Kabanata 25

6 0 0
                                    

Pagkatapos ng examination ay wala nang ginagawa sa school. Nagc-comply na lang ang mga may kulang, samantala kaming kumpleto naman ang outputs ay mga nakatambay na lang sa school. Tinatamad na nga akong pumasok pero nag-guilty naman akong um-absent. Mabuti na lang ay nariyan naman ang mga kaibigan ko kaya hindi ako nababagot.

"Sino'ng cleaners ngayon? Ang dumi ng classroom, oh!" Sabi ni Hannah sa mga kaklase naming may kani-kaniyang mundo.

"Mamaya lang naman! Maglilinis ngayon tapos makalat na naman mamaya," agad na sagot ni Krisha.

"Responsibilidad ng cleaners na panatilihing malinis ang room."

"Hoy, kung disiplinado kayong tao, responsibilidad niyong panatilihing malinis ang kapaligiran niyo."

Nagsigawan ang mga lalaki sa likuran dahil sa sagutan ng dalawa kahit na nagbibiruan lang naman ang mga ito. They are actually friends. Sinadya ni Hannah na sabihin 'yon para asarin ang kaibigan niya.

"Oh, ano'ng nauna itlog o manok?" Sabi ni Christopher, nagsisimula na ng debate sa dalawang kaibigan.

"Itlog!" Mabilis na sagot ni Krisha.

"Pa'no magkakaroon ng itlog kung walang mangingitlog? Nauna ang manok!" Sabi naman ni Hannah.

"Oh, bakit? Saan ba nagmula ang manok? 'Di ba sa itlog?"

"Eh, sino'ng nangitlog sa itlog na pinagmulan ng manok? Nauna talaga ang manok! Tapos humayo lang siya at nagpakarami kaya nagkaroon ng itlog."

"May process diyan. That's already explained in science. Before a chicken, become a chicken, it was first an egg."

"Wala, paulit-ulit lang 'yang sinasabi mo! I-defend mo 'yan, bakit nauna ang itlog?"

"Itanong mo sa mama mo, buwisit."

Nagtawanan kami sa naging tugon ni Krisha kay Hannah. Maaga pa lang kaya naman sobrang tataas pa ng energy namin, lalo pa at wala namang ginagawa. Hinihintay na lang namin na maibigay ang grades nanin.

Sa sobrang pagkabagot yata ng section namin ay namalayan ko na lang na naglalaro na kaming lahat sa loob ng classroom. Isinara nila ang mga pinto at bintana, inayos ang mga upuan, at saka kami naglaro ng role play. Hinati namin ang buong section sa dalawang grupo kung saan may dalawang kaharian na magkaalitan.

"Ako 'yong Prinsepe tapos ikaw 'yong Prinsesa," sabi ni Miguel sa kaibigan.

Mabilis na napangiwi si Sebastian. "Ano'ng ako? Ikaw ang Prinsesa at ako ang Prinsepe."

"Tangina naman. Sige, kabayo na lang kita."

"Inang 'yan, ikaw na lang ang kabayo!"

"Sige, kabayo na lang tayong dalawa! Hoy, Diego, ikaw na ang Prinsepe!"

"Tangina n'yong dalawa, 'wag na kayong sumali."

Magulo sa buong classroom namin. Hindi ko rin alam kung bakit nagkasundo kaming lahat na gawin ito. Magkalaban ang kaharian namin at ang kaharian ng nasa kabilang column, bihag nila ang Prinsesa namin at kailangan namin itong iligtas.

"Romeo! Romeo!" Madramang sinabi ni Julianna, ang Prinsesa namin, habang naglalabanan na sa gitna ang dalawang grupo.

"Oh, mahal ko, ipagpatawad mo ngunit mukhang hanggang dito na lang ang ating pag-iibigan!" Tugon naman ni Hector.

"Sugod! Ubusin ang kanilang angkan!" Sigaw ni Ian at saka nagsalubong ang mga lalaki sa gitna.

"Tanga, manguha ka ng armas mo!" Sigaw ni Kyle kay Francis na mabilis namang tumakbo upang kunin ang walis.

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon