Nakasimangot kong pinapanood si Azraela na kunin ang listahan ng mga sasali sa sports. Pinaghahandaan na ng lahat ang darating na intrams. Unit 1 ang section namin, kasama ang STEM11-B at iba pang strand mula sa baitang 11 at 12.
Hindi ako mahilig sa mga ganitong event, napapagod lang ako. Mas gusto ko pang maghanda para sa long quiz kaysa mag-practice ng kung ano ano. Ang kaso lang ay required na may salihan ang lahat, it's either sa sports ka or sa yell and song. Wala akong pag-asa sa sports kaya sa yell and song ako sumali, gano'n din si Azraela.
"Ba't ka ba nakasimangot riyan? Ayaw mo no'n wala tayong klase ng isang linggo," sabi ni Azraela nang bumalik sa tabi ko.
"Ayoko, Azraela. Nakaka-boring ang ganitong event."
"Uy, promise, masaya 'to! 'Wag kang mag-alala, doon tayo manonood sa sports na gusto mo."
Hindi nawala ang pagkakasimangot ko. Hinila ako ni Azraela at nagpatianod lamang ako sa kaniya. Pupunta kami sa faculty para ibigay sa adviser namin ang mga pangalan na nakuha niya. Maraming kakilala si Azraela na nakasalubong namin sa daan. Panay ang ngiti niya sa mga ito habang ako ay mukhang batang naiinip sa tabi niya.
"Azraela, ano raw pangalan niyang kasama mo!"
Agad nagsalubong ang kilay ko sa narinig mula sa section B. Hindi pinansin iyon ni Azraela. Kapag ako ang pinag-uusapan ay hindi niya pinapaunlakan, alam niyang hindi ako komportable.
"Kilala ka sa buong STEM takot lang silang i-approach ka."
Hindi ko tinugunan ang sinabi niya. Wala namang bago, ganiyan din dahilan ng iba noon kaya walang nakikipagkaibigan sa akin. Sanay na ako at hindi na ako interesado ngayon na makipagkaibigan.
"Thank you, 'nak," sabi ni Ma'am nang iabot ni Azraela ang papel.
"You're welcome po!" Magalang na tugon ni Azraela.
"Ano pa lang sasalihan n'yong sport?" Tanong ni Ma'am sa amin.
"Ay, tignan mo po, Ma'am! Nandiyan 'yong pangalan namin sa Yell and Song." Ngumiti nang malaki si Azraela. "Pang-cheer lang po kami."
Natawa si Ma'am sa sinabi ng kaibigan ko at nagpaalam na sa amin. Bahagya kaming nagyuko ng ulo bilang respeto sa kaniya bago kami umalis.
Naging abala ang mga students dahil sa intrams. Hindi na kami nagkaklase at puro practice na lang. Minsan naiiwan kami sa classroom dahil umaalis ang mga players pero kalaunan ay ipinatawag din kami para mag-ensayo na sa Yell and Song. Ang nanguna sa amin ay mga grade 12 mula sa ABM. Sila raw ang nag-champion last year.
"Tara, canteen?" Aya sa akin ni Azraela.
Katatapos lang ng isang pasada namin sa Yell at mahabang pahinga na naman ang ginawa namin. Maingay na ang buong campus. Hindi ko maiwasan na humanga sa gawa ng iba. Ang ganda tapos ang sigla. Honest opinion, napapangitan ako sa amin.
Tumango ako kay Azraela at bumaba na kami sa canteen. Hindi gaanong mahaba ang pila nang dumating kami. Ang kaso lang ay karamihan mga lalaki, maingay sila at nagtutulakan. Medyo lumayo kami sa kanila pero magaslaw ang kilos ng mga ito kaya hindi sinasadyang nabubunggo nila kami.
"Bowne, may mga babae sa likuran ninyo."
Isang baritonong boses ang nagpatigil sa mga lalaki sa aming harapan. Wala naman silang sinabi pero umayos na ang mga ito. Sinundan ko naman ng tingin si Shone na ngayon ay naglalakad na paalis sa canteen. May hawak siyang dalawang bottled water.
"'Yon 'yong nakahulog ng ID no'ng first day 'di ba?"
Tumango ako sa sinabi ni Azraela.
"Mukha naman siyang mabait," dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Whisper Of Promises (Fearless 1)
Fiction généraleFearless Series #1 Lillianna Alarcon is as deep as an ocean. She lives in her mind more than in reality. She had thought that her company was enough in this world full of wonders and thoughts. Being alone was never lonely for her, anyway. However...