Kabanata 9

10 2 0
                                    

Tahimik akong naglakad sa corridor patungo sa library. Marami nang nagkalat na estudyante dahil break time na ng grade 11. Inaya ko si Azraela pero ang naging sagot niya sa akin ay baka mapalabas lang daw siya dahil sa kaingayan niya. Hindi rin kasi nito hilig tumambay sa library kahit pa mahilig siyang magbasa. Magkakasama silang tatlo ngayon nila Yoshi at Shantal.

Azraela is getting along with our classmates. I am not. Kinakausap lang ako kapag tungkol sa acads, hindi para sa random talk o mga biruan. Ayos lang naman ako ro'n. Mas gusto ko ng mas maliit na circle of friends at mas tahimik na buhay. Ang dami ko nang nakitang friendship na hindi naman gano'n ka-worth it i-treasure. I've heard some circle of friends backstabbing each other. I don't want to waste my time with people just to fill the gap of being a teenager.

Agad akong binalot ng lamig pagpasok ko sa library. Bilang lang sa kamay ang tao roon at gustong-gusto ko ang katahimikan sa buong lugar. Naglagay ako ng pangalan sa log book at dumiretso sa shelves ng Senior High. May mga teen fiction dito at saka mga libro na subject ng tatlong strand na meron ang school.

Nilingon ko ang shelves ng college. Makita pa lang ang iba't ibang educational books ay nasasabik na ako. Ang sabi ni Travis ay ayos lang naman basta magpaalam lang sa librarian kaso nahihiya akong magsabi. Hindi ko alam kung paano ito i-a-approach.

Nakaramdam ako ng panghihinayang at namili na lang ng libro sa shelves ng Senior High. Pinili kong pumwesto sa bakanteng lamesa at tahimik na nagbasa. Sa ganito ako payapa. Ito ang gusto ko, hindi ang makisalamuha sa mga tao na bandang huli ay aalis din dahil wala na 'yong mga bagay na dahilan ng koneksyon n'yo.

Mabilis akong nag-angat ng tingin nang may maglapag ng libro sa lamesa. Napakurap-kurap ako nang makita sa aking harapan si Travis. Umupo siya sa katapat kong upuan at nakipagtitigan sa akin na para bang iyon ang normal na gawin namin dito sa library. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya dahil do'n.

"I borrowed a book for you, ako na rin ang magbabalik."

Muli akong napatingin sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang magkausap kami sa phone kagabi ay sobrang komportable ko, hindi ko naman alam na kakabahan ako ng ganito kapag personal na siyang nakipag-usap sa akin.

Ibinaling niya ang atensiyon sa isa pang libro na dala niya. I guess that's for him. Tahimik na siyang nagbasa pagkatapos no'n at wala nang ibang sinabi. Kinuha ko ang librong binigay niya at hindi ko napigilan ang maliit na ngiti nang mabasa ang nasa title page ng libro.

Introduction to psychology.

Ang sarap sa pakiramdam, para akong batang napagbigyan sa paborito kong pagkain na hindi ko masabi-sabi.

Hindi ko namalayan ang oras. Siguro gano'n nga talaga kapag nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo, naka-focus ka lang sa bagay na 'yon at hindi sa iba, maging sa pagtakbo ng oras. Kung hindi pa sinabi ni Travis ay hindi ko mapapansin na patapos na ang break time namin. Kagaya ng sinabi niya ay siya ang nagbalik ng libro. Inilapag niya lang iyon sa lamesa na lagayan ng mga ginamit na libro at librarian na ang magbabalik sa tamang bookshelf.

I didn't want to be rude so I waited for him. I guess we're casual. Hinawakan niya ang pintuan para sa akin at nauna akong lumabas. Damang-dama ko sa aking balat ang biglaang pagtama ng singaw ng init. Hindi ko mapigilan ang paglingon kay Travis. He's so tall, it's intimidating.

"Where are your friends?" He started a conversation while we were walking on our way to our classroom.

"Canteen," tipid kong sagot.

Pakiramdam ko ay napag-usapan na namin 'to dati. Palagi rin naman kaming nagkakausap no'n, hindi ko alam kung bakit mayroon pa rin akong nararamdaman na pagkailang. Ayokong mag-assume at bigyan ng malisya ang kung ano mang meron sa aming dalawa. Siguro hindi ko lang ito maunawaan dahil hindi pa naman ako nalalapitan ng ganito ng kahit sinong lalaki. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ko iniiwasan si Travis, kagaya ng ginagawa ko sa iba.

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon