Mabagal ang naging paglalakad namin ni Travis patungo sa labasan. Hindi raw niya maipasok ang sasakyan niya dahil masikip ang daan papunta sa amin. Kanina pa walang nagsasalita sa aming dalawa. We've been talking for months now, but we weren't close in person. Sa online lang naman kami naging malapit sa isa't isa at hindi ko alam na ganito pala ka-awkward kapag lumabas na kami nang kaming dalawa lang.
"Did I make you stay up late last night?"
Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya.
"Hindi naman. Maaga ka nga nag-aya matulog kagabi."
I saw him smiled a little. Mabilis din namang nawala iyon na tila ayaw niyang ipakita sa akin. This small interaction with him makes my heart lighter, like there is a rest in just simply talking to him.
"Good morning, Lilianne!"
Nagulat ako nang makita si Shone sa driver's seat. He smiled widely that it reached his eyes. Hindi ko inaasahan na kasama siya ni Travis.
"I'll drive for you. Hindi pa p'wede mag-drive ang pinsan ko," aniya na tila nabasa ang nasa isip ko. "Alam mo na, minor things. Strict ang parents namin."
Sinamaan siya ng tingin ni Travis. Alam kong nagsisinungaling ito dahil sinabi naman na sa akin ni Travis na pinapayagan silang magpinsan na mag-rides. Isa pa ay minsan na akong hinatid nito sa amin noong pumunta ako sa bahay ng kaklase ko.
"Pasensiya na, hindi ko nasabi sa'yo na kasama ko si Shone. Aalis din naman siya pagkatapos at susunduin din tayo mamaya."
"Ayos lang," mahinang sabi ko.
"Ang suwerte n'yo naman. Ang pogi ng driver n'yo." Ngumisi si Shone.
Hindi ko napigilang mag-ikot ng mata sa kaniya. Humalakhak si Shone na tila tuwang-tuwa sa nangyari.
"Ganiyan na ganiyan 'yong attitude mo noong unang pagkikilala natin, Lili! Tuwang-tuwa talaga ako sa'yo no'n," aniya.
Bumalik naman sa alaala ko nang ibinalik namin ang ID niya no'ng first day of class. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kalapit din pala kaming dalawa, hindi ito kailanman pumasok sa isip ko.
"You're giving the mahangin energy, Shone," sabi ko sa kaniya.
"Anong mahangin? Eh, ang hot ko kaya."
"That's enough, Van. You're at it again." Si Travis naman ngayon ang suminangot.
Mas lalong natawa si Shone na tila naaaliw sa aming dalawa. "Sumakay na kasi kayo! Pagbubuksan ko pa ba kayo ng pintuan? Mabuti sana kung may sahod ako rito mga boss."
Pinagbuksan ako ni Travis ng pintuan at tahimik akong pumasok sa kotse. May konting ilang akong nararamdaman dahil kasama ko ngayon ang dalawang Viglianco ngunit isinantabi ko 'yon, lalo na at parang nawawala ako sa sarili nang tumabi sa akin si Travis sa back seat.
"Talaga namang ginawa akong driver!" Natatawang sabi ni Shone.
Sumimangot lang si Travis sa kaniya. Sinimulan ng lalaki ang pagmamaneho, sa halip na tumanaw sa bintana kagaya ng palagi kong ginagawa kapag nasa rides ay parang nawalan ako ng kontrol sa aking sarili at nakatingin lamang ako sa harapan.
"Hindi nagsasalita si Lilianne. Siguro napipilitan lang siya."
"You're saying too much, Aivan," ani Travis sa pinsan.
"Eh, pa'no ang awkward n'yo! Gusto niyo bang sumama ako sa date niyo para hindi kayo magkailangan?"
Pakiramdam ko ay inaasar na kami ni Shone. Gayunpaman ay hindi maitatangging nakakatulong naman talaga siyang pagaanin ang atmospera sa pagitan namin.
BINABASA MO ANG
Whisper Of Promises (Fearless 1)
Fiksi UmumFearless Series #1 Lillianna Alarcon is as deep as an ocean. She lives in her mind more than in reality. She had thought that her company was enough in this world full of wonders and thoughts. Being alone was never lonely for her, anyway. However...