Kabanata 16

11 2 0
                                    

Kaharap ko ngayon ang tatlong kasama ko sa Practical Research 1. Pinagtipon-tipon kami ng aking subject teacher nang matapos ito sa pagd-discuss. Tanging mga bulong lang ang maririnig sa classroom dahil sa takot ng lahat sa aming malamig na teacher sa PR1.

"Magbigay kayo ng suggestion," marahang sabi ko sa mga kasama.

Ako ang leader ng aming grupo, nakabase iyon sa grades namin last sem. Topic pa lang naman ang ipinapapasa ni Ma'am sa amin. Maraming pamimilian. We are in STEM strand and we can get a topic from science, technology, and engineering. Kailangan kasi ay connected sa strand namin ang aming magiging research.

Tinignan ko ang aking mga kasama. Umiwas ng tingin si Lucio, umaktong nag-iisip si Paulo, at lumapit naman sa akin si Chiella. Naghintay ako ng suggestion nila habang nagsusulat ng mga naiisip kong topic. Sa huli ay si Chiella lamang ang nakapagbigay ng suggestion pero nang ipasa ay walang naaprubahan.

"Mas'yado na 'yang common. Mag-isip pa kayo."

Hindi ko na mabilang kung pang-ilan iyong tanggi ni Ma'am sa pinapasa naming topic sa kaniya. Bagsak ang balikat na bumalik kami ni Chiella sa aming mga kagrupo. Napanguso ako habang nag-iisip ng panibagong topic. Ang dalawang lalaking kasama namin ay wala pa ring naiaambag hanggang ngayon. Nagbibigay man ng suggestion si Paulo ay hindi naman kumpleto.

Nang maituro ni Ma'am ang format sa pagsusulat bg title ay hindi na topic lang ang ipinapapasa niya sa amin kundi ang mismong title na talaga ng magiging research namin. Tingin ko mas nadalian pa akong mag-isip do'n dahil specific na. Unlike naman sa topic na sobrang lawak, mas mahirap mag-brainstorm.

"Teh, ayoko na. Sobrang dami ng pinasa ko kay Ma'am, wala man lang siyang inaprubahan."

Tinanggal ni Yoshi ang salamin niya sa mata at pinatong ang ulo niya sa lamesa. Nakanguso ito at parang batang inaway. Medyo magulo ang may kahabaan na niyang buhok.

"Sumuko ka na, beh..." marahang sabi ni Azraela at tinapik siya sa likod.

Mas lalong sumimangot si Yoshi.

"Sa amin ang sabi ni Ma'am ay puwede na 'yong napili naming topic, ayusin na lang 'yong title."

Napalingon kami kay Shantal dahil sa kaniyang sinabi. Sila ang isang grupong tila magaan ang usad at mayroong progress. Ngumuso ako. Lahat kaming magkakaibigan ay napiling leader. Shantal, Yoshi, Azraela, at ako. Ngayon ay pare-pareho naman kaming mukhang stressed.

"Milk tea tayo mamaya," ani Yoshi at bumangon.

"Sige, after class," mabilis kong sang-ayon.

Umayos lamang kami nang dumating na ang teacher namin para sa susunod na subject. Hindi ko gaanong naunawaan ang itinuro nito dahil lumulutang ang isip ko habang nagtuturo siya. I don't get my brain sometimes too. Ang random ng mga biglang pumapasok sa isip ko, kagaya na lamang ng mga puting tupa. Hindi tuloy ako maka-focus sa klase.

Pagkatapos ng klase sa araw na 'yon ay inaya agad kami ni Yoshiro sa malapit na bilihan ng milk tea. Maraming student na galing sa iba't ibang school nang dumating kami roon. Nang makita pa lamang ang haba ng pila ay tila gusto ko nang umuwi.

"Huy, nakita niyo ba 'yon? Ang pogi."

Hinanap ng aking mga mata ang tinuturo ni Yoshi. Nasa bilihan ng milk tea ang mga mata niya. Papalapit pa lamang kami ay nag-boy hunting na agad siya.

"Sa'n naman diyan?" Tanong ni Azraela.

"'Yong nakasalamin na may black na bag, teh."

"Eh? Ano'ng pogi diyan?"

"'Yong mukha niya, alangan naman 'yong paa."

"Alam mo, magkaiba talaga tayo ng type."

"Pake ko sa type mo, basta type ko 'yan. Bilisan niyo, tumabi tayo sa kaniya."

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon