Kabanata 19

8 2 0
                                    

Maaga pa ay sobrang ingay na ng classroom namin, nakikipagsabayan sa STEM 11-E na may mga nagkakantahan at tumutugtog ng gitara. Ang kaibahan lang ay noise pollution ang nasa classroom namin. Nasanay na lang din kami sa ingay ng isa't isa at palagi kaming napapagalitan dahil do'n.

It's been a week since Travis asked if he could court me. Mas napadalas ang pag-uusap namin and he updates me almost everything that he does. It actually feels good because I feel like he's already considering me even though I am not yet his girlfriend. Wala akong pangamba na pinayagan ko siyang ligawan ako.

Nabawasan lamang ang ingay sa classroom nang pumasok na ang adviser namin para sa first period. Sa sobrang komportable ng mga kaklase ko ay nagawa pa nilang biruin ang aming guro. Halos isang taon na rin naman kaming magkakasama.

"Ma'am, birthday po ni Sebastian. Kantahan daw natin siya."

"Uy, gago ka, Miguel!"

"Mr. Ronquillo, your words."

"Ay, sorry po, Ma'am."

Umupo si Ma'am sa teacher's chair. Nanatiling maingay ang mga kaklase ko pero nabawasan na iyon. Ipinagpilitan pa rin ni Miguel na kantahan namin si Sebastian. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o niloloko niya lang ang kaibigan niya.

"Oh, sige. Kantahan daw natin si Baste," sa huli ay deklara ni Ma'am. "Pangunahan mo Miguel."

Agad namang tumawa ang tinawag na pangalan. Pumatok muna siya ng tatlo sa mesa niya bago sinimulan ang pagkanta at sinabayan namin siya.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy brithday, happy bitthday to you! Sa'yo ang inimuin, sa'yo ang pulutan, happy, happy, happy birthday, sana'y malasing mo kami! Eyyy!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa lyrics ni Miguel. Pabiro siyang sinakal ni Sebastian pagkatapos nitong kumanta. Hindi niya naman itinanggi, siguro ay birthday niya nga.

"Shot na mamaya, Sebastian!"

"Bawal pa uminom 'to, kaka-17 lang."

"Ay sus, akala mo naman talaga."

"Makapag-bawal si Miguel, akala mo magulang."

"May relasyon kami!" Malakas na sabi ni Miguel habang natatawa pa, halatang nagbibiro.

"Kilabutan ka nga," ani Sebastian at tinulak ang kaibigan palayo.

"Baste, aking sinta, itinatanggi mo ba ang pag-iibigan natin?" Madramang sabi ni Miguel, humawak pa sa kaniyang dibdib na tila nasasaktan.

"Ma'am, start na po ng klase. Aral na aral na ako!" Naglabas si Sebastian ng papel at ballpen upang mas ganap sa sinabi niya.

Nagsimula ang umagang iyon ng biruan. Hindi ako pamilyar sa pakiramdam pero may saya sa aking puso na hindi ko maipaliwanag. Up until now I'm still having a hard time to understand my feelings, the emotions are still foreign to me, like I was never taught what were those called.

"Oh, here's lover boy," ani Azraela habang nag-aayos kami ng gamit.

Agad akong napatingin sa labas dahil sa kaniyang sinabi. Travis is already waiting outside our classroom. Ilang araw na rin siyang naghihintay sa akin tuwing break time at sumasama sa canteen. He even asked permission to my friends if it is okay for him to join us and they all agreed. Tuwang-tuwa pa nga silang kinakausap ang lalaki.

"Travis, halika na! Puwede ka namang pumasok," sabi ni Yoshi rito.

Komportable sila kay Travis siguro dahil na rin maayos at magaan naman ang pakikitungo nito sa kanila. Marunong siyang makisama at sumabay sa usapan, bagay na hindi naman namin nakikita sa kaniya dati.

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon