Kabanata 26

4 0 0
                                    

This day has a different ambiance that I cannot explain. While looking at the students wearing toga, I daydream about when will it be our turn. They must gone through so much before being able to walk on stage as graduating students. Magkakaiba man ng naging kuwento sa journey ng pag-aaral, tingin ko naman deserve ng lahat na mabati dahil kinaya nila at umabot sila sa puntong ito.

Tahimik akong nakaupo habang pinapakinggan na magsalita ang emcee. Ito ang araw ng pagtatapos sa aming paaralan. Isang karangalan sa akin na mapanood ang mga magtatapos ng grade 12, ngayon pa lamang ay nakikita ko na rin ang sarili ko na kagaya nila.

Ang magsasabit sa akin ng medalya bilang isang karangalan ay ang aking lolo. Mas sanay kasi siyang bumiyahe kaysa kay lola. Lumuwas siya mula pa Dilasag para lamang samahan ako sa stage dahil napasama ako sa mga mag-aaral na may karangalan. I was beyond happy to see my grandfather being able to walk on stage with me. I love him so much.

Umugong ang maraming palakpakan ng tawagin na ang mga mag-aaral na may karangalan mula sa baitang labing-isa. Humanay kami sa dalawa nang naka-alphabetical order. Nasa likod ang mga magulang kaya naman hinanap ng aking mga mata si lolo. Nakita ko siyang naglalakad na palapit sa akin at nang umabot siya sa tabi ko ay ngumiti ako rito.

"Naglawa met gayam ditoy (Ang lawak naman pala rito)," sabi ni lolo sa akin. "Nagado pay estudyante, dandani la ha'n nga agkasya (Ang dami pang estudyante, muntik nang hindi magkasya)."

"Mga g-graduate po 'yong mga nasa kabilang side," sabi ko at tinuro ang mga grade 12 na nakaupo pa ngayon dahil pagkatapos ng grade 11 ay saka pa sila aakyat sa stage.

Nilingon ni lolo ang mga iyon. May nakita akong maliit na ngiti sa kaniyang labi. Inayos niya ang kaniyang salamin sa mata nang harapin akong muli. My grandfather is old, he's already 70 years old. Ang saya ko kasi kahit na alam kong mas gusto na niyang manatili na lang sa lugar namin ay pinuntahan niya pa rin ako rito.

"Sikan tu met ah ti ag-graduate (Ikaw rin sa susunod ang g-graduate)," nakangiti niyang sabi.

I smiled back at my lolo. Kinakausap ko siya habang naghihintay na matawag ang pangalan ko. Nang marinig na tawagin ako ay inalalayan ko si lolo sa pag-akyat sa stage. Mabagal ang paglalakad ng lolo ko dahil na sa katandaan at sinabayan ko siya. Ayokong naiiwan ako ng lolo ko.

"Congrats po..." Ngumiti si Ma'am Alianna.

Ngumiti rin si lolo sa kaniya at sumagot. "Salamat, Ma'am."

Ibinigay kay lolo ang medalya at sa gitna niya isinuot iyon sa akin. Pagkatapos ay nag-picture kami at bumaba na sa kabilang side. Kagaya kanina ay inalalayan ko ito. Naghiwalay rin kaming dalawa dahil iba ang upuan nila. Nang makarating sa upuan ko ay hindi ko mapigilang haplusin ng daliri ang medalya. Nakaukit doon ang pangalan ng school namin.

Kahit na hanggang doon lang ang naabot ko, may parte pa rin sa akin na masaya dahil hindi ako nawala sa larangan na meron ako. Siguro ay mahihirapan na naman akong umusad kapag hindi ako nakapasok sa honor list. Maaaring mababaw lang para sa iba dahil sabi nga nila grades lang naman ito, hindi ito ang magdidikta ng totoong tagumoay. Pero para sa akin na ito lang ang pinanghahawakan, ito ang lahat para sa akin. Na kapag nawala ko ito, pakiramdam ko'y mawawala ko rin ang sarili ko.

Hinanap ng aking mga mata ang mga kaibigan ko, hindi pa sila natatawag lahat, lalo na at sina Isla at Zahrah ay iba ang strand. Inuna ang STEM na paakyatin sa stage. They are having their own world too. Kagaya ko ay lola ni Azraela ang kasama niya. Si Zahrah ay papa niya ang kasama, mukhang bumiyahe rin para sa anak. Samantala, si Isla... ay walang kasama. Mag-isa raw siyang aakyat sa stage, sabi niya kanina.

Hindi ko maiwasang mag-isip tungkol kay Isla. She's so good at hiding what she feels. Ang totoo niyan ay nag-aalala ako sa kaniya dahil ang palagi niyang ipinapakita ay ayos lang ang lahat, tila ba hindi niya gustong ipaalam sa iba na mayroon siyang dinadala.

Whisper Of Promises (Fearless 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon