Kabanata 28

4 0 0
                                    

Tahimik ang buong paligid at ang tanging maririnig lamang ay ang ingay na nagmumula sa TV. Nanonood sina lolo at lola habang nasa kuwarto naman ako at kausap si Travis sa messenger. Mukhang tulog na si Amber dahil kung hindi pa ay naririnig ko na ang iyak o kaya hindi naman ay ang halakhak niya.

Maghapon kami sa Parang kanina. Hinintay pa namin ang paglubog ng araw bago kami umuwi. Mas masaya na naman ang biyahe nang hapon dahil hindi mainit at masarap ang hangin. Kahit nang nasa daan na kami ay hindi pa rin maawat ang kuwentuhan.

Travis Ezequiel Viglianco:
Ang ganda riyan sa inyo. I'm also happy that you had fun with your cousins. Mukhang close na close kayo sa isa't isa.

Lillianna Elizabeth Alarcon:
Oo, magkakasama kaming lumaki, eh. Nagkahiwa-hiwalay lang kami noong may mga umalis na para mag-aral.

Travis Ezequiel Viglianco:
Kung may choice ka ba, mananatili ka sa inyo at hindi na mag-aaral sa siyudad?

Hindi ako nakasagot agad sa sinabi niya. Matagal akong nakatitig sa cellphone ko. Ano nga ba? Hindi ko alam. Nagpapatuloy lang naman ako nang hindi alam ang patutunguhan. Tinatahak ko lang din 'yong daan na nasa aking harapan.

Lillianna Elizabeth Alarcon:
Siguro, mas gusto kong manatili rito sa tahimik na probinsiya, eh.

Travis Ezequiel Viglianco:
Do you want to live there when you already have a family?

Lillianna Elizabeth Alarcon:
Oo dahil bukod sa nandito ang pamilya ko ay mas gusto ko ang tanawin dito.

Travis Ezequiel Viglianco:
We'll live there, then. I promise that I'll give you what you've dreamed of when I already can.

While reading his message, a sudden memory flashed at the back of my mind. Pamilyar ang mga salita. Nasabi na sa akin ang mga 'yan dati. Ayokong maging negatibo ngunit naaalala ko kung paanong pinuno ako ng pag-asa sa pamamagitan ng mga pangako pero sa huli ay ito ako, nangangapa sa daang hindi pamilyar sa akin para lamang matupad 'yong pangakong hindi ako ang nagbitaw.

Maraming pag-uusap pa na gano'n. Sa kabila ng kawalan ko ng tiwala sa mga pangako ay nag-iiba ang pananaw ko kapag kay Travis nanggaling. He is like a new hope for me to dream bigger. Sandaling panahon pa lamang kaming magkasama pero kasama na siya sa pangarap ko. Balang araw, gusto kong maging malaya kasama siya.

Nang magkaroon ng oras upang kausapin si lolo ay tinanong ko siya kung nabanggit niya ba ang tungkol kay Travis. Hapon iyon at nagkakape siya sa labas ng bahay. Umupo ako sa tabi niya at agad niya akong napansin. He smiled gently, acknowledging my presence.

"Nasabi niyo po ba kay lola 'yong tungkol kay Travis?" Marahan kong tanong.

"Wala akong sinabi sa kaniya. Hindi naman kita dapat pangunahan dahil kahit pa kami ang magulang mo, may sarili ka pa ring desisyon."

Sinabi niya 'yon sa aming diyelekto. Napangiti ako at pinagmasdan ang mga manok na nagkalat sa bakuran. Kahit na hindi ako nagsasabi sa kanila tungkol sa nararamdaman ko, hindi nabigo si lolo na iparamdam na nandiyan lang siya. Sa buong pamilya namin, siya ang higit na nakakakilala sa akin at naging komportable na rin ako sa kaniya.

Mabilis na lumipas ang araw. Siguro gano'n talaga kapag hindi mo napapansin ang oras. Araw ng Linggo at magsisimba kami ng mga pinsan ko. 9:30AM ang simula ng simba pero maaga pa ay nasa bahay na si Jasmine at sinusundo ako. Dadaanan na lang daw namin sina Leona at Charlotte sa kanila.

Habang gumagayak ako ay kinakausap niya naman si Amber. Madalas din ang mag-ina rito sa bahay dahil pinupuntahan nila sina lolo at lola. Nakikita ko ang sarili ko kay Amber. Noong bata pa ako ay palagi akong sumasama kina lolo at lola, kilala ako sa Barangay namin bilang apo nila dahil palagi akong nakabuntot sa mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon