Wala naman kasing kaibigan si Isla sa mga kaklase niya," natatawang sabi ni Zahrah.

Inilapag nito ang palayok na dala niya sa mesa at kinuha ang mga pinggan at kubyertos namin. Bumaba ako para tulungan sana siya kaso ay mabilis itong natapos. Palagi talaga niya kaming inaasikaso na para bang nakasanayan na niya iyon.

"E'di puntahan natin siya. Magkita-kita tayo bukas, gusto ko rin naman kayong maka-bonding. Kahit kami na ni Lili ang pupunta sa inyo."

"Oo na, pagbigyan na natin ang Prinsesa."

Kumain na rin kami pagkatapos no'n. Tahimik pa rin si Isla na tila ba mayroon pa ring iniisip, habang kaming tatlo naman ay marami nang napagkuwentuhan. Kami ni Azraela ang naghugas sa mga nagamit namin at hanggang sa lababo ay nag-uusap kami.

"Grabe, ang ingay n'yo!"

Lumabas si Heyzel sa kaniyang kuwarto habang nagkakamot ng ulo. Sa hitsura niya ay mukhang kagigising lang nito. Dala niya ang maliit niyang takore, mukhang magpapainit ng tubig. Mahilig din kasi itong magkape.

"May susuotin ka na bukas?" Tanong ni Azraela sa kaniya.

"Last week pa siguro meron 'yan," natatawang sabi ko.

Knowing Heyzel's personality, siya 'yong tipo ng tao na malayo pa ang event ay naghahanda na. Ayaw niyang napag-iiwanan siya, gusto niyang makipagsabayan sa mga kaklase at nagagawa niya naman 'yon.

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon